31

6.1K 205 14
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

31

"Thanks, Lado ha." Nakahanap sila ng maayos na matutuluyan sa Kidapawan City. Magkatabi lamang ang kwarto nilang dalawa.

Ngumiti si Celerio. Napaarko ang isang kilay ni Thalia. Bihirang-bihira na bigyan siya ni Celerio ng isang walang bahid na kasupladuhang ngiti.

"You're welcome, Thalia. Magpahinga ka saglit. Mamaya, kakatok na lang ako sa kwarto mo, o ite-text kita para kumain. But if you wish to eat in private inside your room, just tell me so I can order some food."

"Hindi, okay na yung sabay tayo, ang lungkot kumain mag-isa."

"Sige. Magpahinga ka na, maaga pa naman para maghapunan."

"Pasyal na lang muna kaya tayo, Lado? Matagal-tagal rin akong tumira dito sa Kidapawan pero hindi ako nakapamasyal."

"Wala akong alam dito. Si Gab lang." Natigilan si Celerio nung mabanggit ang pangalan ni Gabrielle. Napabuntung-hininga siya. Hindi pa nga pala siya nagtetext o tumatawag kay Gabrielle. Nag-aalangan siya, at tingin niya, kailangan ng magnobyo na makapag-usap ng maayos.

"O? Si Gabrielle na naman? Naku, kilala ko si Ruel, head over heels yun dun, naririnig ko silang nag-uusap na magkakaibigan noon. Hay, ang swerte naman niya, dalawang lalaki na ang alam kong gagawin ang lahat para sa kanya. Sana sa akin naman yung isa." Tila nangangarap na sabi ni Thalia.

Napailing na lamang si Celerio. Lumapit siya ng bahagya kay Thalia sabay angat ng baba nito para magkasalubong ang mga mata nila. "Magpahinga ka na, sabay tayong kakain, mamamasyal tayong dalawa. Pareho tayong broken hearted hindi ba? Sabay na tayong mag move – on." Pagkatapos ay pumasok na ito sa kwarto niya.

Wala sa sariling pumasok na rin si Thalia sa kanyang kwarto, napahawak sa kanyang dibdib. "Bakit ganun? Bakit bumibilis ang heart beat ko kanina? Nakakadalawa na, una sa memorial park, tapos ngayon? Ayokoooo! Hindi pwede! Kulang lang ako sa tulog, kailangan kong matulog!"

Samantala, nakatingin lamang sa kisame ng kwarto niya sa hotel si Celerio, ang dami-daming pumapasok sa isip niya ngayon. Naaalala niya ang pag-uusap nila ni Gabrielle kanina, yung nag-aantay ito na yayain siya ng nobyo na magpakasal. Yung sobrang sakit na nararamdaman niya pero alam niyang kailangan niyang tanggapin. Kailangan niya ng magsimulang muli.

Pagkatapos ay pumasok sa isip niya si Thalia. Nagulat siya nung nakitang magkasama sila ni Ruel kanina, pero mas nagulat siya sa mga nalaman niya tungkol rito. Ang dami niyang pinagdaanan, pero hindi niya nakita sa panahong kasama niya ito sa bahay.

Maniniwala na ba siya sa sinasabi nila na ang taong madalas na nakangiti ay madalas ay may tinatagong pighati? Paano kinaya ni Thalia ang lahat ng iyon? Paanong may lalaking kinaya siyang saktan?

"Kung totoo man yun, you don't deserve it Thalia." Agad siyang bumangon. Kakatukin niya ito sa kanyang kwarto, baka sakaling hindi pa tulog, baka pwede na silang mamasyal. He wanted to talk to her right now, he wanted to know her past and to know her more.

Palabas na siya sa inuupahang kwarto ng hotel ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Si Gabrielle.

"Gab."

"Finally, Celery! Finally, partner!"

Hindi niya alam bakit siya kinakabahan sa sayang nasa boses ng babaeng minamahal.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon