7

6.3K 204 25
                                    

7

“Anong nakakatawa?” Nakakunot ang noong tanong nito. “Pinagtatawanan mo ang apilyedo ko?”

Nakahawak pa rin si Thalia sa tyan niya, naiihi siyang lalo sa katatawa. “Sorry talaga ha. Hindi ko sinasadya, pero ano, kasi, ano, nakakatawa naman talaga ang pangalan mo. No offense meant talaga.”

“Nasa harap kita.” Hindi ba alam ng babaeng ito na ang pinagtatawanan niya ay malapit ng mapikon.

Tinakpan na ni Thalia ang bibig niya ng palad niya at nang maawat ang tawa niya pero hindi talaga eh. “Sorry.” Nag peace sign pa siya. “Hindi ko mapigilan eh. Wait.” Nag –inhale, exhale pa siya.

Biglang nakarinig na naman sila ng mga katok sa pinto. “Kuya! Hindi kami nakakakain dahil hinihintay kayo nina Lola at Mama. Mamaya na yan. Napaghahalataan ka na eh.” Tawag ng kapatid ni Celerio na alam niyang may halong asar.

“Lalabas na!” ganting sigaw niya. Nakasimangot na nakatingin kay Thalia.

Saka lamang naalala ni Thalia na magpapa-Davao pa siya. “Uuwi na ako. Pakisabi sa bus na lang ako kakain. Baka wala na akong masakyan.”

“Sa palagay mo, sa namamagang paa mo, makakalakad ka ng ganun kalayo? Baka hindi ka pa nga nakakalabas ng bahay, hihingi ka nan g tulong sa akin.”

“Susubukan ko.”

“Okay. Kumain na muna tayo, ayokong naghihintay ang pagkain.” Bigla siya nitong binuhat, hindi nakapaghanda si Thalia sa ginawa ni Celerio.

“Ano?” Napipikong tanong ni Celerio sa kanya, papaano, ngiting-ngiti ang babae habang buhat-buhat ito ng binata.

“Wala lang, nasasanay ka na yatang buhatin ako. Baka naman pag umalis ako eh mamimiss mo agad ako.”

Hindi umimik si Celerio, mahirap na patulan pa niya ang babaeng ito.

Pagkalabas ay talagang sila na lamang na dalawa ang hinihintay sa hapag-kainan. Ganito sa kanila, hangga’t maaari, dapat ay sabay – sabay silang kakain.

Agad na napangiti si Lola Letty pagkakita sa dalawa. “Ano ba kayong dalawa, dalawang beses pa kayong kailangang ipatawag, alam mo naman ang patakaran natin sa bahay na ito, pwera na lamang kapag parehong may ginagawa ang bawat isa sa atin. Ano ba ang giangawa ninyong dalawa?”

“Lola Pretty, si Ce..”

“La, pasensiya nap o, hirap po kasi sa paglalakad si Thalia kaya natagalan kami.” Putol niya sa anumang sasabihin ni Thalia, baka kasi kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito at mapasubo na naman siya.

“Bakit? Yan ba yung kagabi?” Inalalayan ni Celerio na makaupo si Thalia. Ngumiti ang dalaga, kapag pala sa harap ng kamag-anak nito eh ang bait ng binatang ‘to?

“Opo, Lola. Iyang apo nyo kasi, ang sabi niya sa akin, bilisan ko raw po ang pagliligo kaya ayun, I didn’t bother to put on the lights, akala ko po kasi eh normal na walang ilaw, nagtitipid kung baga.”

Gustong pandilatan ng mata ni Celerio ang babae. Nag-umpisa na naman ito.

“Bakit raw gusto niyang bilisan mo ang pagligo, ate?” Tukso naman ng kapatid niya.

“Ewan ko nga. Baka sobrang miss ako.” Sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Hindi na napigilan ni Celerio ang sarili, naibagsak niya ang sana ay baso ng tubig na iinumin niya. “Hindi totoo yan!”

“O napano ka, Celerio, apo?” Nagtatakang tanong ni Lola Letty sa apong hindi na maipinta ang pagmumukha.

“Wala po.”

“Tama na yan at baka magkapikunan kayo. Sa susunod Thalia, anak, mag-iingat ka ha. Nagpapagawa kasi kami ng bagong comfort room para dito sa loob ng bahay, baka nakalimutan lamang ni Celerio na pagsabihan ka.”

“Naku, Mama, okay na po yun. Yun nga lang po, ang hirap-hirap maglakad. Sobra! Uuwi pa po ako ng Davao ngayon para maihabol ko ang aking flight, mabuti na lamang at bukas pa.”

Nakiki – Mama at Lola na naman ang babaeng ito. Kung sana ay wala sila sa harap ng pamilya niya ay pagsasabihan na niya ito.

“Uuwi? Bakit ka uuwi agad? Kaya ba matagal kayong lumabas ng apo ko sa kuwarto dahil nagtalo pa kayong dalawa?” Tanong ni Lola Letty.

“Po? Naku, hindi po.” Iiling-iling si Thalia.

“Hindi ka uuwi!” Matigas na sabi ni Lola Letty, kapag ganyan na ang tono ng matanda, alam ni Celerio na galit ito. At sa bahay nila, batas ang sasabihin ng mga nakakatanda.

“La, kailangan po talagang umuwi ni Thalia.” Mahinahong sabi ni Celerio.

“Oo nga po, Lola Letty na kasing ganda ko, I need to go to Davao because my flight to Manila will be tomorrow.” Susubukan ni Thalia na idaan sa bola ang matanda.

“Kapag kaya mong tumakbo mula rito papuntang banyo sa labas. Papayagan kita.”

“Hala! Si Lola Letty naman oh, nagbibiro. Joker ka pala, Lola? Bakit hindi nagmana sa iyo si Lado? I mean si Celery? I mean si Celerio?”

“Hindi ako nagbibiro, kapag kaya mo ang ipinapagawa ko, ipahahatid kita kay Celerio, ngayon din! Ora mismo!”

“Lola naman! I kennot!”

“Hindi ka uuwi. Umupo ka ng maayos at kumain. Ayusin nyong dalawa yang away ninyo, kung hindi, tatawag ako ng judge o tatawagin ko si Mayor, ipakakasal ko kayong dalawa, ora mismo din!”

“Ahahahahahahaha! Ako? Magpapakasal  kay Lado? Magiging Ginulayan ang surname ko? Dafuq!”

Lahat ng tao sa bahay na iyon ay napatingin sa kanya.

“Bakit?” Patay malisyang tanong ni Thalia.

**********************************************************

-Xian-

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon