47

5.9K 231 35
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

47

Tinaghali ng gising si Thalia dahil sa kakaisip tungkol sa kanyang Mama at kapatid. Tuloy hindi niya napansin si Celerio na nagkakape dahil sa pagmamadaling maligo.

"Good morning." Bati nito.

"Morning! Naku male-late na talaga ako. Ligo muna ako, Lado ha." Hindi man lang niya ito nilingon.

"Okay. Nakahanda na ang pampaligo mo."

Tama ba ang narinig niya? Tama nga yata kasi ang alam niya, mawawalan ng connection ng tubig ngayong umaga.

"Salamat." Pasigaw niyang sagot.

Ito na yata ang isa sa mabibilis niyang ligo, dali-dali siyang bumalik ng kwarto para makapagbihis. Sa convenience store na lang siya mag-aalmusal.

"O? Hindi ka ba mag-aalmusal man lang?"

"Sa tindahan na, ayokong ma late, nakakahiya kay Lola."

"Maiintindihan ni Lola, umupo ka, sayang ang niluto kong almusal kung hindi mo matitikman." Sabay na ipinaghila siya ng upuan. "Upo." Utos nito.

"Boss lang?" Napatingin ito sa pagkaing nakahain sa lamesa. Hotdogs, eggs, fried rice, ampalaya, at paksiw na galunggong.

"Wow! Ang dami ha. Pero bakit dadalawang plato lang, nasaan sila?"

"Tulog pa. Kumain ka na, ipinagtimpla na rin kita ng kape." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Thalia.

"Ay ako na. Salamat." Bigla siyang na conscious sa ginagawa ni Lado. Weird.

"You're welcome." Ngumiti ito, ngiting labas ang ngipin ha, bihirang – bihira!

Biglang ibinaba niya ang hawak na kubyertos at tumitig kay Celerio.

"Bakit?" Seryosong tanong ng binata.

"May malala ka bang sakit?"

"Wala naman."

"Hindi ka ba nilalagnat?"

"Hindi naman."

"Mangugutang ka ba sa akin, Lado? Kasi kung oo, wala akong ipon,ibinigay ko lahat kay Therese."

"Ang kulit mo. Kumain ka na nga at nang maihatid kita. Akala ko ba nagmamadali ka?"

"Ay oo nga pala!" Saka lamang tumigil sa kakatanong ang dalaga.

*************************

Pagdating ng tanghalian, bago pa siya makalabas para bumili ng kakainin niya ay may naghatid nan g pagkain.

"Pinabibigay ni Sir Ginulayan, ubusin mo raw, Ma'am. Hindi niya naihatid kasi may importante siyang inaasikaso sa kampo."

"Salamat."

"Ay, Ma'am, kabilin-bilinan pala ni Sir na antayin nyo raw siya mamaya, sabay raw kayong uuwi."

"Messenger ka na talaga niya, Sir. Hindi na lang siya nag text o tumawag man lang?"

"Hindi ko po alam, Ma'am. Sige po."

"Thank you, Sir."

Agad niyang tinawagan ang binata.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon