NICOLAI'S POV
Nandito kami ngayon sa bahay dahil dito daw nila gustong gawin yung projects namin kaya pumayag nalang ako wala rin naman akong magagawa.
"Bakit hindi pantay yung bintana ng building mo?"natatawang tanong ni ryle kay sese.
"Hindi pa yan final"sagot ni sese.
"Mabuti pa yung akin pantay"proud na sabi nito.
"Pangit naman"pabulong na sabi ni sese pero rinig na rinig naming dalawa ni ryle.
Yeah kaming dalawa lang ni ryle wala pa kasi si kade.
"Anong pangit maganda kaya yung gawa ko"saad naman ni ryle.
"Huh?"patay malisyang tanong ni sese.
"Ang sabi ko mag---"ryle
"Huhkdog"sese
"Aba"saad ni ryle habang kinukuha yung ruler na nasa gilid niya.
Dahan-dahan naman lumapit sa 'kin si sese at pumunta sa likuran ko.
"Aba ano?...ano ha?"matapang na tanong ni sese dito habang naka-taas yung dalawang kilay.
Tinignan ko naman si ryle na ngayon ay may hawak na ruler at pinalo-palo pa nito iyon sa kanyang palad.
"Aba....ang pangit rin ng gawa mo"saad nito at itinuon ulit yung sarili sa ginagawa nito.
"Takot ka naman pala eh"nakangising sabi ni sese at tsaka bumalik na ito sa puwesto niya.
"Palaban ka kasi"sagot naman ni ryle.
"Pwede ba sese at ryle tumahimik na kayo, ang ingay niyo"reklamo ko.
"Sese?..so sese pala ang tawag mo sa kanya dati bro? pwede ko na rin ba siyang tawaging sese?"tanong ni ryle.
"Hindi pwede si colai lang ang pwedeng tumawag sa 'kin niyan"sagot naman ni sese.
"Edi 'wag pangit naman ng palayaw mo"natatawang sabi ni ryle.
"FYI ang ganda kaya ng palayaw ko tsaka inggit kalang dahil wala kang palayaw"saad naman ni sese.
"Anong nakakainggit dun aber?"tanong naman ni ryle.
Hayst! parang mga bata.
Ewan ko sa inyong dalawa.
Nagbangayan lang sila ng nagbangayan, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko hayst.
Bigla naman bumukas yung pintuan at tsaka pumasok si kade kaya natahimik ang dalawa at nakatingin na rin ngayon sa papalapit na si kade.
"Mabuti naman at dumating ka na ang sakit na ng ulo ko sa kaingayan ng dalawa....teka basa ka ba?"sambit ko.
"Bro anong nangyare sayo? umuulan ba sa labas?"takang tanong ni ryle kay kade sabay tingin nito sa bintana.
Oo nga bakit basang-basa ang kumag na 'to?
"Bumalik na si malia"imbes na sagutin nito ang tanong namin ni ryle iba ang sinabi nito.
Bumalik na siya?
"Yan ba ang pasalubong niya sayo?"tukoy ko sa basang katawan nito.
Hindi naman ito sumagot kumuha lang ito ng isang can ng beer at agad nilagok nito iyon.
Sabi na eh kay gandang pasalubong.
Ano kaya ang kasalanan ng kumag na 'to kay malia?
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...