21

6.1K 219 23
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters

21

Pangtanggal sa stress ko....

**************************************************************

"Kumusta ang lakad mo?" Pauwi na sila ng Kidapawan, maagang natapos si Celerio sa kung anuman ang ipinunta nito kay Gab.

"Okay lang." Tipid na sagot ni Thalia, pagkatapos ay tumingin sa labas. Ganoon pa rin ang outfit nito pero alam niyang kahit natatakpan ng kung anong tela ang mukha nito, alam niyang may kakaiba sa babae.

"Umiyak ka ba?"

"Hindi ah."

"Nakita kong mugto ang mga mata mo kanina."

"Guni-guni mo lang yun." Iwas pa rin nito. "Matutulog na muna ako, gisingin mo ako kapag nasa Matalam na tayo ha, bibili akong food."

Biglang inihinto ni Celerio ang sasakyan. "Sinaktan k aba ng taong pinuntahan mo? Kaya baa yaw mong ihatid kita sa kanila? Sino yan at babalikan natin."

Biglang inalis ni Thalia ang talukbong niya, pero hindi niya inalis ang shades niya. "Heh. OA to, na missed ko kasi ng bongga yung taong pinuntahan ko, sa sobrang pagka miss eh napaiyak ako.  Sige na, okay lang ako, baka gabihin tayo sa daan tapos maghahanap tayo ng matutuluyan, pagkatapos iisang kwarto lang tayo dahil walang ibang bakante, tapos..."

"Ewan ko sa 'yo." Putol ni Celerio sa anumang sasabihin niya. Next time, ihahatid kita kung saan ka man pupunta, naintindihan mo."

"Sigurado ka talagang may next time pa ha."

"Bakit, wala na ba?"

"Meron."

"Matulog ka na nga."

"Lado,  huwag kang magagalit ha, 'di ba yung babaeng mahal mo ngayon may mahal ng iba pero alam kong patuloy mo pa ring minamahal, bakit? I mean, bakit hindi mo na lang siya agawin dun sa lalaking mahal niya? Close naman kayo at magkasama dati, 'di ba?"

"Alam mo, Thalia, kaya kong gawin ang sinasabi mo, kayang-kaya ko siyang agawin sa mayabang na lalaking yun, pero hindi ko ginawa. Alam ko kasing hindi ako ang mahal niya, alam kong hindi ako ang makakapagpasaya sa kanya, alam kong hindi ako ang laman ng puso niya, alam kong hanggang dun lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Kontento na ako 'dun. Kuntento na akong laging nasa likod niya kapag kailangan niya."

"Ang martir mo ano? Bibihira ang lalaking ganyan."

"I'm a rare kind, Thalia. Ikaw, paano k aba magmahal? Espesyal ba ang taong pinuntahan mo sa Kidapawan?"

"Sobrang espesyal, Lado. Sobra."

"Bakit mo iniwan?"

"Alam mo, ang seryoso ng topic natin, hindi ako sanay! Iba na lang, Lado, ano na lang ang tingin mo kat Lancelot G. Patay, tingin mo ba seryoso ang panliligaw niya sa akin?"

"Kailangan ba talaga buong pangalan, Thalia?"

"Ang cute-cute kaya ng pangalan ni Lancelot G. Patay, parang Celerio Ginulayan."

"Ewan ko sa 'yo, hindi ko alam kung compliment ba yan o inaasar mo ako."

"Inaasar?" Pagkatapos ay tumawa ito. Kung wala lang siguro sa mood si Celerio ngayon, malamang mapipikon na siya.

"Sige, asarin mo ako, baka magising ka na lang apilyedo ko na ang gamit mo." Panggagaya niya sa asar nito.

"Thalia Hermosa – Ginulayan. Iwwwwww! Hindi bagay!"

"Thalia H. Ginulayan, ang ganda kaya." Nasa mood siyang asarin ito.

"Hindi bagay! Sobra to!"

"Mamili ka, Thalia H. Patay o Thalia H. Ginulayan?"

"OMG! Buhay pa ako, pero patay na!" Sabay tawa. "Pero kasi si Lancelot G. Patay eh nanliligaw sa akin, ikaw hindi, so malamang ang may pag-asang gagamitin ko eh Patay, kesa Ginulayan, unless na lang manliligaw ka. Manliligaw ka ba?"" Direcho niyang tanong.

"Kahit kailan talaga, Thalia."

"Seryoso yang tanong ko no. Manliligaw ka ba? C'mon, baby, para mai-schedule ko kayo ni Lancelot G. Patay, kaka stress kaya pag sunud-sunod ang date."

"Liligawan lang kita, Thalia kapag mahal na kita, sa ngayon, may mahal akong iba. Walang chance na liligawan kita." Seryoso nitong sagot.

"Sobbrrraaa to! Nag jo-joke-joke lang naman tayo 'di ba? Kahit kailan talaga, Lado panira ka ng moment. Akala mo naman magkakagusto ako sa iyo. Tse!"

"Sorry."

"Kala mo lang haaaa! Pag ikaw nagising na lang na may gusto ka na sa akin, hu u ka talaga."

"O sige na, hindi na ako mapipikon. Okay naman sa akin si Lancelot, kahit siguro maloko yun sa babae, mukha namang seryoso sa iyo. At malamang hindi ka nun lolokohin kasi kami ang maghaharap."

"Ayieee! Ngayon naman protective ka. Kenekeleg ako."

"Protective brother."

"Hindi ka nagseselos?"

"Hindi."

"Kahit slight?" Asar ulit nito sa kanya.

"Wala talaga."

"Sige, bukas na bukas rin, sasagutin ko na si Lancelot G. Patay."

"Mahal mo ba?" Biglang tanong nito.

"Hindi." Mabilis rin niyang sagot.

"Thalia, hindi ginagawang biro ang damdamin ng tao, kapag sinagot mo si Lancelot, ibig sabihin nun may pagtingin ka sa kanya. Ano ang mararamdaman niya kapag ginawa mong biro ang lahat?"

"Celerio Ginulayan, huwag mo kasing seryosohin ang lahat.  Para sa katahimikan ng puso mo, wala po akong gusto kay Lancelot G. Patay sa ngayon. Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan, Lado, mas mag-iisip na ako kumpara ngayon, mga isang libong beses. Kung sakit lang ang pag-uusapan, sobra-sobra ang naranasan ko. Yung sakit na iyon, yung ang dahilan kaya ibang-iba na ang Thalia na kaharap mo ngayon. Yung sakit na 'yun ang dahilan kaya nakakatakot ng magmahal. Yang pagmamahal na yan ang dahilan kaya nawala ang lahat sa akin. Nakakainis! Pinapaiyak mo ako eh! Ayokong humugot!"

Nagtatakang napasulyap si Celerio kay Thalia.

"Hindi ko na alam kung kailan ka seryoso at kailan hindi."

********************

I just wanted to write.... Nothing more...

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon