29

5.5K 194 5
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Para kay Afsaneh Zahed Pasha na nanalong 1st Runner up sa Miss Xianatics 2015. 

29

"Celerio Ginulayan, pwede ka bang makausap?" Tanong niya kay Celerio na abala sa binabasang police reports. Hindi man lang ito tumingin kay Thalia. Nasa tabi ng binata ang kanyang cellphone na maya't maya ay tinitignan, para bang may hinihintay na napaka importanteng tawag o text.

"Importante ba yan, Thalia?"

"Hindi naman gaano pero gusto ko sana bago ako manghingi ng opinion kina Lola at Mama at Gerson, uunahin kong marinig ang opinion mo. Ano kasi, baka magselos ka."

Nakakunot ang noo na napatingin ito kay Thalia na seryoso ring nakatingin sa kanya. Naalala niya nung tanungin niya si Ruel Acquino kung may kilala itong Thalia Hermosa, parang praning lang na sinabing ayaw nito ng gulo.

Ruel Acquino, kahit pangalan lang ng babae ang babanggitin niya, matataranta na para bang isusumbong na niya kay Gab. Akala mo naman kung kilala talaga si Thalia.

"Hoi, Lado! Nakatingin ka sa akin pero ang layo ng iniisip mo."

"Narinig ko, Thalia, bakit ako magseselos?"

"Eh kasi nga, si Lancelot G. Patay, may proposal siya sa akin. Ang sabi niya, subukan ko raw na maging kami ng isang buwan. Alam mo yun? Hindi talaga magiging kami for real, parang joke, pero parang hindi."

"Anong kinalaman ng proposal na yan sa pagseselos ko?"

"Sus! Ito naman, I'm just joking. Pero, seriously, Lado, I just wanted to have an opinion coming from a male. You know, both of you are policeman, you are relatives, you knew Lance better than me. What can you say?"

Seryoso pa ring nakatingin si Celerio sa kanya, ang lalim ng iniisip.

"Lado? Dumudugo na ang utak ko sa kaka English, hindi mo pa rin ako sinasagot."

"Ano ba ang pagmamahal para sa iyo, Thalia?"

"Ha?"

"Paano ka ba magmahal?"

"Seryoso ka sa tanong na yan, Lado?"

"Oo."

"Ang pagmamahal para sa akin, kailangang buo, yung tipong kaya mong gawin ang isang bagay para sa kanya. Kaya mong isuko ang lahat dahil sa kanya, kaya mong magsakripisyo, kaya mong magtiis. Yung kaya mong mag diet kahit pa ang sarap-sarap ng fried chicken sa harap mo, yung kahit tumutulo na ang laway mo natiis mong mag tubig na lang."

"Ewan ko sa iyo. Seryosong usapan hinahaluan mo ng kalokohan. Dun ka na nga kay Lola at Mama magtanong!" Taboy niya.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nanggaling ako sa isang hindi magandang relasyon? Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang Thalia na nasa harap mo ngayon ay malayung-malayo sa Thalia noon?"

"Hindi ako mapanghusga, Thalia. Hindi ko ibabase sa nakaraan mo ang pagkakakilala ko sa iyo ngayon, ang importante, natuto ka. Ngayon kung tatanungin mo ang opinion ko tungkol kay Lancelot, ang sagot ko, nasa sa iyo kung bibigyan mo siya ng pagkakataon. Pero sana huwag mong paasahin kung talaga namang walang pag-asa. Alam ko ang pakiramdam ng nagmamahal pero hindi kayang ibalik ang pagmamahal na iyon."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon