Chapter Four

60 4 0
                                    

Song: Gisingin ang Puso-Liezel Garcia

A/N: Para sa akin, ito ang theme song ng story ni Sai. Hope you will like it. 

Daisy's POV

"Sai, gising! Ako ito, ang Kuya Pepe," naalimpungatan ako habang may yumuyugyog sa akin. Nang makita kong si Kuya Pepe iyon ay bumangon ako kaagad.

"Kuya? Kuya..." At napayakap ako sa kaniya. Matagal ko siyang hinihintay. "Saan ka pumunta?"

"Itatakas na kita. Pasensya ka na at natagalan ako. Halika na bilis!" Sabay hila niya sa akin at mabilis naman akong nagpakayag sa kaniya. Bumangon ako at hindi alam ang gagawin.

"Kuya..."

"Bilisan mo kumilos ka na!"

Napatingin kami sa labas ng marinig namin ang mga yabag at bumukas ang pinto ko.

"Kuya Pepe? Ikaw iyan? Anong ginagawa mo kay Sai?" Galit na galit na bungad ni Ate Ingrid. Shit!

"Huwag ka ng maingay! Hayaan na natin siya Ingrid!" Hinawi niya si Ate at hinila ako para makalabas. Mabilis akong kumilos at nakababa.

"Hindi pwede! Ma!!!! Bilisan mo Ma, tumatakas si Sai!" Sigaw niya kaya nagmabilis pa akong lalo. Ngunit naabutan agad ako ni Tiya.

"Anong kalokohan ito?! Saan ka pupunta sa tingin mo?"

"Ma, si Kuya tinatakas si Sai!"

"Ano?!" At hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit.

"Ma... Hayaan na natin si Sai! Sobra na ang pagpapahirap niyo sa kaniya!"

"Nababaliw ka na ba? Umpisa pa lang ng pagyaman natin! Bakit mo pinipigilan?! Eh kung ganyan lang ako kaganda, ako na lang sana! Kahit nga kapatid mo. Pasensya siya, siya ang gusto ng mga parokyano!" At kinaladkad na niya ako pabalik sa kwarto ko. Umiiyak na ako sa sakit ng hawak niya sa akin.

Isang bagay na lang ang naiisip ko.

"Ikaw minsan ka na lang umuwi, perwisyo ka pa!-----"

Habang nagbabangayan sila ay sumimple akong kumuha ng gunting sa drawer ko. Palibhasa ay nagbabangayan sila ay hindi nila ako pansin.

'Mukha ko pala ang may kasalanan, puwes, mawawala na ang ganda nito!'

Sinugatan ko ang mukha ko ng makailang beses. Nang masiguro kong ilan na iyon ay sinunod ko ang buhok ko at pinudpod ko ang gupit doon ng sunod sunod.

"A-Anong ginagawa mo? Lintik kang babae ka!"

"Sai!!!" Tumakbo sa tabi ko si Kuya Pepe.

Ngumisi ako sa harap nila kahit nasasaktan. "Hindi niyo na ako mapapakinabanagan. Diba, itong mukhang ito ang dahilan? Wala na, sira na!" Pang aasar ko.

"Walanghiya kang babae!" Agad akong kinaladkad ni Tiya at tinulak niya sila Kuya at Ate palabas ng kwarto, at nilocked ang pinto.

"Ma!!!"

Sampal, sapak, tadyak at nang masalampak ako sa sahig ay pinagtatadyakan naman ako. "Anong ginawa mo ha!!!" Sabay sabunot sa akin. "Sige, eto gusto mo diba? Bugbugan! Ibibigay ko sa iyo!!" At lalo niya akong hinatawan ng pangbubugbog. Naramdaman ko ang sakit sa ibat ibang parte ng katawan ko.

"Ma, buksan mo ang pinto, Ma!!!" Katok ni Kuya.

"Punyeta ka!!! Dito ka na lang magkakasilbi sa akin!!! Ano Sai tumayo ka!!! Gaga ka!!! T@ng ina ka!!!" Pero parang mawawalan na ako ng malay sa tuloy tuloy na sakit na nararamdaman ko.

"Ingrid, tumabi ka!" At narinig ko na ang pwersahang pagbukas ng pinto.

Agad na pumagitna sa amin si Kuya. "Sai... Sai, tama na Ma!!! Dalhin natin siya sa ospital, dali!!."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon