12

6K 222 22
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

12

Okay naman ang resulta ng lahat ng tests, kailangan lamang talaga ay pahinga ni Thalia. May mga iniresetang gamot para sa mas mabilisan niyang paggaling. Dumaan muna sila sa fastfood chain na gusto nito. Inorder lahat ng namiss niyang pagkain.

“Ang sarap! Share tayo ng drinks oh.” Sabay bigay kay Celerio ng hawak nitong softdrinks. Pineapple juice kasi ang sa binata.

“Masama sa kalusugan yan, Thalia. Kung hindi lang dahil sa iyo, hindi ako papasok rito.”

“Naku! Puro ka kasi gulay.” Naitakip niya ang kamay sa bibig, nakalimutan niya kasing Ginulayan nga pala ang apilyedo nito.

“Maganda sa katawan ang gulay, Thalia.” Idiniin pa nito ang salitang gulay.

Tumaas lamang ang kaliwang kilay ng kaharap, sabagay, maganda ang katawan ni Veggie.

“Yeah right.”

“Bilisan mo at uuwi pa tayo ng Parang, mahirap gabihin sa daan.”

“Sobra to, kakakagat ko lang ng burger, uuwi agad?” Reklamo niya.

Tumingin si Celerio sa relo niya. “45 minutes, Thalia, ganyan na tayo katagal rito.”

“Oo na. Ikaw tong matagal eh. Sabi ko umuwi na tayo, mahirao gabihin sa daan. Tara!” Sabay tayo, bitbit ang mga pagkain.

“Maupo ka nga muna.” Napailing itong tumayo at pumunta sa counter, humingi ng extra cellophane para sa mga pagkaing bitbit ni Thalia. “Ilagay mo ngang lahat yan dito.”

“Salamat! Yan naman talaga ang gagawin ko, naunahan mo lang eh.”

“Umuwi na tayo. Ang ingay mo.”

“Ang ganda ko.” Pahabol pa nitong sabi habang nakasunod kay Celerio, medyo okay na ang paa niya at balakang, ang galing kasi ng therapist kanina. Ang gaan ng kamay. In fairness naman din kay Lado, ginawa ang lahat para gumaling siya. Mabait rin naman, slight.

Gabi na nung nakarating sila sa bahay ng binata. Nakaabang na si Lola Letty, agad siyang nagmano sa matanda.

“Kumusta ang check – up ni Thalia, anak?” Tanong ng Mama ni Celerio.

“Okay na siya, Mama.” Sinabayan sila ng mga ito na pumasok sa loob ng bahay.

“Naiwan mo nga pala ang cellphone mo, Thalia.”

“Ay opo, nakalimutan ko nga po, nag-charge po kasi ako kanina. Sorry po dun, Mama ha.”

“Tumawag ang kaibigan mo.” Umpisa ni Lola Letty.

Napatigil sa paglalakad si Thalia. Iisa lamang ang alam niyang kaibigan niya na may alam ng cellphone number na gamit niya ngayon, kahit si Aron Miguel, o ang mga magulang niya, hindi alam paano siya kokontakin.

Isang malalim na buntung –hininga ang pinakawalan niya bago pinasaya ang mukha at ang boses. “Anong sabi, Lola Letty? Naku! Na miss lang po ako nun.”

“Nasunugan raw siya, kahapon ka pa raw niya tinatawagan kaso hindi ka macontact.”

“Po!” Biglang nag-alala siya para sa kaibigan.

“Isa pa, may pinapasabi pala siya, iha.”

“Ano po yun?” Kinakabahang tanong ni Thalia. Ang kaibigan niyang ito ang tanging pag-asa niya kung sakaling babalik na siya ng Manila.

“Sasama na raw siya sa nobyo niya. Namomroblema nga siya dahil wala ka raw babalikan pag – uwi mo. Wala rin daw kasi siyang magagawa. Naabo lahat, natanggal pa siya sa trabaho.”

“Paano na ako nito.” Hindi napigilang sabi ni Thalia. “Saan ako pupulutin?” Napaupo siya ng wala sa oras sa sofa. Seryoso lamang na nakikinig at nakatingin si Celerio.

“Nakialam ako, Iha. Pasensiya na, pero sinabi ko sa kaibigan mo na kami na ang bahala sa iyo. Yung nobyo mo na ang bahala, tutal naman ay nasa poder ka na namin.”

“Po!” Sabay pa si Thalia at Celerio.

“Tumigil ka nga, Celerio ha. Machi-chinelas kitang bata ka.” Sabi ni Lola Letty sa kanya. Gusto mang matawa ni Thalia ay hindi niya magawa. Ibang usapan na kasi ngayon, hindi na pwedeng makipagbiruan.

“La, ako na po ang magpapaliwanag. Maupo muna kayo.” Napansin kasi niyang lahat ay nakatayo, maliban sa kanya. “Chill lang po tayo ha. Kawawa naman si Lado pag na chinelas, bawas pogi points, La.” Pagpapatawa sana niya.

“Pati ikaw chillnelasin ko.” Pasupladang sagot na ni Lola Letty.

“Lola, ito po kasi talaga ang totoo. As in, this is it na talaga, Lola. Hindi po talaga kami ni Lado, Lola, hindi kami in a relationship status. Hindi nga kami close. We’re like strangers. Yun nga lang po talaga, hindi ko po ma control kung magkaka crush siya sa akin, pero promise Lola, Mama, hindi kami, peksman, mamatay man lahat ng lamok na kumakagat sa mga paa ko sa gabi.”

“Tumigil ka nga, mas pinapagulo mo lahat. La, hindi ko nobya to. Ni hindi ko nga alam saan siya nakatira. Bigla na lang sumama sa akin yan dito sa bahay. Biglang sinabing nobya ko raw siya at kung anu-ano pang kasinungalingan.” Tuluy-tuloy na sabi ni Celerio. Naiinis na siya sa sitwasyon.

Biglang may kinuha si Lola Letty.

Tsinelas!

“Ang maldito mong bata ka! Akala mo kahit pulis ka na, hindi ka na makakatikim sa akin nito ha.” Biglang pinaghahampas nito si Celerio ng hawak na tsinelas sa puwet.

“La!”

“Mama!” Nagulat na saway ng Mama ng binata.

Gustong tumawa ni Thalia, si Lado, pinapalo pa ng tsinelas ni Lola Letty?

“Hndi kita pinalaking maging ganyan sa babae.”

“La!” Umiiwas lang si Celerio sa hampas ni Lola Letty.

“Ma, huminahon po kayo. Maupo na muna tayo.” Nag-aalala ang Mama ni Celerio dahil baka atakihin ng alta presyon si Lola Letty.

Nalilito naman si Thalia. Bakit naman mahihigh blood si Lola Letty eh nagsasabi naman ng totoo si Lado? “Lola, relaks, chill. Nagsasabi po talaga ng totoo si Lado. Hindi po talaga kami. Ganito kasi yun Lola, kasi po hindi ko alam na maling bus yung nasakyan ko, imbes na pa Davao eh pa Cotabato pala, nakatulog po kasi ako kaya hindi ko namalayan, tapos, para umikli ang kwento, pinilit ko si Lado na isama ako sa bahay ninyo. Wala lamang po talaga siyang nagawa, Lola Beauty. Tapos napilay ako, yan po talaga kasalanan ni Lado yan, kaya heto ako ngayon.”

Tumingin lang ang lahat sa kanya, kasama na si Celerio. Pinandilatan ito ni Thalia.

“Di ba tama ang kwento ko?” Tanong nito sa binata.

“Natulog ka sa kuwarto ng apo ko, hindi ba?”

“Opo.”

“Hindi lang iisang gabi, tama ba?” Tanong ulit ni Lola.

“Yes Lola Letty.” Nakangiti pang sagot ni Thalia. Napailing si Celerio, minsan slow ang babaeng ito.

“Pwes! Pakakasalan ka niya!”

“Sobra naman! Natulog lang kasal agad, La! Hindi naman kami nag sex ah!”

“Thalia!” Sabay-sabay na silang nagsalita.

“Bakit? Anong masama sa sinabi ko? Hindi naman talaga tayo nag se…”

“Tubig! Bigyan ng tubig si Lola!” Utos ng Mama ni Celerio.

*****************************************************

Walang pakialamanan ng trip ko sa story. Wala ako sa mood tonight! Swear! Nawala bigla. Okay na sana kanina. Kaya ganyan kabaliw ang update. See the irony of it? OTL (:P)

 

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon