34

5.4K 205 21
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

34

Dahil hinintay talaga ni Celerio na kumain si Thalia at dahil kinulit niya ito at hindi tumigil hangga't di lumabas ng kuwarto, sabay sila ngayon at magkaharap sa hapag-kainan. Pareho walang imik. Tahimik lang na sumusubo si Thalia. Kung hindi lang talaga siya gutom, hindi siya lalabas para kumain.

Naunang natapos si Celerio dahil ang bagal ngumuya ng kaharap.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Napaangat ng tingin si Thalia. "Bakit?" Nagtaka pa ito.

"Akala ko ba kaya ka nag-under time dahil masama ang pakiramdam mo?"

"Ah oo, medyo okay na." Nakalimutan niyang iyon pala ang nirason niya.

"Kaya nga masarap ang niluto ni Mama, para daw makahigop ka ng sabaw.

"Hindi pala tayo friends. Don't talk to me."

"Ano ba talaga ang ikinakaganyan mo ha? Okay naman tayo kanina ah. Hindi ba nasabi na ni Gerson na umuwi ng Pilipinas si Vi, siyempre, maliit ang Parang, magkikita at magkikita talaga kami."

"Geh. Oo na lang." Sabay irap ni Thalia.

"Para kang bata. Alam mo, kapag ganyan ka ng ganyan, iisipin ko talagang nagseselos ka na."

Biglang napatayo si Thalia. "At bakit ako magseselos? Kanino ako magseselos? Sa Vienna na yun na parte rin ng stop light ang apilyedo? Hello! Sa ganda kong to, magseselos ako? Isa pa, may gusto ba ako sa 'yo para magselos ako? Excuse me! Tse!"

"Eh bakit ka nga nagagalit?" Pinipigil na ni Celerio na ngumiti.

"Kasi iniwan mo ako kanina, ipinagpalit mo ako sa babaeng yun. Ang sabi mo susunduin mo ako, nandun ka na, umalis ka pa."

"Thalia, umalis ako pero hindi kita iniwan. Binalikan naman kita, hindi ba? Ikaw itong wala na pagdating ko. Kahit kailan, hindi ako nang-iiwan, ako ang iniiwan."

"Kayo bang dalawa puro hugot na lang?" Pansin ni Gerson sa kanilang dalawa. Nauhaw ito kaya kumuha ng tubig at mukhang hindi man lang siya napansin na dumaan. "May mga bisita kayo sa labas, tinetext raw kayo, ayaw naman ninyong magreply."

"Sino?" Sabay pa silang nagtanong.

"Labasin nyo. Ako ng magliligpit nito."

Sina Lancelot at Vivienne pala.

"Thalia, napaaga kami ng uwi kaya dumaan na lang muna ako rito para ibigay ito." Alam niya ang laman nun, fried chicken ng paborito nilang fast food ni Tom.

"Kakakain lang ni Thalia." Seryosong sagot ni Celerio.

"Ay hindi, kakain ako ulit kasi may pasalubong ka. Sweet mo talaga, Lance."
Parinig niya.

"I have chocolates and some goodies here. Dumaan kasi ako sa neighbor mo, sabi ko, idadaan ko na lang din ang pasalubong ko sa iyo."

"Ang sweet mo naman, Vi, hindi ka pa rin nagbabago, napakamaalalahanin mo talaga."

"Ikaw talaga, mambobola ka pa rin." Sabay hampas sa braso ni Celerio.

"Mabuti pa, pagsaluhan na lang nating apat itong dala ko, Insan. Kumakain ka pa rin ba ng ganitong pagkain Vivienne?"

Magkakilala sila dahil iisang paaralan lang ang pinapasukan nilang tatlo noon.

"Oo naman. Na-miss ko nga yan eh."

Hindi ko gusto ng chocolates mo, kaya huwag kang kakain ng chicken ko. Gusto sana niyang sabihin.

"Teka, you look familiar, ikaw ba yung cashier kanina sa tindahan ni Lola Letty?"

"Oo." Matabang na sagot niya.

"I see. Sorry kanina ha, I was just excited when I saw Lerio." Alam ni Thaliang labas sa ilong ang paghingi nito ng dispensa.

Ngumiti lang siya. Isang fake na ngiti. Paano ba naman, si Lancelot, inilabas na ang pasalubong niya. Minus pogi points na talaga ito sa kanya.

Ilang sandali pa ay todo kwentuhan na ang tatlo, siya yata ang naa-out of place. Minus two points na talaga itong Lancelot G. Patay sa kanya.

"Okay lang ba sa iyo, Thalia na mag double date tayo?"

"Ha?" Hindi niya yata naintindihan ang sinasabi ni Lancelot. Ibang bagay kasi ang naiisip niya.

"Ang sabi ko, okay lang ba sa iyo yung idea ng double date?"

"Baka ayaw ni Thalia, okay lang naman, kami na lang ni Vi, then find the right time for the two of you."

"Double date? Okay lang sa akin. Kailan ba yan?" Mabilis na sagot niya.

"Sa Sunday sana, magsisimba tayo, then kotse ko na lang ang gagamitin, papasayal tayong Cotabato City. Medyo matagal na rin kasing hindi nakakapunta si Vivienne dun."

"Sige."

"Thank you talaga sa idea mo ha, Lerio. The best ka pa rin till this time. I can't even believe when Gerson told me that you are still single. Bakit naman?"

Ngumiti lang si Celerio.

"Baka ikaw ang hinihintay niya, Vivienne. Single ka pa naman din, hindi ba?"

"Ano ba, Lancelot. Nakakahiya kay Lerio." Sabay hampas sa braso ni Lancelot.

"Actually, may laman na ang puso ni Lado, nasa process pa lang siya ng pagmo-move on ngayon kaya single pa rin siya." Hindi na nakatiis na sabi ni Thalia, minus three points na talaga si Lancelot. Pumayag pang sa hampas ng stop light na ito.

"Willing ka naman sigurong tulungang maka move-on si Insan, 'di ba, Vivienne?"

"Hindi ganun kadali ang pagmo-move on, Lancelot G. Patay. Ano yan, makita lang ang dating classmate, makaka move-on na? Instant noodles lang ang peg ha? Bakit mo ba itinutulak si ...si.. siya kay Lado?"

Medyo napataas ang boses ni Thalia, tuloy napatingin sa kanya ang tatlo.

"Sorry, masama pala ang pakiramdam ko, natatae pa rin ako, sumakit tuloy lalo ang tyan ko. Jan na nga kayo, tatae na ako. "

Sabay na tumayo siya para mag excuse. Hindi pa rin nakaimik ang tatlo.

Nung nakapasok sa kuwarto niya ang sinabunutan ni Thalia ang sarili. "Nakakahiya ka Thalia! Bakit ba kasi ako naiinis sa sausage na stoplight na yun? Ako tuloy ang napahiya. At sa lahat ng irarason ko, tae pa talaga? Ano na lang ang sasabihin nila, ang hilig kong tumae?

Dahil sabog ang utak ko, balik ako ng balik sa CR eh. Durian pa more! Marang pa more! Mangga pa more! Kaya ganyan yan, walang basagan ng trip. Masarap tuma-e. (medyo may sapi ako)

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon