18

6.3K 217 36
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

18

Tahimik na nagbabasa ng local newspaper si Celerio. Nasa harap niya si Thalia na kanina pa pasulyap-sulyap sa kanya. Pinapakiramdaman kung okay ang mood nito. Nung hindi na nakatiis ay nagtanong na siya.

“Lado?”

Ibinaba ni Celerio ang hawak, saka tumingin sa kanya. “Bakit?”

“Pwedeng magpaalam?”

“Magpaalam? Bakit? Saan ka pupunta? Aalis ka na sa trabaho mo?”

“Magpapaalam lang, aalis agad sa trabaho ko? Hindi ba pwedeng makikipag date lang? Sobra to, eh di nagutom ako nun? Mawawalan ng matitirhan? Sobra ka, ang dami mo ng sinabi ha.”

Tinignan lang siya ni Celerio. “Sino sa atin ang maraming sinabi, Thalia?”

“Ako. I mean, magpapaalam lang ako. Nagyayaya kasi si Lancelot G. Patay ng sort of date sa susunod kong day off.”

Kumunot ang noo ni Celerio. Pagkatapos ay muling itinuon ang mga mata sa binabasa. “Hindi ka na bata para magpaalam pa sa akin. Magdate ka kung gusto mo.”

“Thank you, Lado! Thanks ‘Tay!”

Inis na tumayo ang binata. Iniwan ang dyaryong binabasa niya.

“Hmp! Ewan ko sa iyo.” Kibit-balikat ni Thalia. Binibiro lang naman niya ito. Gusto niya lang inisin. Hindi kasi siya masyadong pinapansin ni Celerio simula ng dumating ito galing ng Kidapawan. Isa pa, hindi naman talaga sila magde-date ni Lancelot G. Patay. Nagpapasama lang ito na bumili ng mga school supplies na ido-donate sa paaralan na malapit sa kanila. Dahil nga maganda naman ang intensiyon ng pinsan ni Celerio, hindi na siya tumanggi.

“Nagtalo na naman ba kayong dalawa ng apo ko, Thalia?” Tanong ni Lola Letty sa kanya.

“Lola. Hindi naman po, sadyang pikon lang talaga ang apo nyo. Binibiro lang eh.”

“Thalia, hindi magandang tignan na lagi kayong nagtatalong dalawa. Para kayong magnobyo na laging may LQ.”

“Si Lola Letty naman oh, alam na alam ang LQ. Kasalanan naman po kasi ng apo ninyo, napakapikon, ang sarap-sarap lang po kasing asarin.”

“Baka sa bandang huli ay ikaw ang mai-inlove sa apo ko, Thalia? Kapag nangyari yun, magiging masaya ako, pero sana, pag darating ang sandaling yun, handa na ang puso ni Celerio na magmahal ng iba.”

Natahimik si Thalia. May problemang pampuso ba si Celerio? Tingin niya, OO, may kinalaman ba ang Gab? Mukhang interesante ang lovelife ni Lado.

******************************

“Thalia.” Tawag ni Celerio sa kanya. Nagmemeryenda siya sa may hardin ng mga Ginulayan, sila lamang ni Celerio ang natira dahil may lakad ang lahat. Inakala niyang natutulog si Celerio sa loob kaya hindi na siya nag-abalang ayain itong kumain.

“Oh Lado? Akala ko natutulog ka? Nagpapahinga?”

“Gusto sana kitang makausap.” Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay.

“Nanliligaw ba si Lancelot sa iyo?”

“Masama ba kung nanliligaw man siya sa akin?”

“HUwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Thalia.” Alam niyang irritable na ito.

“Eh kasi naman, para kang tatay kung makatanong, Lado.Binata ba si Lancelot?”

“Oo.”

“Yun naman pala eh! Eh di bahala siya kung manliligaw siya. Sa ngayon, hindi siya nanliligaw, okay? Malinaw yan, para hindi ka na selos ng selos.” Asar niya.

“Hindi ako nagseselos. At bakit naman ako magseselos? May gusto ba ako sa iyo?”

“Aba, malay ko! Siguro, slight.”

“Wala akong gusto sa iyo, Thalia.”

“Awts! Ang shaket naman nun, Lado! Sa ganda kong to, hindi mo magugustuhan? Ikaw ba malabo na ang mga mata ha?”

“Magseryoso ka nga. Para kang bata. Let me remind you this, Thalia, para sa ikakabuti mo. Lancelot is my cousin, I know him so well, I don’t want you to get hurt at the end.”

“Look, Celerio, I know what I am doing. I will never be stupid again when it comes to love. I’ve been there, more than you could just imagine. Excuse me, I have to cook rice.” Sabay tayo.

Nung nakakailang hakbang na siya, saka niya nilingon si Celerio na nakatingin pa rin sa kanya. “HUwag ka kasing seryoso, napapa English ako, ayan, sumasakit na tuloy  ang ulo ko.”

Napailing na lamang si Celerio, akala naman niya, seryosong-seryoso na ang kausap, hindi pala.

Biglang nawala sa mood si Thalia, minabuti niyang magsaing na lang habang wala pa sina Lola Letty at Mama. Isa iyon sa mga natutunan niya rito, gawaing bahay.  Ilang buwan na rin ba siyang ampon ng mga Ginulayan? Magdadalawa na, magdadalawang buwan niya ng pilit na kinakalimutan ang nakaraan. Magdadalawang buwan na niyang inaalis ang pait at sakit sa puso niya.

Naaral na niya kung paano maging kwela sa harap ng mga Ginulayan, lalo sa harap ni Celerio. Mas mabuti iyon, mas mapapadaling mapahilom ang sugat na meron siya. Mas madaling sagutin ang tanong kung bakit siya masaya kesa kung bakit siya malungkot.

She made a loud sigh which Celerio heard.

“Ako nang gagawa niyan.”

She plastered a smile on her face before facing Celerio. “Ako na. Magsasaing lang naman eh. Ikaw ang sa ulam. Okay ba yun?”

“Okay.  Gusto mo ba ng fried chicken na ulam? Beef steak? may karne pa sa ref.” Mahinahong tanong  nito sa kanya.

Inilagay ni Thalia ang palad niya sa noo ni Celerio. “Wala ka namang lagnat ah, bakit parang bigla kang bumait?”

“Sorry sa mga nasabi ko kanina sa labas.” He looked straight to her eyes.

“Sus! Wala yun. Isa pa, alam ko namang nakakapikon ako kung minsan.”

“Hindi lang minsan, madalas kamo.” Bulong ng binata.

“Okay na yun ha. Hindi rin ako sanay na ganyan ka, mabait ng konti, friendly ng konti, concerned ng konti. Para kang may sakit.”

“Ang baliw mo talaga kahit kailan. Pero seriously, if gusto mang manligaw ni Lancelot sa iyo, okay lang sa akin, basta magpaalam siya ng maayos kina Lola at Mama…at sa akin.”

“Sa iyo?”

“Yeah, para alam ko kung kailan ko gagamitin ang baril ko sa kanya.”

***********************************

-Xian-

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon