Chapter Thirty Five

65 5 0
                                    

Song: Pretend to Forget by Emma Heesters

Lines:

Don't ever miss me anymore
You gave up on us when you closed that door
I wish you all the best
Thought you were my last
Just please can you let me pretend to forget

Daisy's POV

Busy day, maraming mga deadlines at cut offs kaming hinahabol sa office nang araw na ito at aligaga ang lahat ng mga tao nang may tumawag sa office line ko.

"Good day, PUB San Jose branch, this is Daisyree Enocena, how may I help you?" Sagot ko na nasa balikat ang unit habang hawak ang gatambak na pirmahin sa harap ko.

"We need to talk, I have a prospect for your replacement. Be in a café for 15 minutes," hindi man magpakilala pero alam na alam ko na kung sino ang kausap ko. Agad din niyang binaba ang tawag pagkasabi noon, wala sa huwisyong ibinaba ko ang phone ko at tinapos na lang ang pirmahin ko.

Hindi talaga siya titigil.

Sandali akong nag ayos at nagpaalam sa assistant ko na magka client call. Pagdating sa café ay prente na siyang nakaupo doon habang matamang nakatingin sa isang form na sumisimsim ng kapeng hawak niya. May waitress na pumunta sa kaniya at binigay ang order niya at nakangiti niya itong pinasalamatan. Huminga muna ako ng malalim saka siya pinuntahan.

Pagkakita niya sa akin ay nag ibang bigla ang awra ng mukha niya. From being nice to being grumpy, parang ano mang oras ay mananapak siya.

"You are late," aniya.

"We have a workload today, I'm not supposed to be here in the first place," sagot ko at umupo na.

"Really? You are not supposed to be there in the first place," matigas niyang pahayag.

"Please.. I need to go back imme-"

"Ako ang mgasasabi kong aalis ka na o hindi, mas lalong hahaba ang pag uusap kung hindi ka makikipag cooperate," saka niya sinuot ang eyeglasses niya at nagsimulang magbasa sa hawak niya.

"Ok, what's your point?"

"Here," saka inabot sa akin ang isang folder. "She has a good portfolio, numerous achievements, and a GOOD BACKGROUND," he emphasized the last part. Napalunok ako sa inis pero kinimkim ko na lang at tinignan ang resume, the girl is a good-looking person. Hindi ako magtataka kung nalink na ito sa kaniya.

"Your ex?" tanong ko.

"None of your f*cking business," sagot niya.

"Ok, thank you for this," sagot ko at astang tatayo na.

"I'm not done yet," hawak ang kamay kong pagpigil niya sa akin. Tinignan ko lang ang kamay niya at bumalik sa upuan ko.

"What?"

Iniabot niya ang phone na hawak niya, "get it, number ko lang ang nakalagay diyan at gusto kong sagutin mo kaagad kapag tumatawag ako."

"I have a phone!"

"This is your illegal phone, I'm sure sanay ka sa ganiyang galawan," kinuha ko na iyon at nilagay sa bag ko para matapos na. "One week, iyon lang ang mabibigay ko sa iyong oras."

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako?"

"Alam mo ang sagot Sai."

"And, tingin mo, natutuwa ang anak nating makita kang ganiyan?" mataas na boses kong tanong.

"Huwag mo siyang dinadamay sa away natin!"

"You became unreasonable, Ethan! Better yet, stop this bullsh!t!"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon