YSEAH'S POV
Dahil sunday ngayon napag-isipan kung mag-mall, since ayaw ni colai sumama edi ako nalang bahala siya sa buhay niya mabobored lang siya dun sa bahay.
"Teka ano nga ba yung bibilhin ko?"tanong ko sa sarili.
"Hoy"nagulat naman ako ng may nagsalita sa likuran ko.
"Tipaklong ka sino ka ba tsaka ba't ka ba nang-gugulat?"tanong ko sabay lingon dito.
"Hi goodafternoon"nakangiting bati ni lance.
"Anong good sa afternoon?"tanong ko dito tsaka nagsimulang maglakad.
Sumunod naman ito.
"Wow bakit ang sungit mo sa 'kin? meron ka ba ngayon?"pabulong na sabi nito.
"Bastos"iritang sabi ko dito sabay lingon ng mga tao sa direksiyon namin.
"Nagkakamali po kayo hindi po ako bastos wag po kayong maniwala sa kanya"paliwanag nito sa mga nakatingin sa amin sabay ngiti niya ng pilit.
Para akong tanga na pinipigilan ang sarili na tumawa habang naglalakad dahil mahirap na baka pagkamalan akong baliw.
Lumingon lingon naman ako sa gilid at buti naman hindi na nakasunod sa 'kin yung tukmol.
Hindi ko rin alam kung bakit nung araw na may nakita ako hindi ko na siya kayang kausapin.
Hayst yung bibilhin ko nga pala baka makalimutan ko.
Pumasok na ako sa may botique.
"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap"biglat sulpot ni lance sa harapan ko pagkalabas ko ng botique.
Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko.
"Ano ba bakit ang hilig hilig mong mang-gulat? buti nalang at wala akong sakit sa puso"natawa naman ito sa sinabi ko.
Anong nakakatawa dun?
Nababaliw na ba siya?
Gusto ba niya talagang magkaron ako ng sakit sa puso?
"Bakit ba kasi ang sungit mo sa 'kin? feeling ko tuloy ayaw mo akong kausap"may halong lungkot ang boses nito.
Tama ka!
"Akala ko ba friends na tayo? bakit ganyan mo 'ko itrato?"dagdag pa nito.
"Gusto mo malaman kung bakit ganito ako sayo?"tanong ko dito tsaka ito tumango.
"Lapit ka"dagdag ko pa.
Lumapit naman ito at pinantayan ako, medyo mataas ito sa akin ng kunti eh.
"Nakita kitang may ginalaw na babae at narinig kung sabi nung babae sayo na "walang dapat na makaalam sa nangyare sa araw na 'to please ipangako mo", yan ang dahilan"paliwanag ko dito.
Bigla naman kumunot yung noo nito sa narinig.
"Ginalaw? ako may ginalaw akong babae? sino?"takang tanong nito sa 'kin.
"Aba malay ko sayo"saad ko.
"Kelan yun?"tanong nito.
"Nung araw na napahiya ako dahil kay colai, I mean nicolai"paliwanag ko dito.
"Ah, grabe ka naman makahusga ginalaw ko talaga"sabi nito.
"Bakit gusot gusot yung uniform niya? at may punit pa yung palda niya tapos magulo din yung buhok niya"saad ko.
"First of all hindi ko siya ginalaw tsaka pinsan ko siya okay tapos hindi ako yung may gawa sa uniform at palda niya, may nakaaway siyang isang grupo ng mga babae kaya niya sinabi sa akin yun hindi rin kasi siya nagpapa-api kaya nangyare sa kanya yun"mahabang paliwanag nito.
Oh lupa ako'y iyong lamunin, now na!
Nakakahiya! Kung titignan mo talaga yung suot ng babae parang ginahasa niya talaga eh.
"Ops sorry akala ko kasi ano----"
"Okay lang akala ko nga rin manyakis ka o baka naman may gusto ka kay nicolai"sabi nito.
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.
"Hoy hindi ako manyakis no at tsaka wala akong gusto kay colai"depensa ko dito.
"So bakit ka sunod ng sunod sa kanya?"nakangising tanong nito.
"Kasi ano"ako
"Ano?"lance
Hayst paano ba 'to?
"Kasi gusto kung maka-usap siya"sagot ko.
"Maka-usap? teka matagal na ba kayong magkakilala?"tanong nito at tumango naman ako bilang sagot.
"Di nga? bakit kung umakto siya parang hindi ka niya kilala?"bigla naman akong nalungkot sa tinanong nito.
"Hindi ko rin alam basta pagbalik ko nalang ng pilipinas ganyan na siya"sagot ko dito.
"Baka naman may rason siya o kaya may nangyare sa kanya dati kaya nagbago siya"saad nito.
Ano naman yun?
"Baka nga"saad ko.
Bigla naman kumulo yung tiyan ko.
"Baka nga gutom ka na"natawa naman ako sa sinabi nito.
"Tara lunch tayo, libre ko"alok nito.
"Tara"sagot ko tsaka nagsimula na kaming maglakad.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...