40

5.8K 235 40
                                    

Hindi tuloy siya makatulog dahil sa nangyari. Buong araw na nga niyang inisip ang mga sinabi ni Lado, ngayon magdadagdag pa ang sinabi nitong magde-date sila.

Hindi naman ito lasing kanina. Naamoy niya eh, inamoy niya ito. Mali, nalanghap niya ang amoy nito ng 'di sinasadya.

"Bwisit ka, Lado! Bakit kasi sinabi mo pang nagseselos ka? Tapos sasabihin mong hindi mo ako mahal pero gusto mo ako. Ano yun, crush-crush lang?"

Tinignan niya ang oras, ala-una na ng madaling araw. Kumusta siya nito bukas? Hindi pwedeng lalaki ang eyebags niya. Hindi pwedeng haggard ang dating niya.

"Bakit ba ako affected? Wala naman kong gusto sa iyo, Lado."

"Oo na, meron na akong crush sa iyo ng beri beri lyt. Crush mo rin naman ako. I think that's fair enough. Crush rin ako ng crush ko."

"Pero hindi pwedeng maulit yung dati. Natuto na ako. Ang hirap masaktan, kaka move on ko lang kay Ron, baka pag naulit hindi na ako makakabangon. Isa pa, tama ka, in love ka pa sa iba. Kasi naman, bakit ba hindi na lang si Lancelot? Gwapo naman, mabait, gentleman, crush ko rin, kaso pag naiisip ko si Lado, nawawala na si Lancelot. Nakakainis!"

Alas dos na yata nung matapos niyang kausapin ang sarili at makapagmuni-muni.

Tuloy tinanghali na siya ng gising. Kinatok pa siya ni Lola Letty bago nagising.

"Sorry po talaga, Lola, Mama." Pinakamabilis na yata na pag-aayos na ginawa niya. Ayaw niyang mahuli sa trabaho, nakakahiya sa mga Ginulayan.

"Kumain ka muna."

"Ibabaon ko na lang po, Mama. Mamayang break na lang po. Naghihintay na rin kasi si Lance."

"O sige. Bakit ba tinanghali kayo ng gising ni Celerio? Pati siya hindi na rin nakapag almusal."

"Ako po, napasarap ng tulog. Ewan ko sa kanya." Pagsisinungaling niya.

**********
Matapos siyang ihatid ni Lance ay sinabi niya ritong huwag na siyang susunduin dahil may lakad siya. Hindi niya kasi alam kung nagbibiro lng ba si Lado nung sabihin nitong may date sila mamaya. Pero sige na, aasa na siya. Baka magtetext mamaya.

Pero naubos na lang niya ang baon niyang agahan wala pa ring text message galing kay Celerio, nagdaan na lang ang lunch pero puro texts ni Lancelot ang natatanggap niya. Nakapag meryenda na rin siya sa hapon pero wala pa rin.

"Baka naman may sanib lang siya kagabi. Joke niya lang yung magde-date kami." Bakit nasasaktan siya?

"Thalia, may dumating na mga stocks, mag overtime ka ba?" Tanong ng kasamahan niya.

Tinignan niya ang relo, alas kuwatro na, hindi pa rin nagpaparamdam si Celerio.

"Sige."

Eksaktong alas singko ng matapos siya, nagpalit lang siya ng tsinelas bago pumasok sa bodega.

"Tutulong na rin ako sa pag arrange ng stocks sa shelves."

"Himala, wala si Poging Lance?"

"Hindi na ako nagpasundo."

"Kailan mo ba sasagutin yun? Mukha namang seryoso. Saka ang pogi."

"Friends lang kami."

"Baka naman mas type mo ang apo ni Lola Letty?"

"Sino, si Gerson? Duh!" pagkukunwari niya.

"Sira, si Mr. Policeman. And speaking of him, papalapit na siya."

Napalingon siya sa tinitignan ng kasamahan.

Si Celerio!

Nakasimangot na naman.

"Ang tagal mong lumabas. 'Di ba't nag-usap tayo na 5:30 sharp?"

"Malay ko ba na matutuloy. Hindi ka naman nagtext o tumawag man lang." Rason niya.

"Hindi ko na kailangang gawin yun. Hindi na nga ako nagpalit ng uniporme para hindi ma late sa usapan natin." Naka full uniform pa kasi ito.

"Malay ko ba kung seryoso ka."

"Kailan ba ako nagbiro? Seryoso akong i-date ka."

Bwisit na Lado, kinikilig siya ng bongga. Sandali siyang tumalikod para ngumiti. MAhirap  ng mahalata. Mabuti na lang at iniwan agad sila ng kasama niya.

"O? Iwan mo na yan. Gabi na, lumubog na ang araw. Ano pang sunset ang abutan natin."

"Bakit, titingin tayo ng paglubog ng araw?"

"Oo. Para romantic."

Hindi na niya napigilang ngumiti. "Sorry, Lado ha. Akala ko kasi joke lang ang date mo, sinabi ko tuloy na mag oovertime ako."

Napabuntung hininga si Celerio. "Okay. Sa susunod na lang. Tulungan na lang kita rito. "

"Naku, huwag na, nakakahiya."

"Bakit kasi nag o-overtime ka, akala mo naman hindi kita kayang buhayin. Magpahinga ka nga 'dun at ako ng mag-aayos niyan."

"Tse!"

Hindi na rin sila nagtagal sa tindahan dahil tinukso sila ng mga kasamahan na umuwi na.

"Next time, Thalia, kapag sinabi kong mag de-date tayo, magde-date tayo."

"Oo na. Bukas na lang?"

"Ako ang lalaki, ako ang magyayaya kung kailan."

"Chura nito. Eh kasi nga hindi natuloy ngayon, malay ko ba kung pwede bukas."

"Ayoko. Sa Sabado dahil pareho tayong walang trabaho."

"Ayoko nga."

"Bakit?"

"Babae ako, karapatan kong tumanggi."

"Hindi ka tatanggi sa akin. Sa Sabado. May pupuntahan sina Mama at Lola Letty hindi ba? Si Gerson ang isasama nilang para mag drive."

"So?"

"So, dalawa lang tayo sa bahay. Ide-date kita. Magsisimula tayo ng alas singko ng umaga. Tandaan mo,  5am sharp."

"Seryoso ka? Anong gagawin natin ng ganun kaaga?"

"Sikreto, Mahal ko."

As usual, kanya-kanyang trip tayo. Yung sayad ko matindi. Isa pa, ninja pa more, pati COC clan! May nakapasok na ba kayo na member? Sige lang, i-enjoy nyo lang. Wahahahahahahahahahaha! Cute si Destiny Rose mag act. Kaso tinatamad ako manood dahil sa commercials. Geh, walang may pake.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon