45

6.9K 224 28
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

45

"Mag-ingat kayong dalawa ha. Thalia, huwag mong pababayaan ang apo ko."

"La, hindi ba baligtad?" Si Gerson ang maghahatid sa kanila papuntang Cotabato Awang Airport.

"Wala kasing alam ang Kuya mo sa Maynila, baka maligaw." Pagbibiro ng Mama nito.

"Ako na po ang bahala kay Lado, Mama, Lola."

Ngayon kasi ang alis nina Thalia at Celerio. Nakakuha ng ilang araw na pahinga ang binata. Tulad ng ipinangako niya, sasamahan niya si Thalia sa pag-uwi nito sa kanila.

"Para namang ngayon lang ako makakapunta ng Manila. Gerson, ikaw na ang bahala kina Mama at Lola. Huwag mong kinukunsinti si Lola na matulog ng hating gabi dahil sa mga pinapanood niya."

"Oo na, Kuya. Huwag kang mag-alala, tapos na ang pinapanood niya, may Big Winners na. Yun nga lang, naloloko si Lola at Mama sa AlDub."

Napailing na lang si Celerio. "Basta, ikaw na ang bahala sa dalawang yan. Paano aalis na po kami."

"Apo, ibalik mo si Thalia sa atin ha." Naiiyak na sabi ni Lola Letty.

"La, napag-usapan na po natin ito. Hindi natin pwedeng pigilan si Thalia. May sarili po siyang pamilya."

"Kung sakali lang, apo. Babalik ka naman Thalia, hindi ba?"

"Oo naman po, Lola. Malakas ka sa akin eh."

"Thalia, hindi natin alam ang mangyayari."

"May babalikan naman ako kung sakali, hindi ba?" Nalulungkot na siya, parang ang hirap umalis kapag ganito.

"Of course!" Nakatingin si Celerio sa mga mata niya habang sinasabi 'yun. "Kahit anong mangyayari, tanggapin ka man nila o hindi, may babalikan ka."

"Mama, sabi ko na nga ba na ipakasal muna natin itong dalawa para makasigurong uuwi talaga. Parang ayaw yatang umalis, pag nahuli ang dalawang 'to sa flight nila, ako na ang may kasalanan!"

"Oo na, epal ka sa magiging lovelife ko, future bayaw."

"Hindi pa kita sinasagot, Thalia." Nakasimangot na sabi ni Celerio pero alam nilang nagbibiro lang ito.

Hihirit pa sana si Thalia pero niyakap na siya ng Mama ni Celerio. Sumunod si Lola Letty.

*************************

"Ano raw ang gusto mo? Water, juice, coffee or me?" Tanong ni Celerio sa kanya. Hinihintay rin kasi ng flight stewardess ang sagot niya.

"He-he-he. Kerney mo. Water na lang, Miss. Thank you."

"Ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Ilang oras na lang kasi, makikita ko na sila. Kinakabahan ako."

"Everything will be alright, Thalia."

"Ano na kaya ang itsura nila? Alam mo, magtataka talaga sila sa itsura ko ngayon." Kwento niya, baka sakaling ma relax siya at mabawasan ang kabang nararamdaman.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon