35

5.4K 208 24
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

35

Sinadya ni Thalia na magpaganda ngayong araw. Double date nila ni Lancelot with Celerio and Vivienne, hindi siya makapapayag na maa-out of place ang ganda niya.

Kailangang litaw rin ang kanyang kaputian kaya sinadya niyang itim na bestida ang suot, mabuti na lamang at nung huli silang namasyal ni Celerio ay nakabili siya ng bagong sandalyas. Alam niyang bagay na bagay ito sa maganda niyang mga paa. Siniguro niyang nakapag pedicure at manicure siya.

Dahil medyo off shoulder ang napili niya, sinadya niyang ipusod ang buhok para litaw na litaw ang makinis niyang leeg at braso. Naglagay siya ng konting make-up na alam niyang babagay sa kanya at sa suot niya.

"Yan! Ang ganda-ganda ko!" Natutuwang pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Nagwisik pa siya ng pabango at hinanap ang kanyang itim rin na shoulder bag.

Bakit ba itim ang napili niyang isuot? Feel niya lang. Black signifies elegance and beauty.

"THalia? Hindi ka pa ba tapos? Nag-aantay na sina Vi at Lance sa labas." Narinig niya ang boses ni Celerio sa labas ng kuwarto niya. Masyadong excited sa double date?

"Wait lang, Lado!" Inayos niya pa ang damit niya bago binuksan ang pinto. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa binata na natahimik nung nakita siya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.

Gwapong-gwapo rin naman ang kaharap sa suot nito. Ngayon niya lamang nakita si Celerio na medyo formal ang outfit. Madalas kasi ang OOTD nito ay police uniform o hindi kaya puting t-shirt na butas pa ang kili-kili.

Naka abuhing pantalon na tinernuhan na itim na long sleeved collared shirt na sinadya nitong itaas para umabot lamang hanggang siko. Lakas lang makapa-macho effect. At ang sapatos, leather, hindi yung sinusuot nito sa duty.

"Tayong dalawa ba ang magde-date? Tayo ang magkaterno ah. Siguro nalaman mo ang kulay ng susuotin ko?" Natatawa at nang-aasar na tanong ni Celerio.

"Hindi no! Feelingero!" Naghintay pa siya na mag comment ito pero wala na. "Tara?"

"Teka." Nilingon siya ng binata.

"Ang gwapo mo ngayon."

"I know, sinabi na sa akin ni Lola at Mama." Kumindat pa ito sa kanya.

"Tse!" Hinintay niyang mag komento rin ito sa ayos niya pero wala talaga kaya siya na lang ang nagtanong. "Okay lang ba ang suot ko?"

Tumingin ito ulit sa kanya. "Hmmm. Okay lang."

"Okay lang? Matapos kong mag-ayos, okay lang?"

Lumapit si Celerio sa kanya sabay hawak sa baba niya para itaas ito ng kaunti. "Relaks, Thalia, alam kong magugustuhan ka ng ka-date mo ngayon." Seryoso nitong sabi sabay tingin sa mga mata niya.

Bakit ba biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Epekto ba ito ng sobrang lapit ng distansiya nila ngayon? O yung sobrang gwapo nito, o dahil nakatingin ito direcho sa mga mata niya? O lahat ng rason na naiisip niya.

"O-okay." Nakahinga siya ng maluwag nung tumalikod na ito.

"Kung gusto mo, dumaan ka muna sa kusina, nandun sina Lola Letty at Mama, siguradong sasabihin ng mga yun na ang ganda mo ngayon." Asar nito.

Aray!

"Hindi ko na kailangan. Alam ko sa sarili ko na maganda ako. Tse! Hindi ka gwapo ngayon, binabawi ko na, mukha kang nagtitinda ng encyclopedia na nagbabahay-bahay!" Nilampasan niya ito.

"Wala ng nagtitinda ng encyclopedia ngayon, uso na ang google." Sabay tawa nito sa kanya. Bwisit, bakit naging mapang-asar na si Celerio sa kanya? Pinapatulan na siya nito?

"Thalia, you look gorgeous. Bagay na bagay sa iyo ang suot mo. Mas lalo kang gumanda." Humahangang sabi ni Lancelot.

"Salamat, Lance. Ang gwapo mo rin ngayon. Alam mo, gustung-gusto ko ang kulay ng polo mo, green. Bihirang-bihira sa mga lalaki ang kayang dalhin ang kulay na 'yan." Totoo naman kahit papaano ang papuri ni Thalia kay Lancelot.

"Thank you, Thalia. Natutuwa ako basta galing sa iyo ang comment. Shall we?" Inalalayan ni Lancelot si Thalia.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Vi. Mas lalo kang gumanda ngayon. Isa pa, parang mas sumeksi ka? O hindi ka lang talaga tabain?" Narinig ni Thalia ang sinabi ni Celerio. Nasa unahan kasi nila ito.

"Binobola mo lang yata ako eh." Sexy naman talaga ito sa suot na pink dress, pero bakit si Vivienne, sinabihan ni Celerio na maganda, siya hindi?

"Alam mo namang hindi ako mambobola. Hindi ko gawain yan. Ang ganda mo talaga."

Tumaas ang kilay ni Thalia. Marunong mambola si Celerio?

Dahil ang napagkasunduan nila ay kotse ni Vivienne ang gagamitin at si Celerio ang magmamaneho, magkatabi ang dalawa, at sila ni Lancelot ang nasa backseat. Hindi kasi pupuwede ang sasakyan ni Lancelot.

"Thanks talaga, Lerio ha. Nakakabagot rin kasi sa Parang, mabuti na lang at makakapamasyal tayo ng Cotabato City." Alam ni Thalia na may halong lambing ang boses na iyon ng babae at naiinis siya dahil tila tuwang-tuwa pa si Celerio.

"Wala yun, alam mo namang malakas ka sa akin."

"Sweet ka talaga, alam mo, ang swerte ng girlfriend mo."

"I'm single at this time, Vi."

"Talaga? Well, single rin ako." Sabay na nagtawanan pa ang dalawa. Inis na inis tuloy si Thalia.

"Are you alright?" Malambing na tanong ni Lancelot sa kanya.

"Ha? Oo, okay lang ako. Medyo sumakit ang ulo ko." Pagdadahilan niya.

"Ganun ba? Medyo malayo pa naman tayo, halika, sumandal ka muna sa akin. Pumikit ka muna para mas gumaan ang pakiramdam mo." Umisod si Lancelot papunta kay Thalia para makasandal ito sa balikat niya. Kitang-kita iyon ni Celerio mula sa salamin ng kotse.

"Napano yan?" Seryosong tanong nito kay Lancelot.

"Biglang sumama ang pakiramdam."

Narinig iyon ni Thalia pero hindi siya dumilat ng mga mata. Mas lalo pa siyang sumiksik papunta kay Lancelot.

Itinabi na muna ni Celerio ang sasakyan. Pagkatapos ay nilingon si Thalia.

"Thalia, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang bumalik tayo para makapagpahinga ka?" Puno ng pag-aalala na tanong nito sa kanya.

Ano ngayon ang isasagot niya?

Arte pa more!

Happy 13th monthsary Xianatics!!!

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon