Chapter Twenty One

56 4 0
                                    

Song: Dahil Mahal Na Mahal Kita-Roselle Nava

Daisy's POV

Lumipas ang mga araw at kung paanong nagpakitang gilas ako sa mga labanan, ganoon din ang pinapakita ni MJ. Kasalukuyan silang naglalaban ni Leone sa ngayon at kita ang malaking abilidad niya pagdating sa mga fighting skills. At isang malakas na suntok niya tinapos ang laban, mukhang napuruhan si Black doon kaya agad akong lumapit sa kanila. Inalalayan ko si Black na makatayo.

"I know, RD trained you well enough," nakangiting banggit ni Black. "Pero sa susunod, mananalo na ako s aiyo, makikita mo," tumapik pa sa balikat ni MJ si Black.

Tumingin ako kay MJ at nakita kong nakasimangot siya. Nagamot si Black at nang gabing iyon ay mayroon na naman silang transaksiyon kaya naiwan akong nagtetraining sa gym. Nang makita kong pumasok si MJ ay siya namang alis ko.

"F.. Wait.."

"Nagmamadali ako," sabi ko saka sinukbit ang bag ko.

"Sandali, sandali lang.." humarang siya sa dadaanan ko kaya nahinto na rin ako. "Are you avoiding me?"

"Iyon naman ang dapat," sagot ko.

"Pero ang nangyari-"

"Dapat na natin iyon kalimutan. Isipin mo na lang na tulad lang din iyon ng mga ginawa mong-"

"Hindi, hindi iyon tulad ng iba! Iba ka sa kanila!"

Doon ako matamang tumingin sa kaniya, "totoo ba? Na hiwalay na kayo ni Rose?"

"Oo, hindi ko na kayang makisama nang napipilitan lang."

"Dahil sa akin?"

"Hindi! Ako, ako ang dahilan. Mahal kita, iyon ang totoo kong nararamdaman! Sabihin mo sa aking wala ka kahit konting pagtingin sa akin? Na kahit kaunti, ayaw mo ang nangyari sa atin? Dahil hindi iyon ang nararamdaman ko! Alam ko, mahal mo rin ako, ayaw mo lang umamin," sabi nito.

"Ano bang ginagawa mo? Ano bang gusto mong mangyari? Magkasira tayong lahat? Ako at si Black, ikaw at si Black?! Kapag pinilit mo iyang sinasabi mo, hindi rin tayo magiging masaya dahil marami tayong masasaktan. Hindi ko kayang makasakit lalo na si Black ang pinag uusapan natin dito!"

"Akala mo ba madali sa akin? Parang kapatid na ang tingin ko kay Black! Pero ang nararamdaman ko sa iyo-"

"Tama na! Kalimutan mo na!"

"Ganoon mo siya kamahal?"

"Oo! Kaya umayos ka na! J, huwag na nating ipilit!" saka ako mabilis na umalis.

Iba pang areas ng labanan ang sumunod na ginanap. At tulad ng inaasahan, nag iingay si MJ sa lahat ng parte ng laro at ganoon din ako. Hindi ako nagpapatalo.

Madalas na magkatinginan kami ni MJ pero ako ang agad na umiiwas ng tingin sa kaniya.

Sa isang tagpo, naglaban ulit si MJ at Leone. Sa una'y makikita ang kabagsikan ni MJ na matalo si Black. Determinado din si Black pero hanggang sa nacorner na siya ni MJ ay hindi na siya nakahabol. Pero nagulat akong napahiga siya ni Black at sa gulat ko ay nasa akin ang tingin ni MJ. Pagkatapos noon ay nagpaubaya siya sa sunud sunod na suntok na binigay sa kaniya ni Black. Alam kong sinadya niya iyon dahil kayang kaya niyang labanan pa sana si Black. Kaya niya pa dapat!

Mabilis akong lumapit sa kanila nang tumunog na ang time bell, nagdalawang isip ako kung sino ang pupuntahan ko. Buti na lang ay agad na dinaluhan ni RD si MJ. At panalo si Black sa pagkakataong iyon.

"Sorry bro, napadami ata," sabat ni Black.

Nagkamay na lang ang dalawa at siyang tingin sa akin ni MJ, "panalo ka na 'bro, iyon ang importante." Saka siya lumakad palayo, tinignan ko pa ang pigura niyang palayo.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon