YSEAH'S POV
Ang boring naman ng araw na 'to puro discussion lang, maka-idlip nga muna saglit.
NICOLAI'S POV
Aba ang tapang naman ng isang to na tulugan ang klase ni Ms. Fretonia, tignan lang natin kung may maisagot ka sa quiz bukas.
Pagkatapos ng klase ni Ms. Fretonia next subject na namin si Prof. Miguel na mabait pero may pagka-strict pagdating sa activities and projects.
"Goodmorning Prof. Miguel"sabay-sabay nilang bati except sa sa 'kin at kay yseah na tulog pa rin.
"Goodmorning, are you all done in your presentation?"tanong ni prof. Miguel.
"Not yet prof"sagot ng karamihan sa amin.
"Let me remind you again that this wednesday na iprepresent yung presentation niyo so goodluck"prof.
"Tsk! Hindi pa rin kayo tapos hanggang ngayon? eh last week pa yun niremind ni prof"bulong ko sa sarili tsaka umiling-iling.
"Matalino ka daw kasi Mr. Nicolai The Genius"rinig kung sabi ni ryle.
"Absent ba si Ms. Finley?"nabaling naman ang tingin ko kay prof. na takang-taka at hinahanap si yseah.
Favorite kasi ni prof. Miguel si yseah, nahalata ko lang kasi palagi rin kasing nagrerecite si yseah sa klase ni prof. miguel.
"She's not absent prof"sagot ko dito.
"Aba himala nagsalita ka Mr. Huxley"hindi makapaniwalang sabi ni prof.
Tinapik-tapik ko naman si yseah sa braso para magising.
"Hoy yseah gising paalis na si Ms. Fretonia"ako.
Mapagtripan nga 'to HAHAHA
Agad naman itong mabilis na tumayo.
"Goodbye Ms. Fretonia"mabilisang sabi nito tsaka yumuko.
Humagalpak naman ako ng tawa pati na rin yung mga kaklase namin.
"Goodmorning Ms. Finley, naistorbo ba namin yung tulog mo?"nakangiting sabi ni prof.
Nagulat pa ito ng si prof. Miguel ang makita niya.
"Sorry prof. Miguel hindi na po mauulit"nahihiyang paghingi ng tawad nito.
"Okay you can sit down now"saad ni prof. tsaka ito umupo.
Ayan tutulog tulog kasi! *evil smile*.
Pagkatapos ng klase syempre umuwi ako ng masaya.
Hindi ko pa rin makalimutan yung kanina.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...