1

20.4K 264 19
  • Dedicated kay Celerio Ginulayan
                                    

HINDI AKO NAG EEDIT bago nagpopost.

1

She decided to move on. She decided to forget everything that had happened and start a new chapter of her life. She just decided not to love anymore, not to believe that everything is possible when it comes to love.

She just decided to be forever alone!

Mabigat ang mga hakbang na naghintay siya ng bus papuntang Davao City mula Kidapawan City, babalik na lamang siyang Manila. Nawala na ang lahat sa kanya, ang kanyang anak na siya na lamang sana ang meron siya. Nawala rin ang pag-asang mamahalin siya ni Aron Miguel Almesor, ang lalaking inakala niyang magiging kanya.

Inaamin naman niyang ginamit niya ang kanyang Si Tom Nicolo para sana maging sila ni Aron Miguel,akala niya kasi ay pwede. Sa totoo lang, pinagsisihan niya iyon. May nasira siyang isang magandang relasyon dahil sa naging sakim siya sa pagmamahal nito.

“Ano ba, Thalia! Hindi mo na dapat iniisip pa ang nangyari, move on gurl!” Sabi niya sa sarili. Pagod na binuhat niya ang kanyang travelling bag. Nakakalungkot, hindi siya nagpaalam kay Aron Miguel na aalis na siya, alam naman niyang ito ang gusto nitong mangyari.

Naiintindihan naman niya.

Mula nang mawala ang anak, marami siyang narealize, maraming ma bagay-bagay na masasabi niyang maling nagawa niya.

Marami siyang natutunan.

Marami siyang gustong baguhin sa sarili at marami siyang gustong simulan.

Nung dumating ang unang bus ay agad siyang sumakay. Pagod na naghanap ng bakanteng mauupuan, puno kasi kaya kahit na nasa medyong dulo na siya na siya namang pinakaayaw niya ay sige na lamang.

Mabuti na lang at may isang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaking may takip na panyo ang mukha, ayaw yatang paistorbo sa tulog niya. Maingat na inilagay niya sa may paanan ang bag. Nung nagsimula nang umandar ang bus, ipinikit niya ang mga mata.

Biglang tumulo ang mga luha niya. Nakakainis! Ayaw na niyang umiyak. Hindi naman siya iyaking tao. Masayahin siya, baliw nga raw sabi nang mga kaibigan, matapang, maabilidad, malakas ang loob, pero nawala ang lahat ng iyon nung hinanap nila ng anak niya ang ama nito.

“Ayokong umiyak.” Sabi niya sa sarili. Pinunasan ang mga luha at binalikan ang mga alaala ng anak. Yun na lang ang kaya niyang gawin.

****************

Parang may mabigat na bagay na nakasandal sa balikat niya. Unti-unting idinilat ni Celerio ang mga mata, inalis ang panyo sa sadya niyang itinakip sa mukha, antok na antok kasi siya. Mahaba ang biyahe papuntang Parang, Maguindanao, ayaw niyang paistorbo.

Nagulat siya nung may nakasandal na ulo ng babae sa balikat niya, paharap sa kanya ang mukha, nakabukas ang bibig at..

Tumutulo ang laway!

Kadiri!

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon