Chapter Two

84 5 0
                                    

Song: Nothing and everything (Fight inside) by Red

Lines:

And it finds me
The fight inside is coursing through my veins
And it's raging
The fight inside is breaking me again

Daisy’s POV

“Tayo na naman ang nagkita. Kaya tulad mo ang nagiging score ko sa school eh!” Kausap ko sa sarili ko habang kumakain ng pritong itlog at kanin. Naubusan na naman kasi ako ng ulam kaya nagprito na lang ako. “Buti na lang, hindi ako naging lalaki. Baka mamunga ka na sa baba ko at dumami ang itlog ko doon kapag nagkataon.”

Sa nakalipas na mga araw, nagulat akong kahit papaano ay nag iba na ang trato sa akin nila Tiya. Madalas ay hindi na lang nila ako sinisita at pinapansin. Mas maayos na iyon sa akin kesa iyong nasa akin ang atensyon nila. Pinapasok na rin nila ako matapos gumaling ng mga sugat ko. Pinalabas nilang nagbakasyon lang ako sa probinsya. Ang plano kong pag alis sa impyernong bahay na ito ay nakalatag na. Sana maging matagumpay ngayon, hindi tulad ng mga nagdaang palpak na plano ko.

“Sai! Bukas pagkagaling mong school, sumama ka sa akin pumunta ng mall. May bibilhin lang ako,” normal na sa aking sumasama kay Ate Ingrid dahil ako ang inuutusan niyang magbitbit at mag-iikot kapag napapagod na siya kakapamili. Spoiled na spoiled ang gaga.

“Sige ate,” malungkot kong sagot saka ako lumakad na papasok sa school.

Pagkapasok sa room ay nanibago ako. Lalo na ng makita ko si Betty sa grupo ng magugulo naming kaklase.

“Bet,” tawag ko at hindi niya ako pinapansin. Hinawakan ko siya sa braso, “huy, bakit? Eto naman, nawala lang ako ng ilang araw," nagtatampo kong saad.

Tinignan niya ako at hinawi niya ang kamay ko, “Dais, huwag mo na akong lapitan simula ngayon. Bilin sa akin ng nanay ko na layuan ka na," bigla ay parang nanlambot ang mga tuhod ko at tinitigan siya. Nararamdaman ko ng nag iinit na ang mga mata ko. Hindi pwedeng si Betty! Siya na lang ang meron ako!

“B-Bakit?” Mangiyak ngiyak kong tanong.

“Hindi daw magiging maganda ang impluwensya mo sa akin. Pasensya na,” at umiwas na siya sa akin ulit. “Hoy Carla, sama ako sa inyo kumain mamaya ha.” Rinig ko pang kausap niya sa iba. Nanatili akong nakatayo lang doon hanggang sa dumating na ang teacher namin.

Nasa school ako pero wala ang sarili ko doon. Isa siguro ito sa malulungkot na araw ko pa. Isang kaibigan ang muling umayaw sa akin. Pang ilan na ba?

“Baby, namiss kita. Ang tagal mong nawala ah.” Pagkausap sa akin ni Dave pagkalabas ng school.

“Dave, masama ang pakiramdam ko eh. Mauna na ako sa iyo.” Paalam ko at nagsimula ng maglakad.

“Hahatid kita,” habol niya at kinuha niya pa ang mga dala kong libro. 

“Huwag na, saka mamalengke pa ako sandali. Sige,” sabay kuha ulit sa libro ko pero iniiwas niya iyon.

“Sama ako,” saka nagpatiuna na siya sa paglakad.“Jeep na tayo para hindi ka mapagod. Malayu layo rin ang palengke," aya niya. 

Nasa may dulo kami naupo ni Dave. Siya ang malapit sa driver. Nag uusap kami ng biglang dumami ang pasahero. Palibhasay dumaan kasi sa Magsaysay University. At saktong uwian pa. Nasiksik tuloy ako ng upo hanggang sa pumasok ang may tatlong kalalakihan na naka uniform pa. Tumabi sa akin ang lalaking naka facemask na itim. Parang tanga lang. Nasiksik tuloy ako lalo kay Dave at napatingin sa kaniya. 

“Huwag kang lilingon ha. Sa akin lang ang tingin mo," inis niyang pahayag.

“Anong problema mo!” Astang lilingon ako ng hulihin niya ang mukha ko at hinarangan ng kamay niya ang gawi doon. Tinabing ko naman iyon kaagad. Hindi naman ako tumitingin sa gawi nila. 

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon