KADE'S POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyare nung isang araw, ang buong akala ko ay naiintindihan na niya kaya siya bumalik dito sa pilipinas, but i was wrong.
Hindi ko rin naman ma-explain sa kanya ang dahilan dahil ayaw niya akong pakinggan katulad ng sitwasyon ni yseah kay nico.
Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, tungkol ba 'to kay malia?"tanong ni nico na nakatingin sa malayo.
Hindi ko man lang napansin na katabi ko na pala siya.
Nasa terrace kasi kami ng bahay nila.
"Hindi"pagsisinungaling ko dito.
"Huwag mo nga akong lokohin, kilala kita kade...ano ba talagang meron sa inyo ni malia?"tanong nito sabay tingin sa 'kin.
"What do you mean?"takang tanong ko dito na may halong kaba pero hindi ko pinapakita na kinakabahan ako.
"Alam mo simula nung maging kaibigan ko si malia napapansin kung kakaiba yung mga ikinikilos mo dati pero isinawalang bahala ko nalang yun kasi nga kilala ka sa buong school na 'to na woman hater ka dahil sa ginawa ng mommy mo kaya inisip ko nalang na baka ayaw mo lang talaga kay malia"mahabang ani nito.
"Pero sa nangyare nung isang araw at nung naka-usap ko siya kanina parang may mali sa inyong dalawa, ano ba talagang meron kayo?"dagdag pa ni nico.
Nagkita sila kanina?
Ano naman ang napag-usapan nila?
Okay na ba sila?
"Okay na ba kayo ni malia?"tanong ko dito para maiba ang usapan.
"Tsk! iniiba mo yung usapan kade"saad ni nico.
Paano ko ba sasabihin?
Hindi, hindi ko pa pwedeng sabihin baka pag nalaman na niya masaktan siya.
"Ah ano kasi---"ako
"Andito lang pala kayo, kanina pa kayo hinahanap ni ryle tsk! inutusan ako ng kumag bumaba na kayo"saad ni yseah.
"Mauna ka na may pag-uusapan pa kami"saad ni nico kay yseah.
"Tungkol san? kay malia? sino ba si malia?"sunod sunod na tanong ni yseah.
Narinig niya?
"Alam mo ang chismosa mo, bumaba ka na dun"saad ni nico habang pinapaalis si yseah.
"Alam niyo ang sweet niyong dalawa"nakangiting sabi ko sa kanila.
Napatigil naman sila sa sinabi ko.
"Kadiri yung sinabi mo"diring-diri na sabi ni nico.
"Anong sweet dun?"saad naman ni yseah.
"Hayst basta ang sweet niyo, bagay kayo"saad ko bago naunang bumaba.
"Hoy kade hindi pa tayo tapos mag-usap"rinig kung sigaw ni nico mula sa terrace.
"Ang chismosa mo kasi kaya hindi natuloy yung usapan namin"rinig ko pang sabi ni nico.
"Hindi ako chismosa no"depensa naman ni yseah.
Napa-iling nalang ako bago tuluyang makababa.
Mabuti nalang at dumating ka yseah hindi pa ako handang sabihin sa kanya kung anong meron sa amin ni malia.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...