Chapter 28

28 7 0
                                    

NICOLAI'S POV

(At school)

"Grabe yung mukha ni lirian kanina HAHAHA, akala ko talaga hindi siya papatulan ni vera LT"natatawang sabi ni malia.

"Imbes na tulungan mo yung pinsan mo kanina tinawanan mo lang"natatawang sabi ni sese.

"Deserve niya naman yun napaka-maldita niya kasi tsaka i told you hindi kami ganun ka-close ni lirian tsaka isa pa, ayoko sa ugali niya pinakikisamahan ko lang siya dahil pinsan ko pa rin siya no"aniya ni malia.

Kakarating palang ng dalawang 'to ang ingay ingay na.

"Hoy ikaw, ba't nandito ka? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman namin kaklase tsaka ang ingay mo pa"sabi ko kay malia sabay turo dito.

"Bakit ba! Tsaka sa pagkakaalam ko rin wala namang rules dito sa school na bawal pumasok sa ibang room, duh"malia, sabay tinarayan ako.

Wala pa ring pinagbago maldita pa rin siya, ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan 'to!. Hinampas ko naman ito ng manipis na notebook sa ulo.

"Ouch, kade oh hinampas niya ako"laking gulat naman ni kade ng tignan siya ni malia at tinawag ang pangalan niya.

"Ops, I forgot, wala ka nga palang pake sa 'kin"malia, sabay ngiti ng mapait.

Uy ano yun? Sinasabi ko na nga ba may kaka-iba talaga!

Hinampas ko naman ng manipis na notebook ang ulo ni sese. Takang tumingin naman ito sa 'kin.

"Ihatid muna yan pabalik sa room nila, ang ingay niyong dalawa pag magkasama kayo"utos ko dito.

"Tara mag-recess na tayo seah"sabi ni malia sabay irap sa 'kin tsaka sila lumabas.

"Geer Bar tayo mamaya, mag-explain ka samin"saad ko habang nakatingin ng seryoso kay kade.

"Mukhang marami kang kailangan ikwento sa amin bro"saad ni ryle sabay tapik sa braso ni kade.

YSEAH'S POV

"Omg, ang bait ng parents mo"masayang bulong sa 'kin ni lia.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay dahil gusto daw makilala ni mom at dad ang mga kaibigan ko.

"Oh iho, bakit hindi ka kumakain? ayaw mo ba ng cookies? Ako nagbake niyan"tukoy ni mom kay raffa, ang tahimik niya kasi.

"Oo nga, anong nangyare sayo? dude okay kalang ba?"takang tanong ni lance habang kumakain ng cookies.

Tinignan naman namin kung san nakatingin si raffa. Dad!

"Dad, wag mong tignan ng ganyan si raffa"saad ko.

"Stevan!"mom.

Natatakot ba si raffa?

"Magkaibigan lang ba talaga kayo ng anak ko?"seryosong tanong ni dad habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay raffa.

"O-Opo s-sir"kinakabahang sagot ni raffa.

"Kung ganun ba't parang kinakabahan ka? kumain ka ng cookies, gawa yan ng asawa ko"bigla namang nagbago ang itsura ni dad tsaka inabutan ng cookies si raffa na agad naman nitong tinanggap.

"Oh ito, uminom ka ng juice"dad, sabay abot ng juice kay raffa na ka-agad din nitong tinanggap.

"Salamat po sir"naka-ngiti nitong pasalamat.

Iisa lang ang reaksyon namin ni mom,lance at malia, halos hindi kami makagalaw habang nakatuon lang ang tingin namin kila dad at raffa. Si dad talaga.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now