36

5.3K 192 12
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

36

"Sigurado kang okay ka lang?" Pang isangdaang tanong na yata ni Lancelot sa kanya. Nagkukunwari lang naman siyang masama ang pakiramdam. Nasa Immaculate Conception Cathedral na sila para magsimba. Dahil punuaan, nakaupo sa harap nila sina Celerio katabi si Vivienne. Katabi naman niya si Lancelot.

Ngumiti muna siya kay Lance bago sumagot. "I'm very much okay. Thank you."

"Here, drink this." Ibinigay nito ang bote ng mineral water sa kanya.

"Okay lang talaga ako."

"Thalia, kapag hindi nagbago ang pakiramdam mo, sabihin mo agad."

Alam niyang naririnig ni Celerio ang mga sinasabi ni Lancelot pero deadma ito sa kanya. May binubulong ito kay Vivienne na hindi naman abot ng pandinig niya.

"I'm really fine, Lance. Sige na, mag FOCUS na tayo, magsisimula na ang misa." Idiniin niya pa ang salitang focus, sana naman narinig ng dalawang tao sa harap niya.

Okay naman siya sa buong part ng mass, maliban nung kakanta na ng 'Ama Namin', alam niya hindi na uso ang hawak kamay sa parteng yun kaya hindi na niya hinawakan ang kamay ni Lancelot, pero sina Celerio at Vivienne, magka holding hands! Nung nag 'peace sign' na, pekeng ngiti ang ibinigay niya sa dalawa, ihihingi niya na lang ng tawad dahil inis na inis talaga siya sa dalawang taong nasa harap nila ngayon.

Creases formed from Celerio's forehead when he saw Thalia kissing Lancelot on his cheek. Bakit kailangang may halik sa pisngi na pwede namang simpleng 'peace be with you'? Pero nagulat din siya ng humalik si Vivienne sa pisngi niya. Ganun siguro ang mga babae kapag parteng ito na ng misa.

Pagkatapos ng misa ay nagyaya ang dalawang binata na kumain.

"Saan nyo gusto?"

"McDo?" Si Vivienne.

"Jollibee!" Si Thalia.

"We need to choose one." Natatawang sabi ni Lancelot.

"Nasa harap lang natin ang McDonalds." Nakangiting sabi ni Vivienne.

"Ay, alam mo, pag nasa harap ng church, siguradong mas matao. Hindi ba malapit lang dito ang Jollibee, Lance? Sige na, 'dun tayo kumain." Lambing ni Thalia.

"Well, kahit saan basta gusto mo, Thalia." Tumingin ito kina Vivienne at Celerio. "Okay lang ba?"

"Sure. It's okay." Nakakapit na si Vivienne sa braso ni Celerio.

"Thanks, Vi. Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago."

"Huwag mo na nga akong binobola."

Thalia rolled her eyes. "Pabebe." Bulong niya bago sumakay ng kotse.

Sina Celerio at Lancelot ang umorder ng makakain nila. Naiwan sina Thalia at Vivienne na nag-hihintay. Ayaw ni Thaliang maunang magsalita kahit pa mapanis ang laway niya, pero hindi siya nakasimangot. Dapat cool lang siya, dapat mukhang nakangiti kahit hindi.

"Thalia, matagal na ba kayong magkakilala ni Lerio?"

"MEdyo."

"I see. Mukhang malapit kayo sa isa't isa."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon