44

6.2K 236 30
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

44

Although nakakakilig ang mga suplado (sabi nila, para sa akin hindi), hindi naman pwedeng consistent pa rin siyang maging suplado kay Thalia. Pwedeng magpa-cute naman siya? Wahahahahaha! Geh! Lakas ng tama ng utak ko ngayon.

******************

"Wow! You na talaga, Lado! Iba ka." Aliw na aliw si Thalia sa tent na naka set-up sa hardin ng mga Ginulayan. Katatapos lang nilang mag hapunan, pilit ito ng pilit na kumain sila ng ala-sais ng gabi, pero okay na rin dahil magka-camping naman pala sila.

"Okay lang ba sa iyo na tumambay muna tayo rito? I mean, malaki naman yung tent, may bentilador nga lang sa loob para sa mga lamok."

"Okay na okay. Tara na!" Excited na tinanggal niya ang sandalyas at pumasok sa loob. Nakangiting sumunod si Celerio bitbit ang mga chichirya at softdrinks.

"So, anong gagawin natin dito?"

"Kwentuhan? Star gazing? Kung gusto mo, dito ka na matutulog, gigisingin lang kita bukas."

"Katabi ba kita?"

"Gusto mo?"

"Dito? Magtatabi tayo rito? Hindi pwede! Isang malaking N-O!"

"Choosy ka pa ha? May iba pa ba tayong kasama?"

"Wala na. Kaso, grabeh naman, sa tent talaga, Lado? Napaka adventurous mo naman. Wag ganun. Grabe ka."

"Sira ulo ka talaga, dumi ng utak mo."

"Oi, wala akong sinabi, ikaw itong madumi ang utak."

"Ewan ko sa 'yo. Na miss ko lang mag camping. 'Nung buhay si Papa, madalas naming gawing tatlo ito dito sa labas ng bahay, tapos hahatiran lamang kami ng pagkain nina Mama at Lola."

"Ang cute naman. Puro kasi sakit ng ulo ang naibigay ko sa Papa ko."

"Napakapasaway mo siguro noon?" Pareho silang nakaupo at tinatanaw ang mga bituin mula sa malayo. Binuksan na rin ni Celerio ang gilid na bahagi ng tent para kung sakaling hihiga sila ay makikita pa rin nila ang mga ito.

"Sobra! Alam mo na, bata, marupok, mapusok, at maganda. Pero ang laki ng pinagbago ko nung dumating si Tom." Ngumiti si Thalia ng maalala ang anak. "Ikaw? Siguro isa kang nerd nung teenager ka?"

"Hindi naman, mas matino lang ako sa iyo."

"Ang sabihin mo, nerd ka talaga! Siguro hindi mo nasubukang mag cutting classes ano? O 'di kaya pumasok ng nakainom? O kaya mag sumagot sa teachers?"

"Bakit ko naman gagawin yun? Eh 'di na tsinelas ako ng Mama at Lola, teachers ko mga kamag-anak ko rin, isama na ang principal."

"Ay napaka boring ng life mo!"

"Hindi naman, good boy lang talaga ako."

"Halata nga. Pero teka, sasamahan mo ba talaga ako sa amin? I mean pag-uwi?"

"Oo."

"Pwede pa kaya akong bumalik dito?"

Tumitig si Celerio kay Thalia. "Round trip ticket yan, Thalia. Kapag hindi ka bumalik, malulungkot ako. Pero kung sakaling ayaw mo na, maiintindihan ko, I'm sure ganun din sila. Tandaan mong may babalikan ka rito."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon