END

8.1K 289 47
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

51

I have to end this story. Ganun naman talaga, pag may beginning, may ending.

**************

Pauwi na sila ng Parang, Maguindanao ni Celerio Ginulayan at officially "sila na". Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya ni Celerio? Matatanggap kaya siya? Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa puntod ng anak niya, alam niyang maiintindihan siya nito.

"Bakit ang tahimik mo, Mrs. Ginulayan?"

"Ha? Wala, may iniisip lang ako. Teka, kagabi ka pa Mrs. Ginulayan ng Ginulayan jan ha."

"Ayaw mo ba?"

"Gu-gusto."

"Yun naman pala, isa pa, gusto ko lang na masanay kang marinig yan. Malay natin, mamaya lang misis na kita." Sabay tawa ng binata.

"Sobra ka ha. Kinikilig na talaga ako. Enebe!"

"Sana lagi kang kikiligin sa akin."

"Ang corny mo talaga, Lado."

"Kinikilig ka na nga sa kakornihan ko, hindi ba?"

"Sige na, hindi na ako kikiligin." Sabay tingin sa daan, pinipigilang ngumiti, pinipigilan ang sarili na kiligin.

"Okay. Alam mo Thalia, ikaw yung tipo ng babaeng hindi ko magugustuhan sa unang tingin." Hirit ni Celerio.

Biglang balik ng mata niya kay Celerio. "Ganun! So, hindi ako maganda ha, pangit ako? Eh bakit..."

"Pero nagkamali ako, nagayuma ako ng laway mo. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit ka lalo na kapag ngumingiti ka. Ikaw yung tipo ng babaeng hindi ko magugustuhan sa unang tingin pero babalikan ko ng tingin dahil sabi ng puso ko, ikaw ay aking mamahalin."

"Iihhhhhh! Kaenish ka! Ang corny mo talaga, Lado. Kinikilig ako sa super kakornihan mo."

Tumawa si Celerio. Kahit siya hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi.

*******************

Huminto na naman sila sa tabing- daan, pangatlong hinto na yata nila dahil may tumawag na naman kay Celerio, rason nito, ayaw niyang madisgrasya sa daan kaya kailangang huminto. Ang sabi nito, tumatawag ang kasama niya sa trabaho dahil sa kasong inaasikaso nila ngayon.

"Sandali lang mahal. Pwede bang pumili ka na rin ng mga prutas na ipapasalubong natin?" May mga nagbebenta kasi ng prutas sa tabing – daan.

"Siguraduhin mo lang na hindi babae yang kausap mo, Lado. Ipapakain ko sa iyo itong isang buong durian."

Natawa lamang si Celerio, pagkatapos ay biglang nagseryoso habang nagbibigay ng mga dapat gawin sa kausap.

"Siguraduhin mong magiging maayos ang lahat." Sabi pa nito bago tinapos ang tawag. Pinuntahan si Thalia na puro yata tikim ng prutas ang ginagawa. Hindi niya napigilan ang sariling halikan ito sa pisngi na ikinagulat nito.

"PDA, Lado! Nekekeheye, may bata o!"

"Ang ganda mo talaga, Mrs. Ginulayan."

"I know right, I am aware. Halika na nga at palala ka na ng palala, ipapatingin kita sa albularyo pagkauwi natin."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon