27

5.4K 216 8
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

26

Maagang nagising si Thalia ng araw na iyon, napag-isipan niya kasing ipagluto ng agahan ang buong pamilyang Ginulayan. Pero kahit maaga na siyang nagising, mas maaga pa rin sina Lola Letty at ang Mama ni Celerio.

"Ang aga mo yata, Thalia? Sasama k aba kay Celerio?"

"Po? Saan siya pupunta, Mama?"

"Saan ba madalas pumupunta ang batang iyon kapag may oras?"

"Sa Kidapawan? Naku! Sasama po ako, Lola. Hindi naman niya sinabi agad na ngayon eh."

"Akala ko nga kaya maaga kang nagising dahil sasama ka, sige, katukin mo nga sa kwarto niya. Alam kong gising na yun."

"Lado?" katok niya, alam niyang gising na ito dahil sa ilaw na nakikita niya mula sa kwarto ng binata.

Nakabihis na ito ng pagbuksan niya. "Bakit?"

"Pupunta ka raw ng Kidapawan ngayon?"

"Oo."

"Bakit naman ganun, Lado? Hindi mo ako sinabihan? Wala tayong iwanang dalawa, hindi ba? Tapos ngayon, mababalitaan ko na lang na lalakad kang mag-isa?"

"Sandali lang naman kasi ako dun. Babalik ako agad."

"Day off ko naman eh. Pasama naman ako oh. Sige na, Lado. Alam mo, baka ito na ang sandaling pinakahihintay ko. Ito na yung araw na magiging maayos ang lahat. Gusto kong maitama ang mga nagawa kong mali sa buhay."

"Ang dami mo pang sinabi, sige na, magbihis ka na. Walang reklamoha, kung sino man ang pupuntahan mo 'dun, sandali lang kayo. Uuwi tayo agad, may ibibigay lang kasi ako."

"Yes! Thanks. Lado ha. Alam mo, ipagluluto talaga sana kita ng almusal ngayon, pero dahil may lakad tayong dalawa, next time na lang."

"Kilos na! Iiwanan kita ngayon."

***************************************

"Lado, kapag ba tinext at tinawagan mo ang isang tao, pagkatapos ayaw kang sagutin, anong ibig sabihin nun?"

Papunta na sila ng Kidapawan at tulad ng inaasahan, mangungulit na naman si Thalia.

"Ibig sabihin, ayaw ka ng tao kausapin."

"Wala naman na akong intensiyong masama, alam mo yung feeling na binabase nila ang lahat sa nakaraan mo, nakakalungkot talaga."

"That's how people judge most of the time, Thalia. Minsan, kahit ano pa ang gawin mong mabuti, mas nakikita nila ang mga mali mo."

"That's unfair! I'm totally changed! They should give me a chance!"

"Just wait, Thalia. That chance will soon be given to you." Nilingon niya ito. Napakunot-noo siya nung makita niya itong nakahawak sa ilong.

"Bakit?"

"Ingles kasi tayo ng Ingles, lumalabas na ang dugo sa ilong ko."

Napailing na lamang si Celerio, ang alam niya kasi, seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Pro ka kalokohan. Pero seriously, mabait ka namang tao, Thalia. Hindi ko tatanungin kung anu-ano ang mga nagawa mo noon, ayaw kitang husgahan, pero tama na sa akin ang mga nakikita ko ngayon. Napapangiti mo sina Lola Letty at Mama, hindi ba sinabi ko na dati, sapat na 'yun sa akin."

"Kay bubuti nyo naman kasing mga Ginulayan, nakakahawa. Yung pinagtitirikan ba ng bahay nyo dati ay isang kumbento? Bumabait ako ng super duper ultra mega!"

"Bumabait ka nga, nababaliw naman." Natatawang sabi niya.

Ilang sandali pa at narating na nila ang Kidapawan. "Ihahatid na kita, saan mo ba gustong pumunta?"

"Sa Jollibee na lang muna, lado, jan rin kita hihintayin mamaya."

"Okay, kaya mo ang isang oras ha? After an hour, babalik na tayo, hindi ako nakapagpaalam sa opisina."

"Sure! Malapit lang naman ang pupuntahan ko." Balak kasi niyang magpatulong kay Ruel pero hindi ito sumasagot sa mga text messages niya. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Ayaw kasi niyang direktang makipag-usap kay Aron Miguel o kay Candice ng hindi pa nasisiguradong okay ang dalawa.

Napangiti siya nung maalala si Celerio. Sobrang mahal na mahal nito si Gabrielle kahit pa alam ng lalaki na hanggang kaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Nakikita niyang kuntento na ang binata. Kahit hindi pa niya nakikilala si Gabrielle ay naiinggit na siya rito. Kailan kaya siya makakakita ng lalaking katulad ni Celerio kung magmahal?

Nung maubos ang iniinom ay sumakay siya ng tricycle papunta sa opisina ni Ruel. Sasadyain na lamang niya ito. Siguro naman ay haharapin siya at kakausapin kahit papaano. Sabi nga ni Celerio kanina, maghintay lamang siya, malay mo, baka ito na ang pagkakataong hinihintay niya.

"Naku, Ma'am, wala po si Sir Ruel. May emergency po kasi na nangyari kaya hindi po siya pumasok." Ang sabi ng secretarya nito.

"Ganun ba? Kaya siguro hindi siya nakakasagot sa mga text at tawag ko. Pakisabi na lang na dumaan ako. Thalia Hemosa kamo ha."

"Sige po."

"Salamat."

"Walang anuman po, Ma'am." Ngumiti ito. Siguro kung siya ang dating si Thalia, maiinis siya sa mga ganitong sitwasyon, pero ngayon hindi na. Malaking tulong ang pagtira niya sa mga Ginulayan.

Dumirecho muna siya sa puntod ng anak bago bumalik ng Jollibee, hihintayin naman siguro siya ni Celerio kung sakaling mahuhuli siya.

Pero huli na nga siya ng labing-limang minuto at ngayon halos kalahating oras na siyang naghihintay ay wala pa rin si Celerio. Tinawagan na niya ito at tinext pero hindi sumasagot. Iniisip niya na lang nab aka pinagbigyan siya nung Gabrielle para sa isang date. Kailangan niyang intindihin, minsan lang magka lovelife ang tao, hindi pa talaga for real.

Pero nung malapit ng mag-isang oras at hindi pa rin dumarating si Celerio ay medyo kinabahan na siya. Sinubukan niya itong tawagan. Laking pasasalamat niya nung sumagot ito.

"Hello Thalia, sorry."

"Nasaan ka ba? Kanina pa ako text ng text, hindi mo rin sinasagot ang tawag ko. Sabihin mo nga, nakidap ka ba?"

"No. Nasa hospital ako."

"Ha? Bakit? Saan? Paano? Nadisgrasya ka? Okay ka lang? Ilan ang tama mo? Saan? Pupuntahan kita." Natataranta niyang tanong.

"Nasa hospital si Gabrielle. I'm sorry, Thalia, hindi ako makakauwi ngayon."

"Ganun ba? Okay lang ba siya?"

"Hindi, pakisabi na lang kina Mama at Lola Letty na nasa ICU si Gab."

"Uuwi akong mag-isa?"

"Oo. Sorry talaga ha. Alam mo ba saan ang terminal?"

"Oo naman. Si-sige, ako na ang bahala. Mag-ingat ka."

Nakaramdam siya ng lungkot habang papuntang terminal. Bakit ganun? Bakit parang nasasaktan na rin siya na mas inuna ni Celerio si Gab kesa sa kanya? Bakit parang may konting selos siyang nararamdaman?

"Hindi. No. Okay lang ako. Selos kaibigan lang ito." Kausap niya ang sarili. Napalakas yata kaya napatingin sa kanya ang driver ng tricycle.

"Huwag kang mag-alala at malungkot, Miss. Maghihiwalay rin sila at kayo ang magkakatuluyan."

"Geh, Manong, paasa ka, nasaktan at naging tanga na ako ng minsan. Ayokong mag take two!"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon