41

5.8K 239 41
                                    

Alam ni Thalia na sila lang ni Celerio ang maiiwan sa bahay simula pag-uwi niya ngayong Biyernes dahil may out of town na lakad sina Lola Letty, ang Mama at si Gerson. Naalala niya na naman ang date nila bukas. Hindi nga lang siya sigurado kung tama ang dinig niya ng oras. Baka naman alas singko ng hapon, alangan namang umaga?

"Pero parang umaga talaga. Mamaya tatanungin ko. "

"Thalia, mag o-overtime ka ba?" tanong ng kasamahan niya.

"O....

"Hindi. May lakad kami. "

Napalingon siya sa nagsalita. Si Celerio. Ang alam niyang susundo sa kanya ay si Lancelot.

"Anong ginagawa mo rito? "

"Susunduin ka. Bilisan mo at baka uulan. " Utos nito sa kanya.

"Aba't kung makautos! Si Lance ang sundo ko ngayon. "

"Alam niyang hindi ka niya pwedeng sunduin dahil susunduin kita."

"Bakit? "

"Anong bakit? Ibinilin ka sa akin nina Mama at Lola."

"Ano ako, batang paslit? Kaya kong umuwi mag-isa no. "

"Nagpapakipot ka pa. Asan na bang gamit mo? Halika na."

Siniko siya ng kasamahan niya. "Grabe Thalia ha, haba ng hair mo, dala-dalawa ang admirers. Ibigay mo naman sa akin ang isa." Bulong nito.

"Si Patay, pwede sa 'yo." Si Celerio na ang sumagot, sabay kindat sa kasamahang cashier ni Thalia.

"Ay! Ang gwapo mo, Sir!" Hindi na nito napigilan ang sarili na mag comment.

"Pangit siya, akala mo lang gwa...

Hindi na naman niya natapos ang sasabihin dahil hinila na siya ni Celerio sabay bitbit ng gamit niya.

"We need to go. Sa Monday na lang kayo magkwentuhang dalawa kung gaano ako ka gwapo."

"Kapal! Alam mo, panira ka ng diskarte, mag o-OT sana ako, dagdag kita. "

"Ano bang dagdag kita. Hindi ka naman namin inoobliga ng gastusin sa bahay."

"I know, at nagpapasalamat ako 'dun. Kaso nakakahiya. May pride din naman ako kahit konti, Lado. Isa pa, gusto ko talagang makaipon, gusto kong umuwi sa amin. Gusto kong makita ang mga magulang ko. Gusto kong...gusto kong humingi ng tawad. " Bigla siyang nalungkot ng maalala ang pamilya.

"Okay. I understand." Hindi na tuloy alam ni Celerio ang idudugtong, hindi siya sanay sa ganitong personalidad ni Thalia.

"Naku! Nagda-drama na naman ako. Teka, tuloy ba ang date natin bukas? Hindi ako excited ha. Nagtatanong lang."

"Oo. 5am sharp ang umpisa."

"As in fayb ey-em! Anong date yan? Wala pa kayang bukas na restaurant sa Parang ng oras na yan. "

"Bakit, sinong nagsabing kakain tayo sa restaurant? Five am dahil mag jo-jogging tayo. Tumataba ka na."

"Jogging? Jogging ang date natin?" Medyo disappointed siya. Akala niya romantic date na.

"Oo. Kaya kailangang maaga. "

"Anong klaseng date yan?"

"Date ala Celerio style. Dumaan na lang tayo sa Ginulayan Resto para hindi na tayo magluto. Kailangan mong matulog ng maaga para sa date natin."

"Hindi pwede, manonood pa ako ng OTWOL saka manliligaw na si Tommy kay...kay sino nga yun? "

"Miho. Inaabangan mo hindi mo alam. Sira ang TV, ido-download ko na lang ang episode ngayon. "

************
"Matulog ka na. " Nakaupo sa harap ng TV si Celerio. May binabasang kung ano.

"OTWOL na. "

"Sira ang TV."

"Anong sira? Sira ulo ka. Asan ang remote?"

"Dinala ni Gerson. "

"Ha? "

"Kung gusto mo, tawagan mo pa. Sandali, ako na lang. "

Kinuha nito ang cellphone. At sinadyang i loud speaker.

"Nasaan ang remote ng TV? "

"Nasa akin. Akala ko ba dadalhin ko para walang istorbo sa date nyo? "

"Good. Ingat kayo. "

Tumingin siya kat Thalia sabay ngiti. "Matulog ka na, Mahal ko. Maaga pa ang date natin bukas. "

"Tse! Ayokong mag jogging! "

Pero alas kwatro y medya pa lang ay ready na si Thalia. Mabuti na lang pala at nakabili siya ng rubber shoes sa ukay-ukay. Feeling sexy rin siya suot niyang magkapares na shorts at sando, talagang pang jogging ang outfit niya dahil nagpaplano na rin talaga siyang mag jogging.

"Pero alam kong hindi pa ako mataba ha. " Tingin niya sa repleksyon sa salamin.

Wala pang alas singko ay lumabas na siya ng kwarto niya.

"Akala ko ba hindi ka sasama sa akin? " biglang may nagsalita sa gilid niya.

"Ay gwapo! Ano ba, nang-aano ka eh!"

Nakasandal ito sa pader ng kwarto niya. Naka suot na ng pang jogging outfit. Bakit ang gwapo-gwapo at ang macho - macho ng tingin niya kay Lado ngayon? Ganito ba ang epekto niya kapag madaling araw?

"Akala ko mahihirapan pa akong gisingin ka. Excited? "

"H-hindi ah! Tara na. "

"Oppps. Ayoko ng suot mo. Palitan mo yan." Sabay bigay ng nakatuping damit sa kanya.

"At bakeeet? Ang sexy ko kaya sa suot ko. "

"Mag jo-jogging tayong dalawa. Sa ayos mo, baka lahat ng pulis sa kampo sasabay sa atin. Mainit pa naman ang ulo ko sa iistorbo sa date ko. "

"Tse! Ano to? "

"Yan yung isusuot mo. Bihis na, mahal ko, five minutes para sa 5:00 a.m. sharp date. "

Pabagsak na isinara ni Thalia ang pinto. Pagkatapos ay nagpalit ng damit. Mabuti na lang at sakto sa kanya. Paglabas ay naka krus na ang mga braso ni Celerio.

"It's 5:10. Ang tagal mong magbihis. "

"Sorry po, kamahalan."

******

"Bagay sa 'yo ang suot mo. "

Itim na jogging pants at puting t-shirt na may malaking number 1 sa harap at ang alam niya may print pa ito sa likod. Hindi na niya nabasa.

"Lahat ng isusuot ko, bagay sa akin. "

"Bagay talaga sa iyo kasi bagay nga sa akin. " pagpapapansin ni Celerio sa suot niya. Ngayon lang napansin ni Thalia na magkapareho pala sila ng suot.

"Pareho pala tayo? Nagyon ko lang napansin. Bakit 1?"

"Kasi October 1 ngayon. Unang date natin."

"Ang korni. Anong nakasulat sa likod? "

"Secret. "

Papasok na sila ng kampo. Nauna si Celerio sa kanya. May nakasulat na 'Mr. Ginulayan' sa likod ng t-shirt nito.

"Mr. Ginulayan? Ano ang sa akin? Hindi ko nakita. Ms. Hermosa ba? "

"Secret. Warm up exercise muna tayo, Mahal ko. "

"Ano nga muna ang nakasulat?" Pilit niyang inaabot ang likod ng t-shirt niya para makita ang naka tatak pero 'di talaga niya makita.

"Lado? Kasi naman di ko alam na papasuotin mo ako ng t-shirt at jogging pants na pareho tayo. Ano nga ang nakasulat? "

" Kasalanan mo yan kasi hindi mo binasa. Ngayon lang nga ako nagpa customize ng damit, hindi mo pa agad napansin. "


ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon