6

7.2K 221 34
                                    

FB ko: Xian.Randal

Twitter: @XianRandal

Ask.fm : ay di ko maalala, parang Xian (wahahahaha)

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s (may tuldok)

FB ni Celerio at Thalia: Pakitype ng names nila

6

Napangiti si Thalia, talagang napaghahalataang conservative ang lalaking ito. Ang cute lang, may mga natitira pa palang lalaking ganito?

“Tapos na ba?” Pasupladong tanong ni Celerio.

“Tapos na? Ang alin?” Asar niya.

“Pagbibihis mo.”

“Kanina pa, Sir. Pwede ka ng lumingon, Sir.”

Napapikit si Celerio, kailanga niya talaga ng mahabang pasensiya para rito. Tiis lang, bukas naman aalis na ito. “tumayo ka na at matutulog na ako.”

Sinunod naman siya ni Thalia pero nakakadalawang hakbang pa lang siya ay sumuko na ang babae. Masakit kaya. “Lado.”

“Ano na naman ba.”

“Ang hirap maglakad. Pwedeng pabuhat?”  Pakapalan na lang talaga ng mukha, feeling niya kasi lalala pa ang sakit na nararamdaman.

Walang salitang binuhat siya ni Celerio, hawak naman niya ang pinagbihisan. Sa masakit talaga ang legs at balakang niya,isama na ang paa…oo na…pati puso niya.

Walang hirap na nakapasok sila sa kusina, biglang nabulunan ang kapatid niya nung makita sila. “Huwag kang mag-isip ng kung ano.” Defensive na sabi ni Celerio.

“Wala akong sinabi.” Nakangiting sabi nito. “Kumain na raw kayo ng girlfriend mo, Kuya.” Idiniin nito ang salitang girlfriend, sabay tayo at alis sa kusina. “Kuya, hindi ko akalaing ganyan  ka ka sweet ha.” Pahabol pa nito.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon