30

5.9K 230 29
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

30

Iba sana plano ko dito, gusto ko yung mga away-away scenes tapos magagalit si Celerio kay Thalia, mga hate me scenes kaso naging bed scene! Whahahahhahha! Joke lang!

Para it okay Angel Caragal na nanalong 2nd sa Miss Xianatics, thank you dahil lagi kang game sa mga palaro nila.



Naiwan sina Celerio at Thalia, pareho na lang nilang sinundan ng tingin sina Ruel at Gabrielle.

"O, anong problema mo?" Naiinis na tanong ni Thalia kay Celerio, kay sama lang ng tingin nito sa kanya. At 'yun pala si Gabrielle? Kay liit talaga ng mundo, akalain ba niyang nobyo pala nito si Ruel Acquino na kaibigan ni Aron Miguel.

"Ako dapat ang magtatanong niyan sa iyo, Thalia, ano ang problema mo?" Seryoso ito.

Mukhang alam na ni Thalia ang ibig sabihin ni Celerio. "Lado, if you will be asking me about Ruel, sasabihin ko sa 'yo, hindi kami, walang kami, malabo, never, like duh!"

"Masyado kang defensive."

"'Dun din naman mapupunta ang usapan natin, hindi ba? Tatanungin mo ako kung bakit magkasama kami, pagkatapos mambibintang ka na ako ang sumisira sa relasyon nilang dalawa ng one true love mo, kaya inuunahan na kita." Medyo napalakas ang boses ni Thalia kaya nakakuha na sila ng atensiyon sa iba.

"Hindi ako ganun. Wala akong sinabing ganyan. Sige na, mukhang hindi mo pa nababawasan ang kinakain mo. Kumain ka muna."

Napatingin si Thalia kay Celerio. Inaalam kung totoo ba ang sinabi nito na hindi siya ganun, na hindi siya nito huhusgahan.

"Hindi ka ba galit sa akin dahil sa nangyari?"

"May rason naman siguro kaya kayo magkasama ni Ruel, tama ba?"

"O-oo naman!"

"Okay, now eat. Pag naubos mo yan, saka tayo mag-uusap ng maayos."

Tahimik na sumunod si Thalia. Napakaseryoso naman kasi ni Celerio, nakakatakot na hindi sumunod. Ilang sandali pa at naubos na niya ang kinakain.

"Now, tell me everything, Thalia. Makikinig ako." Celerio was so serious and in full authority.

"I'm meeting Ruel because I wanted to talk to Aron Miguel and Candice. They are his friends." She started.

Hindi nagsalita si Celerio kaya nagpatuloy si Thalia. "Aron Miguel is my ex, hindi ko alam kung ex ba talaga ang tawag dun. Hindi ko alam kung minahal ba niya talaga ako." Mapait siyang ngumiti. Gusto niya sanang idaan sa biro ang lahat pero nawala ang kanyang sense of humor. Bumabalik ang lahat ng ala-ala, ang lahat ng sakit.

"He's Tom Nicolo's father. Ama siya ng anak ko."

Napakunot-noo si Celerio. "Anak? May anak ka?"

"Oo. He's the most beautiful gift I ever had. Alam mo yung feeling ko nung una ko siyang nahawakan, nung una kong nakita, nung una siyang tumingin sa akin? It was heaven. I gave up everything for my son. Kasama na dun ang pamilya ko. Akala ko okay na ang lahat kaso hindi pala."

"Where is he?"

"Napatitig si Thalia kay Celerio. Imbes na sgutin ito ay iba ang hiniling niya.

"Pwede ba natin siyang madalaw, Lado?"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon