Chapter Twenty Four

57 3 0
                                    

Song: Run- Leona Lewis

Fave Lines:

I'll sing it one last time for you
Then we really have to go
You've been the only thing that's right
In all I've done

Leone's POV

"Your girlfriend betrayed you.. and your brother.. everyone you believe to love you.. Tsk! Silang dalawa na akala mo na mahal na mahal ka at si Ethan na tinuring mo pang parang kapatid, pinagtaksilan ka rin.. How pathetic," pahayag ni Maki.

"Paano mo nalaman ang bagay na ito?! Ha! Magsabi ka!" kuyom ang kamaong baling ko sa kaniya. Kasalukuyan akong nasa clinic niya at tinitignan ang records ni F nang pilit niya akong kausapin.

"Mahalaga pa ba kung kanino ko nalaman? Grabe Black, ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam sa relasyon nilang dalawa. Napakasakit na ang nobya mo at ang kaibigan mo, iniputan ka sa ulo. I have a theory, na si Ethan ang tatay ng anak niya. Black, babalikan mo pa ba ang isang iyon? Malamang tinatawanan ka na nila ngayon."

Padabog kong binitiwan ang files at agad na sumakay sa sasakyan ko. Nagtatagis ang bagang na pumunta ako sa condo ni Ethan at pagkabukas niya ng pinto ay agad ko siyang sinuntok.

Pasalampak siyang tumumba sa sahig sa lakas ng suntok ko. Hawak niya ang pangang tumingin sa akin. Bakas ang sakit sa kaniya dahil napangiwi siya sa sakit pero nagtataka akong hindi siya lumalaban.

"Totoo ba?" nagtatagis ang bagang kong tanong pero hindi siya sumagot. "Did -you- lay- with her?"

"Black-"

"Ahh!!" at agad ko siyang kinubabawan at pinagsusuntok.

"Pakinggan mo muna ako!!!" sigaw niya sa gitna nang ginagawa kong pambubugbog sa kaniya.

"Hindi kita mapapatawad!!" Sabay na bumabagsak ang pawis ko at ang luha ko. "Tinuring kitang kapatid! Mga walanghiya kayo!" Pero nakuha niya ako, at nakatayo siya at siya naman ang kumilos para itulak ako papunta sa likod ng pinto na hawak ang dalawa kong kamay.

"Pakingggan mo ako kung gusto mong maintindihan ang sitwasyon! Nasa gitna kami ng transaksiyon nang may mangyari sa amin!" at doon na ako kunalma at tumingin sa kaniya.

"A-Anong sinasabi mo? A-Anong ibig mong sabihin?! Magsalita ka!!!" pasigaw kong pamimilit sa kaniya.

"Natatandaan mo ba ang huling transaksyon namin?" Doon na nawalan ng lakas ang tuhod ko at napaluhod ako. Naaalala ko ang kwartong pinasok namin ni RD. Hindi! "K-Kami a-ang napili-"

"Tama na! Tama na!" labis ang alab ng galit kong pahayag. "B-Bakit mo sinunod?!"

"Boss Gener left us no choice Black. Huwag na huwag mo rin siyang sisisihin sa nangyari, dahil alam kong labag sa kaniya iyon. Hindi ka niya gustong pagtaksilan!"

Napailing na ako at umupo sa sahig saka ko hinilamos ang mga palad ko. "Anong nagawa ko?"

'Si Ethan ang ama ng pinagbubuntis ni Sai, sigurado na ako.'

"M-May nasabi ba siya sa iyo bago siya umalis? Wala ka bang balita tungkol sa kaniya?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya nang tuloy tuloy at siyang yuko ko.

"Black.." saka ako tumingin sa kaniya. "I'm sorry.. I did not want what I feel for her, gusto kong malaman mo na-"

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ko.

"Si Sai, I love her," kinuwelyuhan ko siya at tinulak sa pader.

"Walanghiya ka! Kailan pa?"

"I'm sorry, bugbugin mo ako kung iyan ang gusto mo. Hindi ko sinasadya Black, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.." akmang susuntukin ko siya ng maalala ko si Sai. Nakita kong hinanda na niya ang mukha niya sa pagsuntok ko sa kaniya.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon