NICOLAI'S POV
*FLASHBACK*
Pagkatapos kung mag-c.r bumalik na kaagad ako sa private room. Napahinto ako sa may tapat ng pintuan ng biglang magsalita si malia.
"Weh? di nga? umamin talaga siya sayo?"rinig kung sunod-sunod na tanong ni malia kay sese.
"Hinaan mo yang boses mo baka marinig nila"sita naman ni sese sa kanya habang nakatingin kay raffa na may kinakausap sa phone at kay vera naman na busy sa pagkalikot ng phone niya.
Bigla namang napataas ang isang kilay ko ng makuha ko kung ano ang pinag-uusapan nila kaya nanatili lang muna ako sa may tapat ng pintuan habang nakatalikod sa 'kin silang dalawa na nag-uusap.
"Omg, ano naman yung sinagot mo?"pabulong na tanong ni malia na narinig ko naman.
Wala pa siyang sagot.
"Wala"sagot nito.
"Wala? you mean wala talaga kahit isang word man lang?"disappointed na sabi ni malia.
"Wala kasi palaging nauudlot"sagot naman ni sese.
"Kung sakaling matuloy na, yung wala na talagang puputol ng moment niyo, anong isasagot mo?"medyo pasigaw na tanong ni malia ng biglang mag-play na ulit yung next song sa loob ng bar na sobrang lakas.
"Ewan ko, kinabahan nga ako ng bigla nalang siyang umamin sa 'kin, kasi naman matagal na kaming mag-kaibigan tapos aamin nalang siya bigla tsaka hindi ko alam kung ano yung isasagot ko, ewan ko ba"naguguluhang sagot nito.
Naglakad ako palapit sa kanila ng tahimik.
"It's okay,you don't have to hurry, don't pressure your self too much, I know biglaan din yung pag-amin ko sayo"saad ko sapat na para marinig nilang dalawa kaya gulat silang dalawang napatingin sa 'kin.
"Ah ka-kanina ka pa ba jan?"kinakabahang tanong ni sese.
Tango lang ang isinagot ko dito kaya mas lalo itong kinabahan at nahihiyang lumingon ito sa ibang direksyon habang nakapikit pa ang mga mata.
"Yieee ikaw russ ah may pagtingin ka pala kay yseah"tukso nito habang sinusundot-sundot ang tiyan ko.
Lasing na nga siya. Ganito talaga malasing si malia na akala mo sobrang tino niya pa kausap pero yung totoo hindi na tsaka ewan ko lang kung maaalala niya pa bukas yung narinig niya ngayon. Sana hindi na.
"Bro what's up?"biglang sulpot at tanong ni ryle habang tinatapik-tapik pa ang balikat ko.
"What's up mo mukha mo"iiling-iling na sabi ko tsaka umupo na sa tabi ni lance na ngayon ay tulog na at nakasandal pa ang ulo sa balikat ni vera habang si vera naman busy sa pagkalikot ng phone niya.
"Iuuwi ko na 'to, mauna na kami sa inyo kitakits nalang bukas"paalam ni vera habang inalalayan ang kanyang nobyo na tumayo.
"Ako rin tsaka ihahatid ko pa sila"paalam din ni raffa habang inalalayan din si lance na tumayo.
"Hoy kade yung pinsan ko ha ingatan mo yan"biglang lasing na sabi ni lance ng papasok na si kade.
"Hoy saan ka galing? yung girlfriend mo oh lasing na"tanong ko sa kanya.
Tinungga ni malia ang bote na nasa harapan niya. Oo yung bote hindi yung baso.
"Badtrip bro, sinukahan ako ni lia, iuuwi ko na 'to ha lasing na eh, kitakits nalang bukas tsaka umuwi na rin kayo ala una na"sabi nito habang inaalalayan si malia.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...