Chapter Twenty Five

56 3 0
                                    

Song: Take Her To The Moon- Moira Dela Torre

Lines:

So before I say goodbye

Would you do one last thing for me

Be happy..

Leone's POV

Kinaumagahan ay pumunta ako sa pwesto ng tindahan ni Sai para sana magpaalam ngunit wala siya doon. "Nasaan si Sai?"

"Naku Kuya Leone, nilalagnat nga po. Sabi ko huwag na kami magbukas para maalagaan ko siya kaso matigas po ang ulo. Pero iniwanan ko na lang siya ng pagkain at gamot niya po doon sa bahay bago ako umalis," paliwanag ni Tamia. Nilukuban kaagad ng pag aalala ang puso ko.

"May nag aalaga sa kaniya?"

"Wala nga po. Katatawag ko lang po pero hindi po sinasagot, baka po tulog."

"Sige, salamat Tamia," sagot ko at nagmamadaling bumalik sa sasakyan para puntahan si Sai sa boarding house niya. Mahigpit ang landlady niya pero dahil sa pakiusap ko ay pumayag naman ito.

Pagkabukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang dalawang double deck bed at ang isa ay ang kinaroroonan ni Sai. Nakataklob ito ng kumot at nanginginig sa lamig. Pagkalapit sa kaniya ay kinapa ko kaagad ang noo niya at naramdamang sobrang init noon. Tumingin siyang nagtataka pero dahil sa sama ng katawan kaya nagtalukbong agad din siya ng kumot. Agad akong kumuha ng bimpo at maliit na planggana saka kumuha ng tubig.

"Ang taas ng lagnat mo ha," sabi ko habang pinupunasan siya.

"Ayos lang ako Black, uminom na ako ng gamot." Nangangatog na sabi niya.

"Hindi pa bawas ang pagkain mo, ano bang ginagawa mo? Sai, dalawa na kayo. Hindi mo pwede pabayaan ang sarili mo ngayon," sermon ko.

"Kakasuka ko lang eh. Wala pa akong gana," bakas sa mukha niya ang pagkaputla.

"Halika, dadalhin kita sa ospital," agad akong tumingin sa paligid kung anong dapat dalhin.

"Hindi na-"

"Hindi ko ito ginagawa para sa iyo, kundi para sa baby," dagdag ko. Agad ko na siyang binuhat papasok sa kotse ko.

"Black.. Alam ko nasasaktan ka-"

"Kaya ko, hayaan mo lang ako. Hindi kita kayang iwan ng ganito," nasa sasakyan na kami at inoff ko na ang aircon 'nun. Dinagdagan ko pa ang kumot niya ng jacket ko.

Pagkarating sa Emergency Room ay agad siyang dinaluhan ng mga doktor at nurses. The doctor admitted her kasi baka daw bumaba ang electrolytes niya dahil hindi siya nakakakain dala ng pagsusuka dahil sa pagbubuntis niya.

"Tignan mo na, ang tigas ng ulo mo," bulyaw ko sa kaniya habang nasa room na kami at kinabitan na siya ng IV line.

"Salamat, mapapahamak ko pa ang baby ko," sabi nito na hawak ang puson. "Kailan pala ang uwi mo?"

"Kapag nakita kong ayos ka na," sagot ko at hinawakan ulit ang noo nito. Hindi na iyon tulad kanina pero mainit pa rin. Nawala na rin ang pangangatog niya.

"Ayos na ako, pinasara ko na ang tindahan at pinapunta na dito si Tamia. Papunta na rin si Marsia, ang kaibigan ko, pwede ka nang umuwi. Kaya ko na ito," tinitigan ko lang siya saka sunud sunod na umiling.

"Aalagaan muna kita hanggang makauwi ka sa bahay mo."

"Black-"

"Pagbigyan mo na ako. Pambawi man lang sa mga hindi magandang nagawa ko sa iyo."

Tinitigan niya lang ako saka ngumiti, "hindi naman na kailangan. Ayos lang ako," sagot niya.

Dumating na ang mga kaibigan ni Sai pero pinilit ko na ako na muna ang mag aalaga sa kaniya. Nagdadala na lang sila ng pagkain namin at minsan ay nakikipagkwentuhan at nakikipagbiruan kay Sai para maaliw ito. Alam kong sa mga kasama niya ngayon, hindi siya mapapabayaan dito.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon