10

6.9K 204 25
                                    

10

“Wala tayong magagawa Thalia, hindi ka talaga makakauwi. Bukas, pupunta tayong Cotabato City, ipapa check-up natin yan.” Nakaupo si Thalia sa kama niya, tinitignan nito ang kanyang paa na may mga itinapal na kung anu-anong dahon. Nakakaawa ang hitsura nito.

“Paano na yan, Lado?”

“You need to stay.” Sabi niya.

“Yah, I need to stay here at your humble room… with you. Naks! Nakakapag English ako pag kasama ka. Lado, hindi na ako makakabalik ng Manila bukas. Ang saklap!” Reklamo niya.

“Sige na, magpahinga ka na, alanganin na kasi kung ngayon tayo pupuntang Cotabato City. Ipaparebook na lamang natin ang ticket mo kapag magaling ka na.”

“P-pero, ano kasi.” Nag-aalangan siyang sabihin na nagtitipid siya,  tama na lamang kasi ang perang natira sa kanya pabalik ng Manila, kapag dumating siya dun, maghahanap pa siya ng matitirhan, ng trabaho, magsisimula ng panibagong buhay. Magmo-move on kung baga.

“What?”

“Nagtitipid ako. Alam mo naman ang mga airlines, ang mahal ng singil sa ticket pag magpapa reschedule.”

“Ako na ang magbabayad.”

“Ambait mo ah. Maayos ang pagkakasabi mo, kulang na lamang sa ngiti. Ngingiti na yan.”

“Thalia.”

Nag peace sign lang ang dalaga. “Thank you, Lado.”

“Celerio.” Pagtatama nito.

“Thank you, Veggie.”

“Nang-iinis ka ba?”

“Joke nga lang. Thank you, Celeriow.”

“Walang “w” sa dulo.” Napailing siya, bakit niya ba pinapatulan ang kakulitan nito.

“Oo na, Celerio na. Talaga bang hindi ako pwedeng maligo?”

“Oo sabi. Kanina mo pa tinatanong kay Manang Miley yan ah.” Yun kasi ang sabi ng manghihilot sa kanya kanina.

“Babaho ako. Nakakahiya sa iyo.”

“Hindi ka pwedeng maligo, pero pwede kang maghugas, magpalit, magtoothbrush.”

“Ikaw ba, epal ka talaga kahit kailan sa mga drama ko.”

“Ewan ko sa iyo, papasok pa ako, Thalia, may kukunin lang akong importanteng papeles sa opisina, maiwan na muna kita rito.” Tumawag kasi ang kasamahan niya, okay na raw ang papeles na pag-aaralan niya.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon