39

5.6K 222 49
                                    

Lahat sila ay napatingin kay Celerio na tila hindi apektado.

"Nag-nag-nagseselos ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thalia.

"Bakit? Masama bang magselos?" Ganting tanong ni Celerio.

Dahan -dahan naman silang iniwan ng tatlo.

"Tingin ko kailangan nyong mag-usap." Ang sabi ni Lola Letty.

"Mauuna na kami." Ang Mama ni Celerio.

"Kuya, umamin ka na." Pahabol naman ni Gerson.

Habang wala nang masabi si Thalia. Nakaupo pa rin si Celerio sa lugar niya.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Ganting tanong ni Celerio.

"Bakit ka nagseselos?"

"Hindi ko alam. Siguro kasi may gusto ako sa'yo?"

"May gusto ka sa akin?!" Pasigaw na tanong ni Thalia.

"Kailangan mo ba talaga akong sigawan? Hindi pa nga ako nanliligaw sa 'yo, balak mo na akong anderin?"

"Man-man-manliligaw ka sa akin?"

"Hindi." Mabilis na sagot ng binata.

"Bwisit ka. May gusto ka sa akin tapos wala kang balak na ligawan ako?"

"Kailangan ba kapag may gusto ka sa isang tao, liligawan mo na agad siya?"

"Ano ba talaga? Pinagtitripan mo ba ako?"

"Nope. Ang kulit-kulit mo kasi. Kayo nina Mama at Lola. Wala naman akong balak aminin na may gusto sa iyo, napapaamin ako ng wala sa oras."

Pinipigilan ni Thalia na ngumiti, baka mas lalong maging feelingero ang taong nasa harap niya.

"I like you, but that is not enough for me to court you. Gusto kita pero hindi pa nawawala ng tuluyan ang pagmamahal ko kay Gab. Gusto kita, pero ayokong liligawan kita ngayon dahil magiging panakip butas ang dating mo. Ayokong masaktan ka. That  would definitely be unfair. Gusto kita, nagseselos ako kay Lancelot pero ayokong maging hadlang sa kung anong relasyon meron kayo."

Hindi nakapagsalita agad si Thalia.

"Hanudaw?" Kinurot niya ang braso niya, pinisil ang sariling pisngi. Nananaginip ba siya?

"Mabuti pa, tapusin mo na yang kinakain mo." Utos nito sa kanya.

"Tingin mo makakakain pa ako pagkatapos kong marinig ang mga pinagsasasabi mo? May HD ka pala sa akin, kaya pala epal ka ng epal sa amin ng Babe ko."

"Tigilan mo ako, halata rin naman kitang nagseselos kay Vivienne." Patuloy pa rin sa pagsubo si Celerio.

"Ako? Nagseselos kay Vienna Stoplight? Hallleeerrrr! So?"

Napangiti si Celerio. Sabay tayo.

"So... So, patas na tayo. Nagseselos ka, nagseselos rin ako. Ikaw na magliligpit, Mahal ko, tayo rin naman ang magkakatuluyan sa huli. Mabuti pang mag praktis ka na sa gawaing bahay." It was a joke but he said it seriously.

Iniwan talaga niya ng tuluyan si Thalia sa kusina na nakanganga.

Aaminin niyang sinadya niyang gawin yun. Hindi niya akalaing aamin siya na may gusto siya sa dalaga. Tuwing nagkakasama sina Thalia at Lancelot, nakakaramdam siya ng  pagseselos. Pero hindi sapat yun para sabihing mahal na niya ito. Hindi sapat para manligaw sa dalaga.

*********

"Babe, hindi mo ba gusto ang pagkain?" May date sila ni Lancelot tulad ng napag-usapan nilang dalawa pero hindi pa rin talaga nag si-sink in sa utak niya ang naging usapan nila ni Celerio.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon