5

6.7K 207 15
                                    

Sensiya kung laging may author’s notes sa mga updates, nag eexpress lang. Huwag ninyong seryosohin ang story, hindi ko nga sineseryoso, hayaan nyo na kung medyo malayo si Thalia sa ugali niya sa TBG, ito talaga siya, hindi lang halata, konti lang kasi ang exposure niya dun, sa mga ganitong tipong babae kasi nagkaka-crush talaga si Aron Miguel, ayaw niya lang aminin. Wahahahahaha! Tandaan, produkto lang ito ng stress ko, pildi malagot.

FB: Xianrandal

Twitter: @XianRandal

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s

Celerio and Thalia's FB Accounts: Type nyo lang pangalan nila, Celerio Ginulayan at Thalia Hermosa

5

Kahit nahihirapan ay pinilit pa rin ni Thalia na magbanyo, ang sakit na kasi ng tyan niya, isama na ang mga kasu-kasuan. Baka magkakapasa na ang flawless skin niya nito. At ag putik sa kanyang mukha!

“Naku, Lado! Kasalanan mo talagang lahat to! Alam mo nang may butas, hindi mo pa ako sinamahan!”

Dinig iyon ni Celerio sa labas, tama naman na may kasalan siya sa nangyari, pero hindi naman kasi niya alam na wala palang ilaw, hindi naman nagsabi si Thalia.

“Kung sana nagsabi ka na madilim, na-on ko sana ang ilaw.” Pagpaparinig rin niya.

“Aba! Malay ko rin bang may ilaw talaga? Akala ko eh hindi uso sa inyo ang ilaw.” Naiinis rin na parinig niya. Mas lalo siyang nainis nung makapa ang mga putik sa maganda niyang hair.

“Ginagamit kasi ang common sense, Thalia. Sabagay, hindi common yun.” Pang-iinis nito.

“So ako na ang walang common sense? Sana kasi uso rin ang pagiging gentleman?” Kung may usok lang sana na lalabas sa ilong niya ngayon sa inis, malamang marami na. Nananakit na talaga ang katawan niya lalo na sa bandang hita at balakang, isama na ang paa.

Napabuntung – hininga si Celerio, bakit ba niya pinapatulan ang babae? Tinuruan naman siya ng magandang asal ng Mama niya, pero ang babaeng ito ay nakakaubos ng pasensiya, lalo at naiisip niya ang mga pinagsasasabi nito sa pamilya niya.

“Aray!” Hindi na napigilang sabi ni Thalia, mukhang may bali na talaga siya, ang sakit igalaw ng mga paa, pero kailangan niyang maghugas, baka mangamoy siya, isa pa, feeling niya eh ang baho-baho na niya dahil sa biyahe at putik.

“N-napano ka?” Tanong ni Celerio pagkarinig sa aray ni Thalia.

“Tse! Wala kang pakiaalam. Kasalanan mo to!” mangiyak-ngiyak na sabi niya. Sinimulang linisin ang sarili. Makikita ng Lado na to, mamaya kapag mabango at nakapagsuklay na siya, lilitaw ang ganda niya, magsisisi ito.

Ilang minuto ring naghintay si Celeio, halos papakin na siya ng lamok nung tumawag si Thalia.

“Lado!”

“Tapos ka na? Tagal mong mag CR.”

“Heh! Hindi lang ako basta nag jerbs no, naligo rin ako! Pakikuha naman ako ng towel oh, nalaglag sa butas, wala akong gagamitin.”

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon