Chapter 25

30 7 0
                                    

MALIA'S POV

Pagkatapos ng klase namin, inaya kung mag-shopping si seah dahil gusto ko rin bumili ng regalo para sa pamangkin ko, ayaw kasi akong samahan ni lance may importante daw siyang gagawin ngayon kaya si seah nalang yung isinama ko buti hindi tumanggi kasi wala din naman siyang pasok ngayon sa trabaho kasi nagclose muna si tita.

"Seah ang ganda ng dalawang dress nato oh, pwedeng friendship matching dress"sabi ko habang hinahawakan yung dress.

"Oo nga"sabi nito ng makalapit sa kinaroroonan ko.

"Bibilhin ko na 'to, sa 'kin yung isa at sayo naman yung isa"tuwang tuwa na sabi ko.

"Sakto may binili rin ako kanina"aniya at isinuot sa kamay ko yung bracelet.

"Wow ang ganda naman nito"manghang sabi ko.

"Actually two friendship bracelet 'to"paliwanag niya.

"Akin na, ako na magsusuot sa kamay mo"presenta ko at kinuha yung isang bracelet sa kamay niya at tsaka ko isinuot iyon sa kamay niya.

Dinikit pa namin yung mga kamay namin at pinagmasdan ang mga bracelet na suot namin. Parehas kami na may pendant na heart.

Finally nakahanap na rin ako ng kaibigan na ka-same vibes ko.

NICOLAI'S POV

Pagkatapos ng klase namin agad akong umuwi sa bahay para makapag-pahinga. Hindi ko na naisama pa-uwi si sese dahil kay malia, gusto pa raw nitong makasama si sese tsaka may pupuntahan pa daw sila kaya pinadala ni malia sa 'kin yung bag ni sese. Umupo agad ako sa couch pagkarating ko ng bahay.

Well, medyo okay na kami ni malia at sese pero hindi ko pa rin alam ang mga rason nila kasi ayokong malaman tsaka na siguro pag okay na ang lahat. Pero may kunting alam na ako sa rason ni sese at alam ko na rin na nagtatrabaho ito sa milktea shop, nakita ko kasi siya.

Umakyat na ako sa kwarto at tsaka nagbihis bago bumaba at pumasok sa kusina para kumuha ng tubig sa ref at umupo ulit dun sa couch.

Agad naman nabaling ang tingin ko sa pintuan ng bumukas iyon at tsaka pumasok si sese na may bitbit na shopping bag. Tsk! nagshopping lang sila?. Tumabi naman ito sa 'kin tsaka ngumisi ng malapad.

Taka ko naman itong tinignan. Napunta naman ang tingin ko sa maganda nitong mga mata at sa matangos nitong ilong at sa pisnge nito papunta sa mga labi nitong nakangisi ng malapad. Totoo nga ang sabi ni ryle, maganda naman talaga ang kababata ko.

"Ah colai"nakangisi pa ring sabi nito.

Hindi ko ito sinagot bagkus ay tinaasan ko lang ito ng isang kilay. Ang ganda kasi pagmasdan ng mukha niya pag nakangiti ito.

"Pwede bang lagi muna akong isabay papuntang school at pauwi? promise hindi na ako mag-iingay sa loob ng kotse mo pag-isasabay muna ako, please"pagmamakaawa nito.

"Hmm pag-iisipan ko"biro ko dito.

"Please sige na"nagpa-cute naman ito.

"Hayst sige na nga, ang kulit mo"hindi ko alam pero napangiti ako bigla sa inakto nito.

"Yes, thank you, sabi ko na nga ba hindi mo 'ko kayang tiisin"sabi nito tsaka nagpa-cute ulit.

"Hayst tama na nga yang pagpapa-cute mo!. Ang panget mo, magbihis ka na dun"sabi ko sabay tulak dito papunta sa hagdanan tsaka ako bumalik sa couch at naupo roon.

"Colai"tawag nito sa 'kin habang umiinom ako ng tubig.

"Ikaw ang nagbigay ng COLAI sa buhay ko"naibuga ko naman yung nainom kung tubig.

Ng balingan ko ito, tatawa-tawa pa itong umakyat ng hagdanan at pumasok sa kwarto niya.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now