2

8.9K 229 46
  • Dedicated kay Glenjen Estenzo
                                    

FB Group with readers and OP/FC : X.i.a.n.a.t.i.c.s

FB ko: XianRandal                      

Twitter: @XianRandal

Number ko: 713 mine-maintain ko po yan sa swertres, sa last three, balato po pag nanalo kayo.

*********************************************

2

Una, ayaw kong magabsa ulit ng TBG kung nabanggit ba dun ang buhay ni Thalia, kung nabanggt man, OP, pakipaalala. Wahahahahaha! Pangalawa, tamad rin akong balikan ang buhay ni Celerio, kung sino ba siya bukod sa trabaho niya, kung may kapatid at ilan, OP, kung maalala mo rin po, pakipaalala, Isa po akong tamad, walang pasensiyang nilalang, patience will never be my virtue, though I’m trying to have more of it.

*************************

Gulat na napatingin silang dalawa ng babaeng kasama niya sa nagbukas ng gate. Lola ni Celerio Ginulayan, si Lola Leticia Ginulayan, o Lola Letty. Ano at ito ang nagbukas ng gate? Gabi na.

“Mano po, Lola.Bakit ikaw ang nagbukas?” Hindi niya pinansin ang babaeng nasa likod niya, wala siyang balak na papasukin ito ng bahay nila.

“Magandang gabi po, Lola. Mano po.” Napakunot noo si Celerio. Tinawag na Lola ang Lola niya? At ang kapal ng mukhang magmano sa Lola niya! Wow! Saan ang hiya?

“Kagandang bata ano? Kuuuu! Pasok, ikaw pala ang nabuntis niya? Aba, kung ganun eh magiging maganda ang apo ko sa tuhod? Dali. Pasok.”

“La! Hin..”

Lola! Ang ganda-ganda nyo po, naku, hindi nga nagkamali ang apo nyo nung sinabing may maganda siyang Lola, hindi ba. Tama ka talaga, Lado” Putol niya sa anumang sasabihin ni Celerio, agad siyang pumasok sa loob ng bahay, kahit mabigat ang travelling bag niya, keri pa rin! Mahirap ng walang matutuluga no.

“Lado? Sinong Lado? Celerio ang pangalan ng apo ko.”

Kinabahan si Thalia, malay niya ba sa pangalan ng lalaking yan. Lado, short for suplado.”

“Ikaw naman, Lola, minsan po kasi, Lado ang tawag ko sa kanya. Suplado po kasi.” Bulong niya, tumawa ang Lola ni Celerio.

“La! Teka lang, La. Hindi ko po…”

“Teka, ikaw apo ang magbuhat ng bag ng nobya mo, makukurot kita ngayon, iwan mo na nga yan. Anong pangalan mo, Apo?”

“Thalia po, Lola, Thalia Hermosa. Sandali lang po.” Lumapit muna siya kay Celerio at may binulong. Kahit mas matangkad ito ng ilang pulgada sa kanya, aabutin niya ang tenga nito, yumakap kunwari.

“Parang awa mo na oh, Mister, ngayong gabi lang please, mabuti akong tao, hindi lang halata. Thank you.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sabay kindat.

Wow! Ganun lang? Hindi makapaniwala si Celerio na may mga taong tulad ng babaeng ito! Ang daling sabihin na isang gabi lang na patuluyin siya. Ni hindi niya nga kilala, ni hindi rin siya nito kilala. At ang bilis makuha ng loob ng Lola Letty niya na kung tutuusin ay napakasuplada at masungit lalo na sa mga nobya ng kanyang mga apong babae. Pero ang babaeng ito, wala pang limang Segundo, nakuuha na ang kiliti ng matanda.

“Lola, ilang taon na po kayo?” Sabay kapit ni Thalia sa braso ng matanda.

“78 na ako, Apo. Thalia Hermosa kamo ang pangalan mo? Bagay sa iyo, Hemosa means beautiful in Spanish.”

Papasok na sila sa loob ng bahay. Not bad, hindi kasing laki ng mansion nina Aron Miguel pero hindi naman talaga mukhang naghihirap ang lalaking kasama niya, at batay sa salitang nobya, ibig sabihin eh walang asawa. Pero kung may nabuntis, lagot pa rin siya. Sabagay, isang gabi lang naman, kesa mamatay siya sa nakakatakot na lugar na ito, na walang nakakakilala sa kanya, tapos pagpipirasuhin ang maganda at sexy niyang katawan. Oh gosh!

Itong si Lola ang malaki nyang pag-asa. “Lola, hindi kayo mukhang 78, mukhang 50 pa lamang kayo, naku, ishare nyo po sa akin ang inyong mga beauty tips, at may ishe-share rin po akong beauty tips sa inyo.” Sa totoo lang, hindi naman talaga halatang 78 ang Lola ni, Celerio ba? Ang bantot ng pangalan, hindi bagay sa …. Lumingon siya, nakasimangot ang gwapo nitong mukha, parang wala lang na binubuhat ang bag niyang mabigat. Hmp! She changed her mind, bagay sa masungit na lalaking ito ang pangalan niya!

“Cel, nandito ka na pala.” Gulat na sabi ng babaeng kamukha nito. Mama yata niya, napalingon rin ang iba pang tao sa sala na kanina lang eh nakatutok sa teleseryeng pinapalabas sa T.V. Ngayon, lahat sila sa kanya nakatingin.

“HI, magandang gabi!” She said. Sinadyang maging extra friendly with matching smile pa, pero deep inside, kinakabahan siya ng sobra.

“Hi rin.” Tumayo ang babaeng feeling talaga niya ay Mama nito.  Sumunod ang isang lalaking medyo hawig rin kay Mr. Suplado at isa pang babaeng maganda rin naman pero higit na maganda siya at isa pang may edad rin na babae. Lahat sila nakatingin sa maganda niyang mukha.

“Hi ulit!” Kung may magic lang siya, kanina pa sana niyang gustong mag disappear!

“Oy! Huwag nyong takutin ang bisita. Siya si Thalia Hermosa, nobya ni Celerio, nabuntis niya.”

“Ho!” Ang lakas at sabay-sabay nilag sabi.

“Nabuntis ka ni Kuya!”

“May nabuntis ang anak ko?”

“Akala ko ba eh iba ang guso mo, Kuya at hindi ka pa nakaka move on?”

Wow naman! Parang gusto niya rin ang Kuya ng mga ito! Gusto niya sanang sabihin na Hellloooo, ang anak nyo papatulan ko? Ang suwerte naman niya! Sa isip ni Thalia, napatingin siya sa lalaking walang balak magsalita, na para bang sinasabing ginusto mo yan, lusutan mo.

“Ah, isa – isa lang po, one at a time, mahina ang kalaban. First, I’m Thalia Hermosa, hindi po ako nabuntis ng anak ninyo.”

“Ay hindi ka ba nabuntis ni Celerio? Kahina namang bata! Baog ka ba, Apo?”

Gustong humalakhak ni Thalia sa tanong ng Lola ni Celerio, bantot talaga ng pangalan, ano kaya ang apilyedo nito? Sana naman kasing ganda ng surname niya.

“Lola, hindi ko po siya nabuntis. Paano niya ba sasabihin na hindi niya nobya ang babaeng Thalia kamo ang pangalan? Masyadong conservative ang pamilya nila. Ang Tita niya nga na kasama nila ngayon na may boarding house, puro babae ang tinatanggap.

“Nakunan po kasi ako Lola.” Pinalungkot ni Thalia ang boses.

“Nakunan!” Sabay-sabay nilang sabi.

My goodness! This lady will really give him headache! Itatapon niya ito sa labas, ngayon din!

***********************************************

 -Xian-

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon