STILL YSEAH'S POV
"Bye tita, bye tito, salamat po sa pagpapa-stay sa 'kin dito"saad ko habang isa-isang niyakap ang mga ito.
"Riseah hindi ba talaga pwedeng dito nalang si sese?"nagmamakaawang tanong ni tita kay mom.
"Ano ka ba naman hon matagal nilang hindi nakasama ang anak nila, kaya sese wag kang makinig dito, spend time on your parents"saad naman ni tito mas lalo tuloy nalungkot si tita.
Tumango nalang ako.
"Oh sya, sige na, hindi na ako mamimilit bakit ba kasi naging lalaki ka pa"tukoy nito kay colai na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Son, baka gusto mo maging bakla nalang, tatanggapin ka ni mommy kahit ano ka pa"natawa naman kaming lahat sa sinabi ni tita.
"Mom you're so OA , lilipat lang naman ng tirahan si sese tsaka ako magiging bakla? No way! Sayang yung kapogian ko"seryosong sabi ni colai.
"Edi mag-girlfriend ka na anak para hindi na kita kulitin maging bakla"tita.
"Nagka-girlfriend ka na ba nico?"tanong naman ni dad sabay iling ni colai.
"Seryoso? Marami naman sigurong may gusto sayo sa school niyo diba? Teka, ano bang type mo sa babae?"tanong naman ni dad na nakatuon lang ang atensiyon kay colai.
Napakamot pa ito sa batok niya. "Simple lang po tsaka mabait at maalaga"sagot nito.
"Edi si sese na yung hinahanap mo anak, diba?"nabaling naman ang tingin naming lahat kay tita na nakangisi na ngayon.
"Mom"nahihiyang tawag nito kay tita.
"Oo nga, bakit hindi nalang maging kayo anak?"nakangising tanong naman ni tito habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni colai.
Napatingin naman ako sa mga magulang ko na ngayon ay tumatango-tango na rin. Hayst!.
"Naku po hindi po ako ang ideal girl ni colai kaya aalis na po kami baka kung san pa po mapunta ang usapang 'to"saad ko at lumapit kay colai at niyakap ko ito.
"See you at school"saad ko bago kumalas.
"Basta pag sabado at linggo huwag niyong pagbawalan na matulog dito si sese ha at bisitahin niyo naman kami araw-araw"saad naman ni tita.
"Araw-araw talaga mom?"hindi makapaniwalang tanong ni colai kay tita.
"Hay naku hon"tito.
"Oh siya mauna na kami, salamat ulit sa pagpapatira kay sese dito at salamat rin sa tulong niyo, promise babawi kami at huwag niyo rin kalimutan na bumisita sa bahay namin"masayang saad ni mom bago kami tuluyang umalis sa bahay nila tita.
Pagkarating namin sa dating bahay namin agad naming ipinasok ang mga gamit namin.
"Hayst wala pa ring pinagbago maganda pa rin ang bahay na 'to"saad ko bago umupo sa sofa.
Mabuti nalang at ipinalinis ito ni tita bago kami bumalik dito sa dati naming tirahan.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...