4

6.9K 216 32
                                    

4

Hindi sa takot siya sa Lola Letty niya, sadyang sa bahay nila, sinusunod ang lahat ng sinasabi ng matanda, kahit ang Mama at Papa pa niya. Isa pa, matanda na ito, hindi na pupuwedeng magalit o sumama ang loob, kaya nung sinabi ng babaeng baliw na sasabihin nito ang lahat kay Lola Letty ay agad siyang napabangon. Nakita niya gaano ito kagaling magdrama kanina.

“What do you really want?”  Mabilis na hinawakan niya ang seradura , dahil hawak na rin iyon ni Thalia, nagdantay ang mga kamay nila. Wala kang mababakasan na reaksiyon sa mukha ni Celerio, si Thalia naman ay medyo nagulat.

May sparks  ba? Parang UST files? WALA.

Napansin niya lang na ma-kalyo ang kamay ng binata, imbes na maturn off, bakit mas gusto niya? Turn on kasi kay Thalia ang mga lalaking may magagaspang na kamay, yung tipong sanay sa trabaho, very manly, katulad ni Aron Mi..napahinto siya sa pag-iisip, hindi na nga niya iisipin ang lalaking yun, di ba?

“Shut your mouth when you are in front of my family, do you understand?” Sabi nito sa kanya bago buksan ang pinto. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Kailangan ba talagang ingles ang pagkakasabi?

“Yes, Sir.” Asar niya.

“Huwag mo ng dagdagan ang mga kasinungalingan mo kanina, naintindihan mo?” Mas lalo pang tumaas ang kilay niya. Yun ba ang Tagalog ng sinabi nito kanina? Pag ganitong pikon ang kaharap, mas lalo pang mas masarap pikunin.

“Yes, Sir.” Ulit na naman niya. Isang malalim na bunting-hininga muna ang pinakawalan ni Celerio bago binuksan ang pinto. Typical barrio house ng Parang ang meron sila, nasa labas pa ang banyo, at kahit naman papaano, babae rin itong katabi niya, hindi naman siya ganun kasama.

Bitbit ni Thalia ang kanyang maliit na bag na lalagyan niya ng kung anu-ano at isang tuwalya kung saan niya ibinalot ang kanyang mga underwear. Kailangan pa kasi nilang dumaan sa kusina, at dahil kusina, bumalik ang gutom na naramdaman niya, tamang-tama pang naamoy ni Thalia ang mabangong ulam. Hinila niya sa laylayan ng t-shirt nito si Celerio.

“Bakit?” Pasupladong tanong nito.

“Gutom ako.” Hindi na nahiyang sabi ni Thalia.

“Ano ba ang gusto mong gawin, kumain o magbanyo?”

“Pwedeng dalawa?” She smiled.

“O sige, kumuha ka ng pagkain at kumain ka habang nagbabanyo.” Seryosong sabi ni Celerio.

“Ha-ha-ha. Ayan, tatlong tawa na yan  para sa joke mo, last mo na yan ha.” Hindi nagpaapekto na sabi ni Thalia. “Asan ba kasi ang comfort room niyo at mauuna ako dun, then kakain na ako.”

“Lumabas ka jan at saka ka lumiko pa kanan. Hintayin na lang kita rito.”

Tumaas na naman ang kilay ni Thalia, wala palang balak  ang supladong nilalang na ito na samahan siya. Pwes! Anong akala nito sa kanya, walang sense of direction? Nakapunta nga siya ng Kidapawan at nahanap si Aron Mi..natigil na naman ito. Bakit ba kasi naaalala na naman niya ito.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon