NICOLAI'S POV
Nandito kaming tatlo ngayon sa geer private bar. Actually dito talaga kami pumupunta pag badtrip kami at wala kaming ibang magawa.
"Hoy bro, okay ka lang?"nagtatakang tanong ni kade.
"Huh? oo naman, bakit mukha ba akong hindi okay?"tanong ko din dito.
"Ba't lagi ka nalang tulala?"tanong ulit ni kade.
"Oo nga napapansin ko rin na lagi ka ng tulala"pag-sang ayon naman ni ryle sabay lagok ng alak.
"May tanong ako sa inyo"sabi ko sa kanila ng seryoso.
"Ano yun?"sabay naman na tanong ng dalawa.
"Hayst wag na nga"bawi ko sa sinabi ko.
"Alam mo ang weird mo ngayon"iiling-iling na sabi ni kade.
Paano ko ba itatanong sa kanila?. Hayst taena sese ba't ikaw pa kasi naging first kiss ko!?
"Maiba nga ako ng usapan, hindi ba kayo nababahala kay raffa? I mean nung tumuntong kasi siya sa skwelahan na ito nabawasan yung mga fans ko"seryosong sabi ni ryle.
"Puro ka kalokohan"binato ko naman ito ng jacket ni kade pero naka-ilag ito, sayang.
"Joke lang ito na talaga, hindi niyo ba nahahalata? nang tumuntong si raffa sa skwelahan natin palagi na niyang kasama si yseah at malia, sa tingin niyo kanino siya may gusto? kay yseah o kay malia?"seryosong tanong niya sa aming dalawa.
"May gusto talaga? Hindi ba pwedeng kaya siya sumasama sa kanila ay dahil wala siyang ibang kaibigan sa school natin"saad naman ni kade.
Oo nga.. pero imposible din dahil andami niyang pwedeng maging kaibigan sa school namin dahil maraming nag-aaral dun.
"Bahala kayo basta yun ang naiisip ko, pero sa tingin ko kay yseah siya may gusto medyo kakaiba kasi ang tingin niya kay yseah, pansin ko lang"ryle.
"Baka may gusto kayo kay yseah at malia umamin na kayo baka maunahan kayo, kayo rin"dagdag pa ni ryle.
"Srsly? Kaibigan lang ang tingin ko sa kanilang dalawa"sabi ko.
"Weh di nga? Talaga? Never ka talagang naakit at humanga kay yseah?"sunod sunod na tanong ni ryle.
"Never"sagot ko.
"Ang ganda kaya ni yseah tsaka mabait pa at ang sexy p---- Aray!"hindi na natuloy ang sasabihin ni ryle ng batuhin ko siya ng jacket ko sa mukha niya.
"Ikaw ryle ah may pagnanasa ka pala kay yseah, baka naman ikaw yung may gusto sa kanya kaya ayaw mong lumapit si raffa kay yseah"tukso naman ni kade.
"Hoy wala akong gusto kay yseah, gago nito, sinabi ko lang naman ang totoo no maganda siya at tsaka mabait at ano"huminto ito bago napatingin sa 'kin.
"Ano?"seryosong tanong ko dito.
"Yung ano...basta alam niyo na yun hindi ko na uulitin baka kung ano na ang ibato mo sa 'kin"natatawang sabi ni ryle.
"Oo nga pala kade nung nag-inuman tayo nung nakaraang araw napansin kung panay ang tingin mo kay malia"si ryle ulit.
Seryoso? Ba't hindi ko yun napansin? Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa?
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...