YSEAH'S POV
Habang nagmamadali akong maglakad sa daan may biglang bumunggo sa 'kin sa likuran.
Bwesit sino ba 'to?. Nilingon ko naman ito agad buti hindi ako natumba, kahiya yun men.
"Problema mo?"inis na tanong ko dito sabay tingin ko sa relo ko.
Gosh malapit na akong late sa trabaho!
"Sorry miss, pasensya na kasalanan ko"paghingi nito ng paumanhin.
Alangan naman kasalanan ko eh siya yung bumangga sa 'kin!
"Pasensya na ulit"paghingi ulit nito ng paumanhin.
Pasalamat ka pogi ka, char
"It's okay basta sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo para kang lutang"sabi ko dito sabay takbo palabas ng parking lot.
Pagkarating ko sa shop agad kung isinuot yung uniform ko at nagsimula ng magtrabaho.
Pagkatapos naman ng trabaho ko ay inaya ako ni malia na lumabas.Kagaya nga ng sabi niya lagi siyang pupunta dito at ganun na nga ang nangyare at madalas na rin kaming lumabas, minsan kasama si lance minsan naman hindi.
(At the park)
Naka-upo kami sa may bench ngayon.
"Ahm lia bakit nga pala bigla kang umalis sa shop nung isang araw?"tanong ko dito.
"May pinuntahan lang akong importante"sagot naman nito.
"Ah ganun ba"sabi ko.
"Sige kwentuhan muna ako sa high school life ni colai"dagdag ko pa.
"Nung hindi pa kami magkaibigan ni russ balita ko may mga naging kaibigan daw siya dati na mga bad boys at tsaka sa kwento ng pinsan ko, sobrang sama daw ng ugali ni russ dati kapag daw may mga nagcoconfess sa kanya binubuhusan niya ng pintura at kung medyo type daw niya dini-date daw niya ng isang araw at kinabukasan hindi na magpaparamdam at aakto nalang siyang hindi ka niya nakilala at bully daw dati si russ tapos nung naging kaibigan niya raw si ryle at kade bigla nalang daw siyang umalis sa grupo nila at hindi ko na alam ang susunod na nangyare basta nung nakilala ko si russ hindi na siya bully at hindi na kasing sama yung ugali niya, although cold at snobber siya minsan pero mabait naman siya"kwento naman ni lia.
"Ganun pala dati si colai"hindi makapaniwalang sabi ko.
Kung hindi kaya kami umalis hindi kaya siya magkakaganon?
"Yung daddy mo tumatawag sagutin mo muna baka importante yan"sabi ko sa kanya, kanina ko pa kasing napapansin na pinapatay niya yung tawag.
"Alam mo sa buong buhay ko hindi ko pa naranasan magkaroon ng freedom, kahit college na ako wala pa rin akong privacy lahat ng gagawin ko kailangan alam ng mga magulang ko at kung may ayaw sila na gawin ko hindi ko pwedeng gawin baka daw makaapekto sa pamilya namin.Tsaka ikaw ba naman ipakasal sa taong hindi mo mahal at ng dahil lang sa business, magiging masaya ka ba?. Minsan nga natatanong ko yung sarili ko, para ba talaga sa 'kin yung ginagawa nila o para sa sarili nila?, para sa pera ba o para walang masabing masama yung ibang tao sa amin? Napapagod na ako sa buhay ko, I swear"malungkot na sabi ni lia.
"So you mean kasal ka na?"tanong ko dito.
"No, hindi natuloy yung kasal basta lalayuan ko daw yung isang taong importante sa buhay ko.Akala ko nga madali lang na layuan siya pero mas lalo akong nahirapan"naiiyak na ito habang nagsasalita.
Nakakalungkot naman ng buhay niya.
"Pwede ko bang malaman kung sino itong isang taong importante sa buhay mo?"tanong ko dito habang hinahaplos yung likuran niya para naman gumaan yung pakiramdam niya.
Nung araw na yun nalaman ko na ang mga malulungkot na ng nangyare sa buhay niya.At nalaman niya na rin ang lahat ng malulungkot na nangyare sa buhay ko.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...