20

6.2K 202 17
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters

20

"Thalia, pakibilisan ng kilos please lang." Nakasandal sa may pintuan si Celerio, hinihintay si Thalia dahil sasama ito sa kanya sa Kidapawan. May kakausapin raw.

"Ang aga naman kasi Lado. Masyado kang excited makita ang ka friendzone mo." Asar niya. Kinuha ang kanyang handbag, mag-aalas singko pa nga ng umaga.

Hindi na lamang niya ito pinansin, ayaw niyang masira ang umaga niya sa pang-aasar nito. "Akin na nga yang bag mo. Ang bagal mong kumilos." Inagaw niya ang hawak nitong bag.

"Ganyan talaga kaming mga girls, dapat mahinhin. Di ba lagi mong sinasabi, kailangang dalagang Filipina."

"Hindi ko sinabi yan." Kahit kailan talaga itong si Thalia. "Lola Letty, Mama, aalis na po kami."

"Mag-ingat kayong dalawa ha. Huwag mong pababayaan si Thalia, Celerio, gusto kong kasama mo siya pauwi." Bilin ni Lola Letty sa kanya.

"Thanks Lola Letty, you're the best! Alis na po kami Lola, Mama."

******************************

Nagtatakang napatingin siya kay Thalia, oo alam niyang malamig pa ang hangin dahil maaga pa, pero mukha itong ninja sa suot na napakalaking shades, may bandanna pa sa ulo na nagtatakip rin sa bibig at noo nito, at naka long sleeve.

"Ano ba yang suot mo?"

"Shhhh! Huwag kang epal jan Lado, open kasi ang sasakyan mo, ang alikabok, mamaya ang init ng araw. Sayang ang mga beauty products na gamit ko no."

"Eh di sana hindi ka sumabay, nag aircon bus ka na lang."

"Ano ka ba, masyado kang sensitive, eh kung nag bus ako, nagpahatid na lang ako kay Lancelot G. Patay."

"Nagpahatid ka sana. Gusto mong ibalik ko ang sasakyan at ihatid kita sa tapat ng bahay niya?" Sa inis ay nasabi nito.

"Hala! Nagseselos agad? Ikaw naman, di hamak na mas lamang ka naman dun ng isang paligo sa kagwapuhan, yun nga lang, friendly siya, ikaw hindi."

"Oo na."

"Sige na nga, Lado, matutulog na lang ako, inaantok pa ako eh."

"Mas mabuti, makakapag concentrate ako sa pagmamaneho." Pababa na sila ng Parang, Maguindanao. Hindi niya alam kung kaya nila ang balikang biyahe kaya pinadala niya ng damit si Thalia.

"Ay nagbago na ang isip ko, hindi na lang ako matutulog."

"Ewan ko sa iyo."

"Sige na nga, mag e-emote na lang ako." Tumahimik ito. Marami na kasing mga alaala ang pumapasok sa utak niya ngayon. Pagkatapos ng ilang buwan, ito ang unang beses na babalik siya ng Kidapawan.

Kumusta na kaya si Aron Miguel? Kakayanin kaya niyang puntahan ito ngayon para humingi ng tawad? Ang laki talaga ng kasalanan niya rito lalo na kay Candice. Kumusta na kaya sila?

"Saan ka ba sa Kidapawan?"

"Ha?" Wala sa sariling napatingin siya rito.

"Saan ka ba pupunta sa Kidapawan?"

"Ibaba mo lang ako sa Amas, sa harap ng Provincial Capitol."

"Dun din ang punta ko sa lugar na  un. Sige na, para naman alam ko kung saan ka pupuntahan pagkatapos."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon