49

5.8K 201 22
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

49

"Ikumusta mo na lang kami kay Gab, anak ha. Kung hindi lang busy sa tindahan ay pupunta kami sa kasal niya. Nagkataon pang may grand reunion ang Ginulayan Family."

"Opo Mama." Nag-aayos na ng gamit sina Celerio at Thalia. Isinakay na rin nila ang regalo ng pamilya sa owner type jeep niya.

"Mabuti naman at naisipan mong isama si Thalia ng makilala naman niya si Gabrielle."

"Ay, kilala ko na po siya, Lola. Yung love of his life..."

"Dati. Hindi na ngayon." Putol ni Celerio sa anumang sasabihin niya.

"Sino na ngayon, apo?"

"Si..."

"Ay Lola Letty, aalis na po kami. Papasalubungan kitang prutas galing ng Kidapawan." Sinadya ni Thalia na putulin ang anumang sasabihin ng binata.

"Maaga pa naman, sige na, Kuya. Sino na ang nagtitiis sa ka-kornihan mo ngayon?" Nang-aasar at nakangising tanong ni Gerson.

Biglang humarap si Celerio kay Thalia, sabay kindat. "Iisa lang naman ang babaeng nagpapaganda ng araw ko ngayon. Ikaw yun, Thalia, kaya sa harap nina Mama at Lola, isama mo na si Gerson, gustong kong sabihin na mahal kita."

"Ghad! I hate drugs! Korni mo SPO3 Celerio Ginulayan!"

Tahimik silang dalawa habang nasa biyahe. Hindi alam ni Thalia kung anong sasabihin. Tumatakbo kasi ang isip niya. Hindi niya alam kung nagsasabi talaga ng katotohanan si Celerio. Alam naman ng lahat kung ano ang nararamdaman nito kay Gabrielle Dela Merced bago pa man sila nagkakakilala. Alam ng lahat kung ano ang nakaya nitong isakripisyo para lamang sa pag-ibig. Ganun lamang ba kadaling mapalitan si Gabrielle sa puso ng binata? Talaga bang mahal na siya nito?

Gusto niyang subukang umibig muli, subalit takot na siyang masaktan. Ngayon na pupunta siya sa kasal nina Ruel at Gabrielle, alam niyang may posibilidad na magkikita silang dalawa ni Aron Miguel. Handa na ba ang binata na patawarin siya? Handa na ba itong kausapin siya? Kung sakali mang oo, handa na rin ba siyang buksan ang puso niya para sa iba?

Hindi rin alam ni Celerio kung ano ang unang sasabihin sa katabing dalaga. Ilang oras na lamang ay masasaksihan na niya ang pag-iisang dibdib ng babaeng labis niyang minahal noon. Masaya siya para sa babaeng dating minahal. Alam niya, sigurado siya sa sarili niya na iba na ang nilalaman ng puso niya sa ngayon. Alam niyang si Thalia na ito, subalit alam niyang nag-aalangan pa ang dalaga. Ang kailangan lamang niya ay mapatunayang si Gabrielle ang noon at siya na ang ngayon.

Sabay pa silang huminga ng malalim, pagkatapos ay sabay na napatingin sa isa't isa.

"Okay ka lang?" Magkasabay din nilang tanong.

"Bayern! Sige, ikaw muna."

"Anong gagawin mo kung magkikita kayo ngayon ni Aron Miguel?"

"Ewan ko." Yun naman ang totoo. "Ikaw?"

"Anong ako?" Nagtatakang tanong ni Celerio.

"Ano ang gagawin mo ngayong ikakasal na siya?"

"Aabangan ko kung kailan magtatanong ang pari na kung sino bang tututol sa kasalan, pagkatapos sisigaw ako." Seryoso niyang sagot.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon