43

6K 239 29
                                    

Pinapaalala kong baliwan lang ang kwento. Bunga ng sapi ko, madalas stress reliever ko. Layas ang nagseseryoso. :p

*********

"Mamili ka na. " Utos ni Celerio sa kanya. Ibinuhos nito ang laman ng itim na bag.

Puro pirated na DVD.

"Saan mo nakuha yan? "

"Sa kaibigan ko. "

"Kaibigan? 'Di ba bawal magbenta ng pirated na dvd? Baka galing ito sa mga na raid nyo ha?"

"Sira ulo ka talaga. Mamili ka na nga ng gusto mong papanoorin natin. Mag movie marathon tayo. Ano bang gusto mo? "

"Hmmmm. Sandale, hanap ako ng porn. "

"Walang porn jan. Utak mo talaga. Ito, mukhang maganda. " Ibinigay nito kay Thalia ang gustong panoorin.
"FPJ? Grabe, move on ka rin sa peyborit ng tatay mo oi! Black and white copy pa yata yan. "

"Ni remake yan ngayon nung Coco Martin. Gusto kong makita yung original. Isa pa, tungkol sa mga gwapong pulis ang kwento. "

"Huwag na yan, abangan na lang natin sa TV. Ito, gusto ko 'to. "

"Horror? May balak ka lang yatang yumakap sa akin kapag nakakatakot na ang eksena. Pwede namang ngayon na, libreng-libre. " Sabay dipa.

"Kupal lord ka talaga. Puro na nga fake ang dala mo."

"Pasensiya na, Thalia. Biglaan kasi na naisip kong mag movie marathon tayo. Kaya naisip ko agad si Dhats na nagtitinda ng DVD. Hayaan mo, sa susunod mga original na. "

"Joke lang. Pikon ka talaga. Ganito na lang, ilagay ulit natin sa loob ng bag. Kung anong makuha nating dalawa, yun ang papanoorin natin. Tig isa muna tayo. "

"Deal."

"At bawal palitan ha, pangit man na movie o hindi, yun ang papanoorin natin. " Pahabol pa niya.

"Sure. "

Inilagay nilang lahat ang mga pirated na DVD.

"Ready, 1...2...3...charan!"

Si Celerio ng unang bumunot. Tawa ng tawa si Thalia.

"Disney Princess- Cinderella! Bagay! "

"Palitan natin. "

Agad na hinila ni Thalia ang bag.

"Huwag kang madaya. Cute kaya yan. Pinakalumang copy pa ang nakuha mo ha. "

"Ayoko to. "

"Walang bawian. Ang sabi 'di ba, kung ano ang mabubunot eh yun na. Saka, hindi mo pa naman napapanood yan. "

"Napanood ko na 'to. Nagsasalita ang mga ibon at mataba ang fairy god mother. "

"Sinasabi ko na nga ba!"

"Tigilan mo ako, pati si Gerson at Lancelot napanood na rin 'to. Palabas kaya yan sa TV dati. Sige na nga, Cinderella na. Ikaw na. "

Ipinasok ni Thalia ang kamay niya sa bag.

"Charan! "

"The Best of Frank Sinatra." Basa ni Celerio. Sabay tawa.

"Bwiset! Bakit ito? Ayoko nito."

"Hep! Hindi pwedeng palitan." Natatawa pa rin si Celerio.

"Ayaw ko niyan.... And now, the end is near... ano ba... and so I face... hindi ko siya kilala... the final curtain." Sa pagitan ng pagsasalita ay kumanta pa siya ng sample.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon