48

7K 228 38
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

48

BABALA: ANG CORNY KO. Hahahahaha!

*****************

Nagtatakang napatingin si Celerio kay Thalia. Bukod sa maaga itong nagising, ibinalot nito ang mukha ng tuwalya, mata lang ang iniwang walang takip.

"Good morning."

"Good morning din, Lado." Dire-direcho ito sa banyo.

"Pagkatapos niyan, kumain ka na. Sabay na tayo." Pahabol pa niya.

Ipinaghanda na rin niya si Thalia ng memeryendahin nito mamaya sa trabaho, career na kung career sa panliligaw. Nagtaka siya dahil pagbalik ng dalaga ay may suot na itong facial mask.

"Ano yan? Huwag mong sabihing kakain kang may takip ang bibig?"

"Wag kang epal, Lado. Bagong style ko 'to."

"Remove that."
"Yaan mo na nga, bagong uso 'to ngayon. Madali lang kumain o." Sabay angat ng mask niya para maipasok ang kutsara.

"Isa."

"Oo na!" Nakasimangot na inalis niya ang suot. "Wag kang tatawa." Babala niya kay Celerio.

Napatitig tuloy ang binata sa mukha niya. "Ano bang meron?"

"May pimples ako."

"Ang liit-liit niyan. Kumain ka na nga. Inihanda ko na rin ang memeryendahin mo mamaya. Susunduin kita sa tindahan pag- uwi mo."

"May pimples ako eh, hindi ako sanay na may tagihawat!" Hindi pinansin ni Thalia ang sinabi ni Celerio, ang kanyang concern ay ang pimples niya.

"Mga babae talaga. Hindi naman nabawasan ang ganda mo dahil sa pimples na yan. Liligawan pa rin kita."

"Talaga? I mean... alam kong maganda ako." Napatingin siya sa niluto ni Celerio. "Mukhang masarap ah."

"Siyempre! Alam mo, sabi sa akin ni Lola Letty dati, kapag nagkaka-pimples raw, ibig sabihin, in-love na. In – love ka na ba?"

"Kuuuuuuuu! Char lang ni Lola yun no! At kanino ako main-love?" Pero nagbu-blush na si Thalia.

"Sa akin! Kanino pa ba? Mamayang hapon nga pala."

"Ano?"

"Sasagutin mo na ako."

"Ay ano ito? Chura mo! Ayoko nga! Wala ka pa ngang 24 hours na nanliligaw. Hindi pa tayo nakapag formal date as ikaw na manliligaw ko. Wag ganun. Manligaw ka muna ng bongga."

"Sagutin mo lang ako at liligawan kita habang buhay." Sabay kindat pa sa kanya.

"Heh! Nabasa ko na yan. Gaya-gaya."

"Kinikilig na yan."

"IKaw lang yung alam kung nanliligaw na ganyan ka epal."

"Siyempre, naiiba ako."

"Teka nga pala. May problema ako."

Biglang sumeryoso si Celerio. "Ano yun?"

"Naiisip ko ito kagabi pa eh. Kapag sinagot kita, magiging tayo, 'di ba?"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon