19

6.4K 200 18
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

19

Nakatingin lamang sa kawalan si Thalia. Sila na namang dalawa ni CElerio ang naiwan sa bahay dahil day-off nilang pareho at pareho ring nasa tindahan ang Mama at ang Lola nito.

Matagal-tagal na rin pala siya na nakikitira sa bahay ng binata. Matagal na rin niyang hindi nadadalaw ang puntod ng anak. Matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap si Aron Miguel at ang mga magulang nito. Matagal na rin siyang hindi nakauwi sa kanila.

Matagal na siyang nagkukunwaring masaya...nagkukunwaring okay lang.

"Hay!"

"Ang layo ng iniisip, ang lalim ng buntung-hininga. May problema ba?" Si Celerio. May dala itong meryenda nilang dalawa.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung hindi tayo nagkita sa bus noon, nasaan kaya ako ngayon?"

"Malamang nasa Manila." Inilapag ni Celerio ang pagkain sa harap ni Thalia. Sa ilang buwang pagsasama nila, nasanay na siya sa kakulitan nito.

"Siguro. Alam mob a yung pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao mo, Lado?"

"Ang seryoso mo ngayon ah! Hindi ako sanay. Gutom ka ba? Kumain ka muna, hindi lumpiang gulay yan."

"Seryoso naman talaga akong tao, Lado, masarap ka lang talagang asarin. Kailan mo bibisitahin ang love of your life mo?"

"Sino?"

"Echos! Sino bang love of your life mo? Ako di ba?In-love ka sa akin."

"Ewan ko sa iyo! Kanina lang seryoso ka, ngayon nababaliw na."

"Sus! Na mimiss mo rin ang pang-asar ko eh! Baka mamaya niyan magigising ka na lang na hindi mo na siya mahal at ako na ang mahal mo."

"Ewan ko sa iyo!" Tumayo siya at iniwan si Thalia. Hindi niya alam pero kapag tinutukso siya nito tungkol kay Gabrielle ay napipikon siya. Nagsasabi lang naman ito ng totoo.

"Kung wala ka siguro, Lado, nabaliw na ako sa lungkot. Kung wala kayo nina Mama, ni brother, at ni Lola Letty." Sabi niya sa sarili. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Ginulayan, malaking tulong ang mga ito lalo na sa pinansiyal na aspeto. Nakakita rin siya ng bagong pamilya sa kanila. Kumusta na kaya ang pamilyang iniwan niya?

Kumusta na rin kaya si Aron Miguel? Ang laki ng kasalanan niya rito at kay Candice. Nagawa lang naman niya iyon para sa anak. Akala kasi niya pwede pa.

Naiiyak siya. "Kainis much! Sabi ko naman hindi na ako iiyak eh! Thursday ba ngayon at kailangan kong mag throwback? Hindi naman ah!" Parang sirang sabi niya.

Miss na miss na niya ang anak niya. Gusto niya itong dalawin. Gusto niya ring makausap si Aron Miguel at Candice. Gusto niyang humingi ng tawad.

********************************

"Pupunta ka bang Kidapawan, Lado?" Tanong ni Thalia. Gusto niyang sumama para dalawin ang puntod ng anak.

"Oo."

"Sama naman ako oh."

"Sa Kidapawan?"



"Yep!"

"Ano na namang pumasok sa isip mo? Kung gusto mo ng kiddie meal, ibibili kita pag-uwi."

"Hindi naman kiddie mean ang gusto ko." Nakasimangot na sabi niya.

"Oo na, sige na, regular meal kung gusto mo. Huwag kang pasaway rito. Kapag sinundo ka ni Lancelot, dumirecho kayong uwi, delikado sa daan."

"Sobra to! Hindi ba pwedeng biglang liko muna kami bago umuwi?" Hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin kasi si Lancelot Patay sa kanya. Ito ang tig hatid-sundo niya kapag wala si Celerio.

"Ano?" Galit na tanong ni Celerio.

"Joke lang. Ito naman, nagseselos agad, kaya hindi ko nasasagot si Lancelot Patay, bukod sa apilyedo niya, kasi alam kong nagkakagusto ka na sa akin. Awa ko naman sa iyo na ma brokenhearted ng dalawang beses."

"Hindi ako nagseselos, hindi ako magkakagusto sa iyo kahit pa maging Thalia H. Patay ka. Sige na, mag-aayos pa ako ng mga kailangan ko." Sanay na siyang nangungulit sa kuwarto niya si Thalia.

"Lado naman, seryoso ako. Look at my eyes. I just wanted to go to Kidapawan to talk to someone.  I wanted to visit somebody too. Nakakainis ka naman kasi! Seryoso ako, napapa English na nga!"

Tinignan siya ni Celerio. Seryosong-seryoso si Thalia.

"Sino?"

"Basta! Sasama ako ha, babalik naman agad di ba? Day off ko naman tapos magpapaalam lang ako kay Lola Letty."

"Oo na!"

"Yes! Thank you, Lado! Pa kiss nga." Akmang hahalikan niya si Celerio nung dumating si Lola Letty at Mama nito.

"Ano ba naman kayong mga bata kayo, hindi man lang kayo nagsara ng pinto, kung anu-ano na pala ang ginagawa ninyong dalawa."

"Hi Lola Letty, hi Mama." Nahihiya man sa nakita ng dalawa ay patay-malisya na lang si Thalia.

"La! Mama! Wala po yun. Nangungulit itong si Thalia na sumama sa akin sa Kidapawan."

"Magpapaalam po sana ako, Lola Letty, may dadalawin lang po ako, isang araw po akong absent kapag po hindi kami nakauwi ni Lado."

"Sige. Pupunta ka ba kay Gabrielle, anak?"

"Oo sana, Ma."

"Hindi ba parang mas sinasaktan mo ang sarili mo niyan? Baka mas mainam na hindi mo na muna siya dapat makita."

"Ma, okay lang ako."

Hindi nakapag react si Thalia, may konting alam na kasi siya sa buhay pag-ibig ni Celerio.

"Anak, pwede namang buksan mo ang puso mo sa iba. Maraming magagandang babae na nasa paligid mo lang. Huwag yung taong imposibleng maging iyo."

Mapait na ngumiti si Celerio. Alam niyang tama ang Mama niya.

"Ma, minsan, mas nanaisin mo pang makitang masaya sa piling ng iba ang taong mahal mo. Yung ngiti niya, pwedeng magiging ngiti mo na rin. Masaya na ako na nakikita ko siyang masaya, kahit na alam kong hindi ako ang dahilan."

"Ouch!" Nasabi na lang ni Thalia. Ang bigat ng mga sinabi ni Celerio. Tuloy napatingin sa kanya ang lahat. "Ouch po! Yung langgam kasi Mama, kinagat yung pwet ko." Pagdadahilan niya.

"Pwet mo? Puro ka talagang kalokohan bata ka. O sige na, sumama ka na kay Celerio sa Kidapawan, basta umuwi kayong sabay, bumalik ka rito."

"Si Lola Letty talaga! Siyempre naman po, babalik ako rito. Ako ang magiging bagong dahilan kaya ngingiti ulit si Lado, nanaisin niyang makita akong masaya sa piling niya. Sige po, magliligpit na ako! Thanks La, Ma!" Agad âagad na umalis siya bago pa sumabog sa inis si Celerio.

*******************************************************************************

MALE na OP ang hanap mo, pure male, hindi muna pamenthos o paminta durog. 

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon