46

5.2K 172 23
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

46

"Okay ka lang ba?" Pauwi na sila ng Parang, Maguindanao.

Ngumiti si Thalia. "Oo naman. Namiss ko si Lola Letty at Mama."

"Malamang na-miss ka rin nila, malamang rin tumahimik ang bahay nung nawala ka."

"Sobra 'to! Haaaay! Naalala ko na naman sina Mama at Therese. Ang laki laki ng kasalanan ko."

"Hey! Hindi mo kasalanan. Remove that from your head. May mga bagay o pangyayari talaga na hindi natin kontrolado. Katulad ng pagmamahal, hindi natin 'yan kayang kontrolin. All of a sudden, you will wake up loving me."

"I know kasalanan ko...teka, ano yung pang huling sinabi mo?"

"Wala, here we are! I'm sure, maraming tanong ang Mama at si Lola Letty, so brace yourself!"

"May sinabi ka!"

"Wala nga, akin ng mga gamit mo."

************

Binigyan ni Celerio ng isang basong tubig si Thalia, umiiyak na naman kasi ito habang nagkukwento sa Mama at Lola Letty niya.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi mo kasalanan, tanggalin mo nga yan sa isip mo." Naiinis na sabi ni Celerio.

"Hayaan mo na muna siya anak."

"Ma, kung makikita mo lang kung paano niya sisihin ang sarili niya sa Maynila pa lang...."

"Anak, mabuti pa magpahinga ka na rin, usapang babae ito." Putol ng Mama ni Celerio sa sasabihin ng binata.

"Nasabi ko na ba sa 'yo na ayokong nakikita kang umiiyak ng ganyan?"

"Wa-wala pa."

"Ngayon alam mo na, punasan mo nga yang luha mo." Ibinigay nito ang bitbit na t-shirt sa dalaga.

"T-shirt talaga? Wala bang panyo man lang?"

"Tuwalya, gusto mo?"

"Ano ba kayong dalawa, sa kaka-away nyo na parang aso't pusa, kayo pa ang magkakatuluyan niyan."

"Lola! Nag eemote ako, umeepal siya, nawala ako sa drama mode."

"That's what I'm trying to do. Pupunta muna akong kampo, Ma, Lola."

********

Pagod man sa biyahe ay kailangang magtrabaho ni Celerio, ilang araw siyang wala at alam niyang may mahalaga silang kasong hahawakan. Agad niyang pinag-aralan ang mga papeles na ibinigay sa kanya pero maya't maya ay naiisip niya si Thalia.

"Kumustang bakasyon?" Tanong ng pinsang si Lancelot.

"Okay naman, Pare. May inasikaso lang."

"Kumusta na kayo ni Thalia?"

"Okay naman kami. Bakit?" Seryosong tanong nito.

Napangiti si Lancelot. "Wala naman, naaalarma ka naman agad, pare."

"Hindi ako naaalarma. Alam ko namang manliligaw ka niya. Kayo na ba?"

"Ako nga dapat ang magtanong niyan, Pare. Nanliligaw ka na ba? I gave up for a while. Alam ko naman kasi na hindi ako ang gusto niya. Hindi ako ang pipiliin niya. Yun nga lang, mukhang yung gusto niya, hindi yata nakakaramdam. Pero, pinag-iisipan kong magpursige ulit. She's a wonderful woman. Ang sarap kasama. Sige, Pare, medyo kailangang pag-aralan ang kasong 'yan, sa research area muna ako."

Nakakunot ang noong sinundan lang ng tingin ni Celerio ang pinsan niya.

Siya namang tunog ng kanyang cellphone.

"Hello? Bakit?"

"Ganyan talaga ang tono mo? Nasaan ka?"

"Nasa kampo, may problema ba?" Biglang lumambot ang tono niya.

"Wala naman, nasa labas lang naman ako ng opisina niyo ngayon at may dala akong meryenda, hindi ka kasi kumain bago umalis. Wait, bago ka kiligin jan, si Lola ang nagpipilit na dalhan kita, hindi ako ha."

Napasilip si Celerio sa bintana, nakita niyang papalapit si Lancelot kay Thalia.

"Lalabas na ako, huwag kang papabola kay Patay." Agad na pinutol ang pag-uusap nila.

Agad na humalik si Celerio sa pisngi ni Thalia na ikinataas ng kilay ng huli.

May bagong paandar?

"Tinext mo na lang sana ako kung gusto mo ng kasabayang kumain."

"Hala! May ganun?"

"Sige, Thalia, dadalaw na lang ako sa iyo. Susunduin kita bukas." Paalam ni Lancelot.

"Hindi ba may lakad tayo bukas?" Biglang sabi ni Celerio.

"Wala naman ah."

"Meron. Ako ng bahala sa kanya, Pare."

"Okay. Dadalaw na lang ako, Thalia."

"Manliligaw ba ulit si Patay?" Agad na tanong ni Celerio pagkaalis ng pinsan.

"Manliligaw ko naman talaga siya ah. Bakit ganyan ang tono mo? Saka, wala tayong lakad bukas, hindi ba?"

"Wala nga, pero ayokong susunduin ka niya, ako ang susundo sa iyo."

"Hala! Nagkasama lang tayo ng Maynila, weird ka na?"

"Hindi ako weird. Hintayin mo ako dito, magpapaalam lang ako sa loob, bukas pa naman talaga ang report ko."

"Okay. Yung meryenda mo?"

"Iuuwi natin yan, sabay tayong kumain. Don't talk to strangers, okay. Don't talk to Patay." Sabay pasok sa loob.

"Ang weird ni Lado."

####

Gusto ko lang mag-connect sa story kasi matagal na akong di naka connect. COC lang kasi ako ng COC. Hahahahahaha! Kaya as usual, di ko binasa, di ko alam kung medyo connect pa sila.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon