22

5.8K 208 27
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters

22

"Lado, may outing raw sina Lancelot G. Patay." Umupo si Thalia sa harap ni Celerio na pinag-aaralan ang reports na ipinasa sa kanya.

Naghintay siya ng reaction nito.

"Nakapagpaalam na ako kina Mama at Lola." Dagdag niya, deadma pa rin. "Lado? Dilat ba ang mga mata mo kapag natutulog?"

Saka lamang napatingin sa kanya ang binata. "Ang gulo mo. Anong problema? Nakapagpaalam ka na pala kay Mama at Lola."



"Sabi kasi ni Mama at Lola Letty kailangan ko pa raw magpaalam sa iyo. Para namang tatay kita, Lado. Papayag ka rin naman, di ba?"

"Matanda ka na, kaya mo na ang sarili mo."

"Kita mo to! Oo lang at hindi ang sagot ah! Papayag ka ba o papayag?"

"THalia, sumama ka kung gusto mo. Hindi naman ako ang magdedesisyon sa buhay mo kundi ikaw. Huwag mong hayaan ang iba na magdikta."

"Lado, hindi ko naman hinahayaan ang iba na diktahan ang buhay ko, ang sa akin lang, hinihingi ko ang opinion nila, baka kasi nasasaktan ko na sila ng hindi ko alam. Natuto na ako eh, para naman makapag-isip ako kung tama ba o mali."

"Kayo bang dalawa may ipinaglalaban? Nagpapaalam lang naman si Ate Thalia na sumama kay Kuya Lance, kung saan-saan na kayo napuntang dalawa." Hindi na nakatiis ang kapatid ni Celerio.

"Oo na. Sumama ka na." Sabay tayo, bitbit nito ang mga inaaral na papeles.

"Kita mo to si Kuya, ang pikon pagdating sa iyo."

"Hayaan mo na, may dalaw eh. Thanks, Lado! You're the best!" Pahabol pa na sigaw ni Thalia.

"Ate, matanong nga kita, sana hindi mo masamain."

"Yes, Gerson (hindi ko matandaan ang ginamit ko na pangalan, kahit ng nanay ni Celerio kaya, remind me please)

"May family ka pa ba, Ate?"

"Pamilya? Meron naman." Tipid niyang sagot.

"Nasaan sila? I mean, kapatid? Magulang? Boyfriend? Bigla ka na lang dinala sa bahay ni Kuya Celerio, pero wala siyang nababanggit kung taga saan ka. I hope you don't get me wrong."

"Okay lang yun. Mahabang story, pang MMK ang buhay ko, nasa Manila ang family ko. Ako lang yung nandirito sa Mindanao."

"Ganun ba? Wala kang balak umuwi?"



"Meron, kapag nakapag-ipon na ako ng isang truck ng lakas ng loob. Kapag kaya ko na silang harapin lahat."

"Ang lalim yata ng pinaghuhugutan, Ate."

"Kaya nga, malulunod ka. Pero alam mo, Gerson, mas gusto ko yung ganitong ako, yung tipong laging masaya, nakangiti, mas madaling humarap sa tao nang nakangiti ka kesa nalulungkot at kailangan mong sabihin sa kanila bakit."

"Tama, alam mo, Ate,naniniwala ako na baling araw, magiging okay rin ang lahat para sa iyo."

"Salamat. Sige, may lakad kami ni Lancelot, bibili pa kami ng babaunin bukas sa outing. Excited ako eh, pupunta raw kami sa beach, Kusiong Beach ba  yun, maganda ba dun?"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon