26

5.7K 213 10
                                    

Updating using my phone. Dahil lahat nagsusugal at hindi ako marunong. (12:30am-July 20,2015)

×*****************

"Lola Letty, ano po tingin nyo kay Lancelot?" Kaaalis lang ng binata sa kanila.

"Okay naman. Kilala ko naman ang batang 'yun. Nasubaybayan ko ang paglaki niya."

"Pang boyfriend material ba, Lola?"

"Alam mo, apo, kadalasan ang tao may palagiang standards na sinasabi pero sa huli, sa iba siya napupunta. Si Lance ba ay iniibig mo?"

Hindi nakasagot si Thalia sa tanong ni Lola Letty.

"Kailangang bago tayo pumasok sa isang relasyon, sigurado tayo sa ating nararamdaman. Ang alam ko base sa nakikita, talagang may nararamdaman sa iyo si Lance. Ikaw ba ay ganun din? Hindi pupuwedeng siya lamang ang nagmamahal, apo. Kailangang dalawa kayo."

"Alam ko naman iyon, Lola Letty. Nagtatanong lang naman ako kung ano ang masasabi inyo sa kanya. Para ko na po kasi kayong Lola talaga, importante ang opinyon ninyo sa akin. Saka, malay natin, bukas o sa makalawa, magigising na lang akong may gusto na pala kay Lancelot at handa ng maging Patay."

"Parang apo na rin kita, Iha. Ito matagal ko ng gustong itanong sa iyo, sana huwag mong masamain."

"Ano po 'yon, Lola?"

"Matanda na ako para hindi malaman ang mga bagay-bagay. Alam kong may mabigat na dahilan kaya ka naririto ngayon. Handa ka na bang ayusin kung ano man 'yun?"

Natahimik siya.

"Apo, nandito kami para sa iyo, kung anuman yan, mas makakabuting maayos mo sa lalong madaling panahon ng sa gayon, magiging mas magaan ang pagharap natin sa pang araw-araw na buhay."

"Naranasan nyo na ba, Lola na pinipilit mong kalimutan ang nakaraan dahil sa sobrang sakit? Dahil sa mga pagkakamali?"

"Hindi ko alam kung anu-ano ang mga naranasan mo, apo. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo. Gawin mong gabay ang mga naranasan mo. Normal ang sakit, normal ang mga pagkakamali, pero hindi normal na paulit-ulit kang masaktan sa parehong pagkakamali."

"Ang drama natin, Lola Letty."

"Oo nga! Ito na ang epekto ng pinapanood nating mga teleserye at MMK tuwing Sabado."

"Uso hugot sa ating dalawa, Lola."

"Anong hugot?"

"Mga drama sa buhay,La."

"Ganun ba, mabalik tayo kay Lancelot, may pag-asa ba ang batang yun?"

"Si Lola naman, ang sabi nyo sa akin kanina dapat sigurado ako sa aking nararamdaman."

"Ang apo kong si Celerio, may pag-asa ba?"

"Laaa!" Protesta niya. "Hindi naman nanliligaw sa akin yun."

"Hindi ba? Akala ko nagseselos na kay Lancelot? Ang hina naman nG apo ko. Kung sakali bang manligaw, may pag-asa ba?"

"La! Matanong nga kita, sino ba ang gusto mo para sa akin?"

"Kung sino ang tinitibok ng puso mo, apo."

"Ang cool mo talaga, Lola Letty. Kaso yung apo nyo, may ibang mahal kaya wala kaming pag-asa. Isa pa susundin ko yung gusto mo, aayusin ko ang nakaraan, hindi dahil sa gusto kong magka lovelife kundi dahil gusto ko ng maging maayos ang lahat." Biglang nalungkot siya sa mga alaala ng nakaraan.

"Gusto ko ng maging masaya, Lola."

*******************
"Pupunta ako ng Kidapawan sa isang araw, Thalia, gusto mo bang sumama?"

"Himala ng mga himala! Nilalagnat ka ba, Lado at papasamahin mo ako sa iying personal na lakad?"

"Hindi naman, pero alam ko na kapag nalaman mo, mangungulit kang sumama."

"Tumpak! Sige, kokontakin ko yung taong kakailanganin ko sa aking tunay na pagbabago tungo sa tuwid na daan, kapag umoo, sasama ako."

Nagsalubong ang mga kilay ni Celerio sa sinabi ni Thalia.

"Nakukuha nyo ni Lola sa kakasubaybay sa mga drama sa telebisyon."

"Hindi ah, linya kaya ni PNoy yan. Tungo sa tuwid na daan."

"Kumain ka ngA, Thalia. Para kang nalilipasan ng gutom. Sabihin mo lang sa akin bukas kung sasama ka o hindi.

"Yes, Lado."

Nung wala na si Celerio ay napatingin sa malayo si Thalia, bigla siyang nag-isip. Ilang buwan na ba ang nakalipas simula ng huli niyang makausap si Aron Miguel? Kung sakali bang kakausapin niya ito, haharapin kaya siya?

Biglang naisip niya ang kaibigan nitong si Ruel, alam niya kung saan ito pupuntahan at alam niyang sa magbabarkada, ito ang hindi mahirap kausapin. Posible kaya na siya ang maging daan para makausap niya ang ama ng anak niya?

Sana.

Kinabukasan, nung makita siya ni Celerio at tanungin kung sasama siya, agad niyang sinabing oo.

"Sinasabi ko na nga bang sasama ka rin. This time, Thalia, ihahatid kita kung saan ka talaga pupunta. I won't drop you somewhere then you will go there."

"Okay fine, Lado. I'm going to meet someone."

"Sino?"

"Basta! Basta someone."

"Ex?"

"Sort of, para maka move-on na ako, para ready na akong sagutin si Lancelot."

"Okay." Hindi na siya naimik.

×************************

"Lado, yung Gabrielle pa rin ba ang dadalawin mo?" Papunta na sila ng Kidapawan.

"Yah. You haven't met her, right?"

"Hindi pa, pero sa kuwento nila, alam kong espesyal siya sa iyo."

"She is Thalia, she will always be." Tipid na ngumiti si Celerio.

"Hindi ba may nobyo na siya?"

"Oo."

"Eh bakit ka nagtitiyaga? Dapat pakawalan mo na siya, Lado, para ikaw naman ang magiging masaya."

"She's my happiness, Thalia. Paano mo bibitawan yung taong nakakapagpasaya sa iyo?"

"Lado, pag mamay-ari siya ng iba. Kuntento ka na ba na hanggang dun na lang?"

"Oo. Pwede ba Thalia, huwag mo na akong pakialaman." Naiinis na sabi niya.

"Eh di huwag. Alam ko lang naman kasi ang pakiramdam ng isang taong minamahal ang pagmamay-ari na ng iba."

"Hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa kanya. Kuntento na ako kung anong meron kami ngayon. Masaya na ako dun, Thalia."

"Oh di, ikaw na. Ikaw na ang martir!"

×**********************

Salamat sa mga nagbabasa. Drop by kayo sa iba pang on-going stories ko. Salamat.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon