15

6.8K 215 31
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

15

Nakapag adjust na kahit papaano si Thalia sa trabaho niya, sa lugar at sa pamilya Ginulayan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Mababait silang lahat, lalo na si Lola Letty at ang Mama ni Celerio. Si Celerio lang naman ang hanggang ngayon ay nagsusuplado sa kanya. Pero alam niyang kahit ganoon ang trato nito sa kanya, may mabuti pa rin itong kalooban.

“Konting bilis naman, Thalia, mahuhuli na ako sa trabaho.” Reklamo nito sa kanya. Nakasakay na ito sa kanyang owner type jeep at nakatingin na sa relo.

“Sandali lang, Lado.” Halos tumakbo na siya, pagkatapos ay sumakay sa tabi ni Celerio. Umiwas naman ng tingin ang binata.

“Kailangan bang ganyan kaikli ang suot mong palda?” Puna nito sa suot niyang abuhing palda, iyon ang uniform nilang mga cashiers.

“Maikli na ito sa iyo? Habang-haba na nga ako rito.” Inayos niya ang pagkakaupo, lumitaw kasi ang maputi niyang legs. Hindi naman gaanong maikli ang uniform niya, masyado lamang talagang conservative si Celerio.

“Dapat slacks ang sinusuot ninyo, hindi ganyan.”

“Sobra naman to, mainit kaya ang slacks. Isa pa, hindi kaya maikli ang palda ko, ang maikli eh ganito.” Akma niyang itataas ang palda nung tumingin sa kanya si Celerio.

“Tumigil ka nga. Napaka-isip bata mo. Basta ayokong sobrang ikli ng suot mo. Pauuwiin kita para magpalit.”

Ngumiti si Thalia. “Para ka namang tatay  sa inaasal mo.”

“Iba ang lugar namin, Thalia.”

“Yah, I know, pero alam ko naman ang gagawin ko kaya huwag kang mag-alala. Huwag ka ngang OA, Lado. Akala ko ba mahuhuli na tayo? Bakit hindi pa umaandar ‘tong sasakyan mo?” Pagsusuplada niya ng konti.

Hindi sumagot si Celerio, tahimik silang dalawa papuntang Ginulayan Convenience Store.

“Salamat.” Sabi ni Thalia.

“Okay.” Pagkatapos ay umalis na ito.

“Lagi na lang may sumpong, daig pa ang may dalaw araw-araw.”

“Thalia, hinatid ka na naman ni Mr. Policeman. Ang gwapo talaga niya.” Nakangiting sabi ng kasama niyang cashier, lima silang kahera sa tindahang yun. Isa sa pinakamalaki at mataong convenience stores na pag-aari ng mga Ginulayan.

Ngiti lang ang isinagot niya. Kung gaano siya ka mapang-asar kay Celerio, tahimik naman siya pagdating sa mga katrabaho, hindi niya maipaliwanag kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam kapag nasa pamilya Ginulayan siya. Yung kaya niyang magpakatotoo sa sarili katulad ng kapag kaharap niya ang nag-iisang matalik niyang kaibigan.

“Totoo ba ang tsismis na nobya ka ni Mr. Policeman?”

“Kayo talaga, hindi no. Isa pa, may nobya na kaya yung tao. Baka kung ano pa ang isipin niya. Ayokong makasira ng isang relasyon.” Umupo siya sa kaha niya at sinimulang buksan ang kaha. Maya-maya kasi ay magbubukas na sila.

“Alin? Yung tsismis dati na kasama niyang nagtanan?” Hindi pa rin siya tinantanang ng kasamang si Ruth.

“Nagtanan?” Biglang nagkainteres siya. Si Lado, nagtanan?

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon