8

6.2K 200 18
                                    

8

Saka lamang naisip ni Thalia ang nasabi niya. Oo nga pala, lahat ng kaharap niya ay Ginulayan, at nasa teritoryo siya ng mga ito.

“Peace po. Sarrreyyy.”

“It’s okay, iha. Alam mo, nung nakilala ko ang Papa ni Celerio, at nanligaw sa akin, ang una ko talagang naisip,papalitan ko ang maganda kong apilyedo sa Ginulayan. Pero ganun pala, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na maiisip yun.”

“Bakit po, ano po ang surname ninyo dati, Mama?”

“Lu, Chinese ang mga ninuno ko.”

“Ahhhh. Kaya pala.” Sabay tingin niya kay Celerio.

“Ano?” Si Celerio naman.

“Wala.” Ayaw nga niyang sabihin na kaya pala gwapo si Lado, baka mas maging conceited.

“Pero honestly po, uuwi na po talaga ako. Naabala ko na po si Lado ng sobra.” Seryoso na siya.

Tumingin lang si Celerio sa kanya, pinag-aaralan kung anong mabuting gawin. Alam niyang sa sitwasyon ni Thalia, hindi nito kakayaning maglakad, at kasalanan niya iyon dahil hindi niya ito nasamahan man lang dahil sa init ng ulo niya. At kailangan niya ring mag – isip dahil kapag nagtagal ang babae sa kanila, malamang sa talagang iisipin ng pamilya niya na totoong nobya niya ito.

“Hindi ka uuwi. Ayusin nyo nga ang relasyon ninyong dalawa. Kapag okay na, saka ka pumunta kung saan. Isa pa, paano kang uuwi, ni hindi mo nga maihakbang ng maayos ang paa mo. Tingin ko nga, kailangan ka pang dalhin ng nobyo mo sa Cotabato City at nang matignan yan bago lumala.”

“Lola Letty, ganito kasi yun, kami ni Lado, hindi…”

“Ay, tigilan ninyo akong dalawa. Tumataas ang alta presyon ko.” Halatang inis na ang matanda.

Hinawakan siya ni Celerio sa balikat, signaling her to stop talking. Bakit ganun? Agad-agad hindi niya alam ang sasabihin. Didiskarte na sana siya para sabihin na hindi totoo ang lahat, pero sa isang hawak lang ni Veggie, nawala lahat.

“RElaks Mama. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon.” Pinandilatan sila ng mga mata ng Mama ni Celerio. Mas lalo tuloy na hindi alam ni Thalia ang sasabihin, ang kapatid naman niya ay agad na tumayo at may kinuha na hula niya ay gamot nito.

“Wala naman po akong sinabi ah, hindi pa nga po ako nakapag-uumpisa. Sasabihin ko lang naman na hindi naman talaga kami tu..”

“Enough! Enough, Thalia.” He said in full authority.

“Hala? Kailangan talaga mag strong ha, Lado. Okay, fine, enough na kung enough. La, aayusin ko na po ang relasyon namin ni Lado, pakakasalan ko na po ang apo nyo, sa isang kundisyon.”

Kung pwede lang na itapon sa Rio Grande de Mindanao ang babaeng ito, ginawa na niya. Thalia ang her big mouth, napakataklesang babae!

“Okay, anong kundisyon yan, kailangan ba kaming magbigay ng dowries? Gagawin namin.” Sabi ni Lola Letty.

“Hindi naman po, kailangan pong mabuntis niya ulit ako.” Tuluy-tuloy na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ng Mama ni Celerio, halos madapa naman ang kapatid niya sa narinig na noon ay bitbit na ang gamot ng matanda.

“What the hell are you saying!” Hindi na napigilan ni Celerio.

Baog ka di ba? Hindi mo ako mabubuntis?” Nagawa pang bumulong ni Thalia.

“Huwag kang magmura sa harap ng hapag-kainan, Celerio, lalo sa harap ng nobya mo.”

“La, hindi tayo nagkakaintindihan dito.” Nafu-frustrate na sabi niya.

“Sandali, ang gamot ko.” Iniabot ng kapatid niya ang gamot ni Lola Letty, nung matapos uminom ay hinarap si Thalia. “Sige, call ako jan.” Parang teenager na sabi nito. “Deal.”

“La!” Si Celerio.

“Okay Lola, deal.” Nakipagkamay si Thalia.

“So, Lola, dahil close na ang deal natin, uuwi po muna akong Davao ha, kasi nga po, bukas ang flight ko, then babalik lang po ako rito para sa deal natin.”  Hirit ni Thalia.

“Sige ba, kung makakalakad ka ng walang aalalay sa iyo. Hala, tayo at umalis ka na.”

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Thalia, ngiti ng tagumpay! Tumayo siya, agad na naramdaman niya ang sakit. Keri niya to. Nakatingin lang si Celerio sa kanya. “Yung bag ko, dalhin mo ha.” Bulong niya ulit.

ISang hakbang. Paksyet! Ang sakit. Pangalawa. Masakit talaga. Tatlo. “Dafuq! Mapuputol na ba ang paa ko! Paksyet naman! Ang sakit!”

“Just don’t curse. Walang nagmumura sa bahay namin.” Celerio told her.

“Sobra, mas okay na yan kesa sa putang-ina o animal o fuck you.” Nakita niyang napahawak sa dibdib niya si Lola Letty, pinipigil naman ng kapatid ni Celerio ang matawa, nakatingin an gang Mama nila.

“THalia, hindi kami sanay sa ganyan. Sabihin na nating konserbatibo pa rin ang pamilya, sa totoo lang, ikaw pa lang ang babaeng ipinakilala ng anak namin na nobya niya na nabuntis niya dati pero nakunan.”

“Mama, hindi ako ang may sabi niyan, siya.” Pagtatama ni Celerio.

“Ah, guys! Kalma. Joke lang po talaga ang lahat. Hindi po talaga kami mag nobyo si Lado, ang totoo po, kinulit ko lang siya na makitulog, kasi po maling bus ang nasakyan ko…”

“Tama na, huwag ka ng gumawa ng kuwento. Sa ngayon, hindi mo kayang maglakad, hindi ka bibiyahe, at bubuntisin ka ng apo ko…ulit, para magpakasal na kayo. Hala, tapusin mo ang kinakain mo at nang maipa check – up ang paa mo. Mag-usap kayo ng masinsinan. Kayong mga kabataan, nawawala na talaga ng inyo ang halaga ng isang relasyon. Ihatid mo nga ako sa sala, apo, manonood na nga lang ako ng showtime.” Sabi nito sa kapatid ni Celerio.

Si THalia naman ang natulala!

****************************

ISang napakalaking TRIP lang ang kuwentong ito, mukhang napakalayo sa Thalia na nakilala nyo sa TBG, mag-iisip na naman ako ng bongga paano siya ibalik sa ganoong medyo seryosong character, tamad pa naman akong magbasa. Sabagay, hindi naman talaga siya naidescribe ng mabuti dun sa kwento.

Late Christmas greetings!!

-Xian-

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon